RIDDLES 1
RIDDLES 2
RIDDLES 3
RIDDLES 4
100

Mula sa batis, kinuha limang pinaka-makikinis
Ng isang batang  guwapo na mamula-mula ang kutis
Isa mula sa supot ang sa kalaban ay nagpatumba
Siba't at espada ay hindi umubra.

BATO (NA GINAMIT KAY GOLIATH)

100

Sa hardin ng Eden nag salita ang ahas
Nang ako'y pinagpapalo ng tatlong beses
nagsalita din ako sa wakas.

ASNO

100

Trabaho ay iniwan para sa gawaing pangkaharian
Piraso ng bato ang kahulugan ng pangalan
Hindi mahiyain at mapusok pa nga kung minsan
Kaya madalas sawayin at pagsabihan

(APOSTOL) PEDRO
100

Simpleng buhay ang kinamulatan
Malaking pamilya kinailangang suportahan
Ipinagkanulo ng isang kaibigan
Mabigat na hatol sigaw ng bayan

JESUS

200

Kilala sa maamong ugali at hitsura
Sa mga mata, pag-ibig ang makikita
Sa akin itinulad isang Shulamita.
ANO AKO?

KALAPATI

(Awit ni Solomon 15:1)

200

Sa bawat bansa iba't iba ang mukha
Nakikilala anuman ang wika
Mag-ingat, huwag akong iibigin
Upang ikaw ay di ko maging alipin!

SALAPI

200

Mula ako sa pinakamaliit na sambahayan.
Tinawag ni Jehova upang maging tagapagligtas ng bayan.
Nanguna kasama ng kaunting pangkat.
Naging hukom at namatay ng tapat.

SINO AKO?

GIDEON

200

Kabataan palang ng ako'y atasan
Babalaan ang tiwaling bayan
Pinagkaitang mag-asawa o mag-anak
Ako'y tumatangis, puso ko'y wasak

JEREMIAH (WEEPING PROPHET)

300

Mahirap pero pwedeng lunukin.
Kung hindi, ikaw ang lulunukin.

ANO ITO?

PRIDE/KAYABANGAN/PAGMAMATAAS

300

Ako ay minsan minamahal o kinaiinisan ng tao.
Itsura nila'y aking binabago.
Habang ikaw ay nabubuhay, kasama mo ako.
Pilit mang ako'y itago, taon-taon ako ay lumalago.

EDAD/AGE

300

Sa kanyang ina isang anghel ang nagpakita
Sinabing sa Israel siya ay mangunguna
Kalaunan ay umibig sa babaeng di tapat
Kapalit ng mga pilak, mga kaaway ay naging kasabwat
Sa kapipilit kanyang lihim ay naisiwalat
Pambihirang lakas agad naglaho matapos maipagkanulo.

Sino ako at sino ang tinutukoy ko?

SAMSON & DELAILA

300

Mula sa kani-kanilang tribo sila ay sinugo
Mga may impluwensiya dahil sila ay mga pinuno
Apatnapung araw sila ay nagmanman
Sa lupain kung saan malalakas ang naninirahan

12 TIKTIK

400

Matulin pero walang paa.
Nakapagsalita bagaman hindi talaga.
Mahaba pero sa butas ay kasya.
ANO AKO?

AHAS/SNAKE

400

Ako'y gumawa ng isang bagay na hindi ko pa kailangan,
Ginamit naman niya ng hindi niya nalalaman.

ATAOL/KABAON/CASKET

400

“Minamahal” ang kahulugan ng kanyang pangalan Propeta ay sinugo upang siya ay pahiran
Kalugod-lugod sa puso ni Jehova
Babaeng maganda kanyang nakilala
Sa mga kilos nito karunungan ay makikita
Inalok ng kasal nang ito ay mabiyuda. 

Sino sila?

DAVID & ABIGAIL

500

Mahalaga ako sa naglalakbay
Bigat nila'y aking sakay
Sa disyerto'y apatnapung taon din akong naglakbay
Minsa'y nakasama ko dakilang tao na nabuhay

TSINELAS/SANDALYAS

500

Sobra ang takaw ko,
umaga't gabi ang kain ko
Tila baga'y walang kabusugan, walang kapahingahan
Bata o matanda, mahirap o mayaman
Walang pinagpipilian
Panahong darating
Iluluwal ko lahat ng aking kinain

HADES/SHEOL/LIBINGAN

500

Kinalakihang lunsod aking nilisan
Hiling ng magulang di kinalimutan
Isang estranghera aking nakita
Siya ay maganda at tagapag-alaga ng tupa
Maraming taong inasam na siya’y makatuluyan
Inibig ko siya hanggang kamatayan 

Sino ako at ang tinutukoy ko?

JACOB & RAQUEL

M
e
n
u