Dahil sa kaniyang malaking pananampalataya at mabubuting gawa, si Abraham ay tinawag na _________.
“kaibigan ni Jehova.”—Santiago 2: 21-24
Isang tapat na balo na sumuporta sa kaniyang may-edad nang biyenan. Dahil sa tapat na pag-ibig niya at sa kagustuhan niyang sambahin si Jehova, iniwan niya ang kaniyang sariling bayan at lumipat sa Betlehem
Ruth
Nasa gilid lang ako nananahimik, tapos muntik na akong maging tinapay
Bato
Hindi ako nagkabunga nung panahon ko, nasumpa tuloy ako
Puno ng Olibo
Kinain nila kami ng kinain, kaya namatay sila
Karne ng pugo
Para suportahan ang kaniyang ministeryo, si Pablo ay tagagawa ng _______.
mga tolda.—Gawa 18:3-5.
Pansamantala niyang iniwan ang isang prominenteng trabaho para asikasuhin ang gawain ni Jehova. Bilang gobernador ng mga Judio, nanguna si ________ sa pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem, na natapos sa loob lang ng 52 araw.
Nehemias
Pagaari ako ni Laban,ngunit kinuha ako at itinago sa pasyang basket, para hindi ako makita
Terapim
Aray!, inano ba kita? nagtatrabaho ako dito eh
Asno ni Balaam
Baki ba ako ang pinapatay, kapag nagkakamali sila
Kambing
Makalipas ang 40 araw pagkasilang kay Jesus, si Maria ay pumunta sa templo at naghandog ng “isang pares ng ______________ o dalawang inakay na ____________.”
Batu-bato, Kalapati — Lucas 2:22-24.
Isang mahusay na hukom na naging tagapagtanggol ng Israel sa loob ng 20 taon. Ginamit ni Jehova siya para ‘manguna sa pagliligtas sa Israel mula sa kamay ng mga Filisteo.’
Samson (Hukom 15:20)
Excited kami nang malaman naming makakakin na rin kami, Akala ko makakakain na rin ako, kaso hindi ko pala siya makakain
Leon
Pinalawit ako kaya naligtas sila
Pulang Lubid sa Bahay ni Rahab
Tinignan nila ako.
kaya gumaling sila
tansong ahas
Bago wasakin ni Jehova ang Sodoma, tumakas si Lot patungong lunsod ng _________.
Zoar (Genesis 19:23, 24 )
Siya ang unang tao sa Bibliya na binigyan ng kapangyarihang maghimala. Naglingkod siya bilang propeta ng Diyos, hukom, tagapagbigay-kautusan, at lider ng sinaunang Israel. Para sa mga Israelita, isa siyang tao na nakagawa ng maraming dakilang bagay.
Moises (Deuteronomio 34:10- 12; Exodo 4:1-9)
Pinapakawalan ako sa ilang, dala-dala ang kasalanan ng bayan noong nakaraang taon. Nagiging malaya ako sa ilang sa Araw ng Pagbabayad-sala
Azazel (Kambing na Naglalaho)
ibinigay niya ako sa kaniya, tapos ibinaon niya ako, ayun pinagalitan tuloy siya
1 talento
Puwede namn kasing hilingin, bkit mo pa ako kailangang paluin?
Bato na hinampas ni Moises
Ang mga magulang ni Moises ay sina _______ at _________.
Amram, Jokebed, —Exodo 1:15–2:10;
Isang tapat na hari na nagkumpuni at muling nagbukas ng templo ng Diyos, sumira sa mga kagamitan sa huwad na pagsamba, at humimok sa bayan na ipagdiwang ang Paskuwa.
Haring Hezekias
(2 Hari 18:4; 2 Cronica 29:3; 30:1-6)
Madulas ako at hindi ako cheap. Pero ibinuhos lang ako sa paa
Nardo
Juan 12: 3 - At kumuha si Maria ng isang libra ng mabangong langis na gawa sa nardo, puro at napakamamahalin, at ibinuhos iyon sa mga paa ni Jesus at pinunasan ang mga paa nito ng kaniyang buhok. Amoy na amoy sa buong bahay ang mabangong langis.
tatlo kaming pinili, pero ako ang nagpabagsak sa kalaban kaya kami nanalo
Makinis na Bato
Kung dinala niya sana kaming marami, edi sana napapasok pa sila
Langis ng lampara ng 5 babae