SINO SI JEHOVA?
Siya ang tunay na Diyos
ILAN ANG ARKANGHEL?
Isa lang
SAAN NAKAPUWESTO SA LANGIT ANG MGA SERAPIN?
Sila ay nakapalibot sa trono ni Jehova (it-1 1131)
ILANG BESES BINANGGIT SA BIBLIYA ANG MGA KERUBIN?
92
SAAN GALING ANG MGA ANGHEL?
Isa-isa nilalang ni Jehova sa pamamagitan ni Jesus
ANONG TETRAGRAMATON ANG BUMUBUO SA PANGALAN NI JEHOVA SA HEBREO?
YHWH
ANO ANG PANGALAN NG ARKANGHEL SA BIBLIYA?
Miguel
ILAN ANG PAKPAK NG SERAPIN?
6 (Isa. 6:2, 3)
ILANG KERUBIN ANG INILAGAY NI JEHOVA SA EDEN UPANG MAGBANTAY SA DAAN PATUNGO SA PUNONGKAHOY NG BUHAY
Hindi sinabi ng Bibliya ang bilang (it-2 82)
SINONG MENSAHERONG ANGHEL ANG BINANGGIT SA BIBLIYA?
Gabriel
ANO ANG LITERAL NA KAHULUGAN NG PANGALANG JEHOVA?
Pinangyayari Niyang Maging Gayon
SINO ANG TINUTUKOY NA ARKANGHEL?
Si Jesu-Kristo
ANO ANG PANANAGUTAN NG MGA SERAPIN?
Tiyaking naipapahayag ang kabanalan ni Jehova (it-2 1131)
ANO ANG GAWAIN NG MGA KERUBIN SA LANGIT?
Sila ang palagiang naglilingkod kay Jehova (it-1 82)
ANO ANG PANGUNAHING PANANAGUTAN NG MGA MESAHERONG ANGHEL?
Tagapaghatid ng impormasyon sa pagitan ng Diyos at ng tao (it-1 140)
ILANG ULIT LUMITAW ANG PANGALANG JEHOVA SA BIBLIYA?
Mahigit 7,000
ANO ANG RANGGO NG ARKANGHEL?
Pangunahin sa mga anghel; pinuno ng mga anghel
LITERAL BA NA MAY PAA AT PAKPAK ANG MGA KERUBIN?
Hindi literal. Paglalarawan lang ito sa kakayahang taglay nila o sa gawaing ginagampanan nila (it-2 1131)
ILAN ANG PAKPAK NG KERUBIN?
4 (Eze 1:6)
BAKIT HINDI ITINALA SA BIBLIYA ANG PANGALAN NG IBA PANG MGA ANGHEL?
Upang hindi sila pag-ukulan ng pagsamba (it-1 140)
TAMA O MALI: SI JEHOVA AY NASA LAHAT NG DAKO
Mali. Nakatira siya sa langit pero nakikita niya lahat ng dako (it-1 604)
TAMA O MALI: NAGLAGAY SI JEHOVA NG 2 KERUBIN NA MAGBANTAY SA DAAN PATUNGO SA PUNONGKAHOY NG BUHAY?
Mali. Hindi sinabi ng Bibliya kung ilan ang eksaktong bilang ng kerubin na inilagay roon (it-2 82)
BAKIT 3 BESES NA BINANGGIT NG MGA KERUBIN ANG SALITANG "BANAL" PATUNGKOL KAY JEHOVA SA ISAIAS 6:3?
Nagdiriin ito na taglay ni Jehova ang pinakamataas na antas ng kabanalan.
TAMA O MALI: TAGLAY NG MGA ANGHEL ANG IMORTALIDAD O IMORTAL NA BUHAY.
Mali. Sila ay mortal bagaman nagtataglay sila ng katawang espiritu (it-1 1075)