“Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan.”
–Haring David (Psalm 23:1)
Ano ang pinakaunang aklat sa lumang tipan?
Genesis
“Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.”
– Genesis 1:1
“Mangagsisi kayo; sapagkat malapit na ang kaharian ng langit.”
–Juan Bautista (Mateo 3:2)
Ano ang pinakahuling aklat sa bagong Tipan?
Pahayag
“Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, Kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Dios.”
– Mateo 4:4
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoon sa Ama, Kundi sa pamamagitan ko.”
–Jesus (John 14:6)
Anong aklat sa Bibliya ang may pinakamaraming kabanata?
Mga Awit (150 chapters)
“Datapuwat ang lahat ng sa kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban niyang maging mga anak ng Diyos,sa makatuwid baga’y ang mga nagsisisampalatay sa kanyang pangalan.”
– Juan 1:12
“Paanong maipanganganak ang tao kung siya’y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kanyang ina, at ipanganak?”
–Nicodemo (John 3:4)
Anong aklat ang matatagpuan bago ang aklat ng Mga taga Roma?
Mga Gawa
“Mapapalad ang mga may malinis na puso; sapagkat makikita nila ang Diyos.”
– Mateo 5:8
“At kung ipagkakaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha, at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin, datapuwat wala akong pagibig, ay walang pakikinabangan sa akin.”
–Apostol Pablo (1 Corinto 13:3)
Anong aklat ang kasunod ng Daniel?
Hosea
“Sapagkat sa atin ay ipinanganak ang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki; at ang pamamahala ay maaatang sa kanyang balikat; at ang kanyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.”
– Isaiah 9:6