SINO ANG NAGSABI?
KARAKTER SA BIBLIYA
LUGAR
PANGYAYARI
MGA BAGAY SA BIBLIYA
100

"Tama bang magbayad ng buwis kay Cesar o hindi?"

Mga Pariseo kay Jesus - Mateo 22:17

100

Anim na pangalan ng 12 apostol ni Jesus

Pedro, Andres, Felipe, Santiago, Juan, Mateo, Bartolome, Tomas, Santiago (anak ni Alfeo), Hudas, Tadeo, Simon 

100

Lugar kung saan nagbabautismo si Juan

Ilog Jordan

100

Isang tinig ang narinig na nagsasabi: "Ito ang anak ko, ang minamahal ko at kinalulugdan"

Bautismo ni Jesus sa ilog Jordan - Mateo 3:17

100

Sa panaginip ni Haring Nabucodonosor tungkol sa malaking estatuwa, sa anong bagay gawa ang mga dibdib at braso nito?

PILAK Daniel 2:32 - Ang ulo ng imahen ay purong ginto, ang dibdib at mga braso nito ay pilak, ang tiyan at mga hita nito ay tanso, ang mga binti nito ay bakal, at ang mga paa nito ay pinaghalong bakal at putik. 

200

"Anak ni David, Jesus, maawa ka sa akin!"

Bartimeo (na anak ni Timeo) - Marcos 10:47

200

Isang babaeng Hudyo na taga Galilea na nakatira sa Nazareth

Maria, ina ni Jesus

200

Ang paskuwa ng mga Judio ay malapit na, at dito pumunta si Jesus kung saan nag-alab ang kanyang galit at sinabi niya "Alisin ninyo rito ang mga iyan!

Templo sa Jerusalem - Juan 2:13-16

200

Sinabi ng isang anghel sa lingkod ng Dios "Tumakas kayo para makaligtas! Huwag kayong lilingon!"

Pagpuksa sa Sodoma at Gomora. Pagliligtas sa pamilya ni Lot.

200

Kailangang tumingin dito ang mga Israelita para hindi sila mamatay sa kagat ng ahas. Ito ay nakapulupot sa isang tulos. Ito ay replika ng makamandag na ahas na gawa sa anong materyales? 

Ang TANSONG Ahas - Mga Kuwento sa Bibliya - Kuwento bilang 41

300

"... para sa amin lang ba ang ilustrasyong ito o para sa lahat?"

PEDRO  - Lukas 12:41

300

"Isang alipin ni Jesu-Kristo, ngunit kapatid ni Santiago". Sino ito?

Judas 1:1 - Mula kay Judas, isang alipin ni Jesu-Kristo, pero kapatid ni Santiago, para sa mga tinawag na iniibig ng Dios na Ama at iniingatan para kay Jesu-Kristo:

300

Pulo kung saan sumadsad ang barkong sinasakyan ni Pablo papuntang Roma?

Malta - Gawa 28:1

300

Inihandog ang mga hayop para pasalamatan ang Dios dahil sa pagliligtas sa kaniyang pamilya.

Nang lumabas si Noe at ang kanyang pamilya sa Daong para pasalamatan si Jehova.

300

Ang pamumulaklak ng tungkod ni Aaron ay patunay ng pagpili ni Jehova sa kanya bilang saserdote. Umusbong sa kanyang tungkod ang halaman at namulaklak at namunga. Anong halaman ito? 

Almendras - Bilang 17:8

400

"Magandang umaga sa iyo, lubos na pinagpala..."

Anghel kay Maria - Lucas 1:28

400

Isang ulilang dalagitang Judio mula sa tribo ni Benjamin na ang pangalang Hebreo ay Hadasa.

Esther

400

Saan pumunta ang mga ama ng mga higante sa lupa ng dumating na ang baha?

Sa LANGIT - ang "Tartaro" ay tumutukoy sa isang "kalagayan" at hindi isang lugar. Insight on the Scriptures tomo 2 p. 1282-1283

400

"Buhay pa ba ang tatay?"

Pagpapakilala ni Jose sa kanyang mga kapatid sa Ehipto.

400

Para maligtas si Rahab at ang kanyang pamilya, anong palatandaan ang dapat makita ng mga sundalong israelita na nakatali sa bintana ng bahay ni Rahab (bagay at kulay nito)?

Pulang lubid - Josue 2:18

500

"Ikaw ba ang hinihintay namin, o may iba pang darating?"

Mga alagad ni Juan - Mateo 11:2; Lukas 7:19

500

Naglingkod bilang pinuno ng hukbo para kay Saul.   Isang makapangyarihan at magiting na lalaki na pinaslang ng mga lalaking traydor. Iniutos ni David kay Jonathan na patayin ang mga pumatay sa kanya.

Abner - Insight on the Scriptures

500

"Tawagin mo ang iyong asawa at isama mo rito". Sumagot ang babae: "Wala akong asawa". Sinabi ni Jesus: "Tama ang sinabi mo, 'wala akong asawa'. nagkaroon ka ng limang asawa, at ang lalaking kasama mo ngayon ay hindi mo asawa, kaya totoo ang sinabi mo".

Pakikipagusap ni Jesus sa babae sa tabi ng balon sa Samaria - Juan 4: 16-18

500

Pakikipagdigma ito ng mga Israelita sa kanilang mga kaaway. Palubog na ang araw noon at maraming kaaway ang makakatakas. Kailangan nila ng liwanag para manalo sa labanan.

Hiniling ni Josue sa Dios na pahintuin ang araw.

500

Dalawang bagay na nasa dibdin ni Aaron bilang saserdote na ginagamit para alamin ang banal na kalooban ng Dios

Exodus 28:30 - Urim at Thummim

M
e
n
u