Ilang aklat ang bumubuo sa Griegong Kasulatan?
27
Sino ang ikatlong hari ng Israel?
Haring Solomon
1 Samuel 16: 6Nang dumating sila, nakita niya si _____ at sinabi niya: “Siguradong ito ang pinili ni Jehova.”
Eliab
Ang pangalan niya ay nangangahulugang “Nagalak ang Aking Ama. Siya rin ay kumilos Nang May Kaunawaan.
Abigail
Pinatutunayan ng mga istoryador na ang taóng ____ B.C.E. ang unang buong taon ni Artajerjes bilang tagapamahala.
474
Anong mga aklat isinulat ni Jeremias?
1 Hari, 2 Hari, Jeremias, Panaghoy
Siya ang unang hari ng sampung-tribong kaharian ng Israel na anak nen Nebat.
Jeroboam
Mayroon akong kakambal at ipinagbili ko sa kanya ang ang aking karapatan bilang panganay.
Esau
Siya ay Matalino, Matapang, at Di-makasarili
Esther
Kailan tayo tinawag na mga Saksi ni Jehova?
1931
Ilang aklat ng Bibliya ang isinulat ni apostol Pablo?
14
Ang huling mabait na hari ng Israel. Naging apo siya ni haring Manases.
Josias
Mga 30 anyos siya noon, at ito ang una sa sunod-sunod niyang di-malilimutang karanasan. Naramdaman niyang “sumakaniya ang kapangyarihan ni Jehova,” ang napakalakas na puwersa ng banal na espiritu ng Diyos. Dahil sa espiritung ito, makakakita at makakarinig siya ng kamangha-manghang mga bagay, na di-hamak na mas kahanga-hanga sa anumang pelikula ngayon na may special effects
Ezekiel
Siya ang unang babaing tinawag na propetisa sa Bibliya.
Miriam
Nawasak ang Jerusalem noong 607 B.C.E. Kailan naman muling bumalik ang mga Israelita sa Jerusalem?
539 B.C.E
Ilang aklat ang bumubuo sa Hebreo-Aramaikong Kasulatan?
39
Nagkasakit at mamamatay na sana pero marubdob siyang nanalangin kay Jehova, naawa si Jehova sa kanya at pinagaling siya, dahil dito nadagdagan pa ng 15 taon ang haba ng buhay niya.
Hezekias
Anak ni Maaseias at isa sa mga pangunahing saserdote noong huling dekada ng kaharian ng Juda. Makalawang ulit siyang isinugo ni Zedekias kay Jeremias para sumangguni kay Jehova.
Zefanias
Asawa ni haring Amon at naging ina ni haring Josias.
Jedida
Bilang ng taon na nanirahan ang mga Israelita bilang mga dayuhan, kasama na rito ang Ehipto, at sa mismong araw na matapos ang mga taong ito ay lumabas ang mga Israelita mula sa Ehipto?
430 taon (Exodo 12:40,41)
Ilang beses lumitaw ang pangalang Jehova sa Kristianong Griegong Kasulatan ng Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (nwt)?
237
Ipinuwesto niya sa unahan ng mga sundalo niya ang mga mang-aawit, at habang nagmamartsa ay umaawit sila ng papuri kay Jehova.
Jehosapat
Pangalawang may pinakamahabang buhay sa rekord ng Bibliya.
Jared (962 taon)
Isa sa mga babaing binanggit sa talaangkanan ng Mesiyas na nagkaroon ng anak na kambal.
Tamar
Sa ngayon ano na ang tawag sa tiwalag?
inalis