KABIHASNANG MESOPOTAMIA (PART 1)
KABIHASNANG
MESOPOTAMIA (PART 2)
KABIHASNANG
INDUS (PART 1)
KABIHASNANG
INDUS (PART 2)
5

Ito ay parang templo sa mesopotamia kung saan dito pinaparangalan at sinasamba ang mga diyos o patron.

a. lungsod estado              c. Pyramid 

b. Taj Mahal                       d. Ziggurat

d. Ziggurat

5

Binubuo ng 12 lungsod estado ang kabihasnang Sumer sa Mesopotamia. Ano ang hindi kabilang dito?

a. KISH          b. UR           c. URUK      d. GUPTA 

d. GUPTA

5

Sila ang pangkat ng tao na bumuo at nagtatag ng kabihasnang indus. Sila ang gumawa ng mga planadong malalapad na daan o kalsada, kabahayan na hugis parisukat na may palikuran at kauna-unahang gumawa ng sewerage system sa kasaysayan.

DRAVIDIAN 

5

Ito ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga dravidian sa kabihasnang Indus.

a. Cuneiform                      c. Calligraphy 

b. Sanskrit                         d. Pictogram

d. Pictogram

10

Ito ang kauna-unahang epikong panitikan sa buong mundo.

EPIC OF GILGAMESH

10

Ito ang tawag sa sistema ng pagsulat ng mga tao sa mesopotamia.

CUNEIFORM

10

Ang salitang Arya sa salitang sanskrit ay nangangahulugang ______________. 

"MARANGAL"

10

Ito ang tawag sa panahon na itinatag ng mga Aryan sa kabihasnang Indus kung saan sa panahong ito maraming impluwensyang naisalin sa politika, ekonomiya, relehiyon at kutura ng mga tao sa kabihasnan.

PANAHONG VEDIC

15

Sino ang nagtatag ng kauna-unahang Imperyo (AKKAD) sa daigdig? 

SARGON I

15

Ito ang tawag sa kauna-unahang kalipunan ng batas na naisulat sa buong daigdig sa panahon ng Babylonian Empire. Ito ay isinulat sa Stela at ipinaskil sa mga pampublikong lugar para mabasa ng lahat. Binubuo ito ng 282 na batas. 

Halimbawa ng batas: "Mata sa mata, Ngipin sa Ngipin"

CODE OF HAMMURABI

15

Ito ang pinakamataas na antas ng lipunan sa Sistemang Caste. Ito ay kinabibilangan ng mga kaparian.

a. Vaisya          b. Ksatriya         c. Brahmin    d. Sudra

c. Brahmin

15

Sila ang mga mangangalakal, artisan at magsasakang may lupa sa sistemang caste.

a. Vaisya          b. Ksatriya         c. Brahmin    d. Sudra

a. Vaisya

20

Sila ay mayroong malulupit na pinuno at malalakas na hukbo kaya sila ay tinaguriang pinakamalupit na Imperyong sumakop at naitatag sa Mesopotamia. 

ASSYRIAN / ASSYRIA

20

Ang Chaldean ay tinatawag na "Bagong Imperyong Babylonia". Sa Imperyong ito naitayo ang Hanging Gardens of Babylon" Sino sa mga kilalang pinuno ng Imperyong Chaldean ang nagpatayo nito?

a. Nabopolassar                c. Nebuchadnezzar II

b. Nebuchadnezzar I          d. Cyrus the Great

c. Nebuchadnezzar II

20

Ito ang unang kaharian na naitatag sa Indus. Ito ay tinaguriang pinakamatatag at pinakamahusay na kaharian at dito namuno si Bimbisara. 

Kahariang/Imperyong MAGADHA

20

Anong tawag sa Imperyo na pinamunuan ni Ashoka o Asoka (pinakamahusay na pinuno sa kasaysayan sa daigdig) ?

Imperyong MAURYA 

25

Ang Imperyong Persian ay may pinakamalawak na imperyong naitatag sa Mesopotamia at sa daigdig (Mula Balkan hangang Indus Valley na umaabot sa 5.5 Million Square Kilometer). Dahil sa lawak nito hinahati ito sa mga lalawigan na tinatawag na __________. 

SATRAPY (lalawigan)

25

Ito ang tawag sa katangian ng mga Diyos sa Mesopotamia na mahahalintulad sa katangian ng mga tao.      Clue: nagsisimula ito sa letter "A" at nagtatapos sa "C". Ito ay binubuo ng 15 letters.

ANTHROPOMORPHIC

25

Sa Imperyong ito naganap ang panahong klasikal sa India. Dito din naimbento at unang ginamit ang numerong zero, decimal point, pagkalkula ng 365 na araw sa isang taon. 

Imperyong GUPTA

25

Siya ang isa sa mga pinuno ng Imperyong Mogul na nagpatayo ng Taj Mahal bilang ala-ala sa kanyang yumaong asawa na si Muntaz Mahal.

Clue: Ito ay may initian na S at J

Shah Jahan 

M
e
n
u