PAKIKIPAG-UGNAYAN
Ano ang tawag sa pagpapalitan ng produkto nang walang ginagamit na pera?
A. Kalakalan
B. Barter
C. Migrasyon
D. Cultural Diffusion
B. Barter
Sila ang responsable sa pagtatala ng buwis, kasunduan, at kasaysayan.
A. Elites
B. Scribes
C. Laborers
D. Slaves
B. Scribes
Ito ang pinakabatang Relihiyon at ang kanilang diyos ay si Allah at ang kanilang banal na aklat ay tinatawag na Quran.
A. Judaismo
B. Shinto
C. Islam
D. Budismo
C. Islam
4. Ito ay uri ng pamamaraan na marahas na nagreresulta sa pagpapalawak ng teritoryo at sapilitang paghahalo ng iba't ibang kultura at yaman?
A. Cultural Diffusion
B. Kalakalan
C. Pakikipagkapwa tao
D. Digmaan
D. Digmaan
(Pharaoh, Nobles, Scribes, Farmers, Slaves)Ito ay mga antas sa lipunan ng Kabihasnang ____________.
A. Kabihasnang Mesopotamia
B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Tsino
D. Kabihasnang Ehipto
D. Kabihasnang Ehipto
Ito ay Polyteismong relihiyon at ito ang pinakamatandang relihiyon sa buong mundo na nagsimula sa India.
A. Budismo
B. Confucianismo
C. Hinduismo
D. Shinto
C. Hinduismo
Ano ang pinakamahusay na halimbawa ng cultural diffusion?
A. Pagpapalitan ng wika, relihiyon, at kaugalian
B. Paglipat ng kabisera ng isang bansa
C. Pagpapagawa ng mga piramide
D. Pagdaragdag ng buwis sa mamamayan
A. Pagpapalitan ng wika, relihiyon, at kaugalian
Ito ay nagpapakita ng pagkakapangkat-pangkat ng mga tao batay sa kanilang katayuan o 'social class'.
A. Estrukturang pangkultura
B. Estrukturang Panlipunan
C. Estrukturang Pang-ekonomiya
D. Estrukturang Pampolitika
B. Estrukturang Panlipunan
Ito ang apat na pinakamalawak ng relihiyon sa daigdig. Ano-ano ang mga ito ?
A. Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo
B. Kristiyanismo, Judaismo, Islam, Hinduismo
C. Kristiyanismo, Judaismo, Hinduismo, Budismo
D. Islam, Judaismo, Hinduismo, Budismo
A. Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Budismo
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng negatibong epekto ng pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Lumawak ang kalakalan at nagpalitan ng kaalaman
B. Lumawak ang ugnayan ng mga kabihasnan
C. Kumalat ang mga sakit at nagkaroon ng mga digmaan.
D. Lumakas ang kalakalan at hanapbuhay ng mga tao.
C. Kumalat ang mga sakit at nagkaroon ng mga digmaan.
Paano nakaapekto ang estrukturang panlipunan sa pag-unlad ng ekonomiya ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Dahil lahat ng mamamayan ay iisa lamang ang hanapbuhay.
B. Dahil ang bawat pangkat, tulad ng magsasaka, mangangalakal, artisan, at pinuno, ay may tiyak na papel na nag-ambag sa kabuhayan ng kabihasnan.
C. Dahil ipinagbawal ang kalakalan sa pagitan ng iba't ibang pangkat ng lipunan.
D. Dahil ang mga pinuno lamang ang maaaring gumawa ng mga produktong pangkalakalan na dinadala sa iba't ibang kabihasnan.
B. Dahil ang bawat pangkat, tulad ng magsasaka, mangangalakal, artisan, at pinuno, ay may tiyak na papel na nag-ambag sa kabuhayan ng kabihasnan.
Isang serye ng mga takdang kilos, salita, o seremonya na ginagawa sa isang partikular na paraan at pagkakataon.
A. Paniniwala
B. Tradisyon
C. Kultura
D. Ritwal
D. Ritwal
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng migrasyon at kalakalan sa pag-unlad ng kabihasnan?
A. Ang migrasyon ay nagpatigil sa lahat ng kalakalan.
B. Ang paglipat ng mga tao ay nagdala ng mga bagong produkto at kaalaman sa iba't ibang lugar.
C. Ang kalakalan ay naging dahilan ng pagkawala ng mga Kaugalian, Tradisyon at kultura ng sinaunang kabihasnan.
D. Ang migrasyon ay walang epekto sa kabuhayan at kalakalan ng bawat kabihasnan.
B. Ang paglipat ng mga tao ay nagdala ng mga bagong produkto at kaalaman sa iba't ibang lugar.
Bakit mahalagang salik ang estrukturang panlipunan sa pagpapanatili ng kaayusan sa mga sinaunang kabihasnan?
A. Dahil pinahintulutan nitong maging pantay ang lahat ng mamamayan sa kapangyarihan.
B. Dahil malinaw na naitakda ang tungkulin at responsibilidad ng bawat pangkat sa lipunan.
C. Dahil pinayagan nito ang lahat ng alipin na maging hari o pinuno ng isang kabihasnan
D. Dahil inalis nito ang pangangailangan sa pamahalaan.
B. Dahil malinaw na naitakda ang tungkulin at responsibilidad ng bawat pangkat sa lipunan.
Ano ang tamang pagkakasunod-sunod:
A. Relihiyon-Kultura-Tradisyon-Identidad-Paniniwala-Ritwal
B. Relihiyon-Paniniwala-Ritwal-Tradisyon-Kultura-Identidad
C. Paniniwala-Relihiyon-Ritwal-Tradisyon-Kultura-Identidad
D. Ritwal-Paniniwala-Tradisyon-Kultura-Identidad-Relihiyon
B. Relihiyon-Paniniwala-Ritwal-Tradisyon-Kutura-Identidad