Sya Anak ng isang Judiang sumasampalataya datapuwat Griego ang kaniyang ama, at may mabuting patotoo ng mga kapatid.
Timoteo
Gaw. 16: 1-2
Ang ipinang-alok ni Simon na manggagaway kay Pedro upang siya ay bigyan ng kapangyarihang kaloob sa mga Apostol.
Salapi
Gaw. 8: 18-19
Dako o lugar kung saan naging kaugalian ni Pablo na puntahan sa tuwing darating sa panibagong lungsod.
Sinagoga
Gaw. 17: 1-2
Isang Levita, tubo sa Chipre, na nagbenta ng kaniyang bukid upang itulong sa mga Apostol sa kanilang pangangaral. (Ito rin ang isa sa naging kasama ni Pablo sa pangangaral).
Jose/Bernabe
Gaw. 4: 36-37
Nang araw na ito ay nakapagsalita ang mga Apostol ng makapangyarihang gawa ng Dios sa iba't ibang wika dahil sa pagsanib sa kanila ng Espiritu Santo ng Dios.
Araw ng Pentecostes
Gaw. 2: 1-11
Lugar kung saan isinangguni ni Pablo at Bernabe ang usapin o suliranin tungkol sa pagtutuli sa mga Gentil
Jerusalem
Gaw. 15: 1-22
Ang nagkapalad na maibilang na isa sa mga Apostol na kapalit ni Judas Iscariote.
Matias
Gaw. 1: 23-26
Batas na pinagtibay ng mga Apostol at ng Espiritu Santo na ipinagbawal kainin kahit sa Cristiano.
Dugo at binigti
Gaw. 15: 20, 29
Sa history, sa probinsyang ito kabilang ang lungsod/bayan ng Filipos at Tesalonica.
Macedonia
Sya ang nangaral at nagbautismo sa lalaking bating na taga-Etiopia na nagbabasa ng hula ni Propeta Isaias tungkol sa pagkakatawang tao ni Cristo?
Felipe
Gaw. 8: 26-40
Habang sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa hatinggabi sa isang kulungan sa Filipos, ang kalamidad (disaster) na ito ay nangyari.
Malakas na lindol
Gaw. 16: 25-26
Ang lungsod ng Roma kung saan ang mga mananampalataya ay unang tinawag na mga "Cristiano."
Antioquia
Gaw. 11: 26
Isang babaing taga Tiatira, mangangalakal ng kayong kulay-ube at masipag sa kabanalan na siyang nagpatuloy kay Pablo at Silas sa kaniyang bahay.
Lidia
Gaw. 16: 14-15
Pagkatapos na maipapatay si Esteban ay nangyari ito laban sa Iglesia na nasa Jerusalem.
Malaking pag-uusig
Gaw. 8: 1
Namuhi si Pablo sa bayang ito dahil sa puno ng mga diosdiosan at ang mga tao ay mahilig umalam ng bagong aral kaya't mayroon ding mga taong nanampalataya sa kaniyang pangangaral.
Atenas
Gaw. 17: 16, 21, 32-34