Ano ang tawag ng thermos sa tatay nya?
AirPot (Erpat)
Paano mo malalaman pag ang hotdog ay malinis na?
Pag nasa-BUN na sya
kung ang saging na naka tuhog at babana que, sa kamote ay kamoteque , sa baboy ay barbeque, ano naman pag kabayo ang nakatuhog
Carousel
Ano ang paboritong inumin ng mga pari?
Tang (kasi maka juice sila)
Ano ang tawag sa kotse ng Magician?
Cheding!
Bahay Building Eroplano ano ang sumunod sa tatlo na mas mataas?
Kapag tumalon ka sa ika anim na palapag ng gusali saan ka babagsak?
Hospital
Ano ang tawag sa kuto ng mga kalbo?
Homeless or Lot owner
Paano mag exchange gift ang mga dentista?
Nagbubunutan Sila
Ano ang tagalog ng persuading?
Unang Kasal
Sa gabi may ulo sa umaga madalas wala ano to?
Unan
Ano shortcut sa ingles ng pinanganak sa kotse namantay sa labas?
Carbon Dioxide (car born die outside)
Saan galing ang mga lamok, Ipis, at langaw?
Sa China Kasi Insect sila
Kanino nag paalam si Rizal bago sya mamatay?
Kay Huling (Huling Paalam)
ano ang tawag sa ilog pag baliktad ang daloy ng tubig?
Rivers
Ano tawag tubig na maliit?
MINIral
Ano tawag sa pulubing bampira ?
Bum (Bam nalang wla na pira)
Ano tawag sa pusa pag laging dinadala sa vet?
SaKitten
Ano tawag pag nakalimutan ng pari nya ung Homily nya pero na tapos pa din nya ito?
Nag Prieststyle
Ano ang pinakamabilis na pagkain?
Sopas
Kung ang salumpwet ay malalim na salita sa upuan ano naman ang tagalog ng wheelchair?
Salumpo
Kung ang tawag sa lalaking manok ay rooster sa babae ay hen ang sa sisiw ay chick.... Kung sama sama sila at tatawagin mo sila lahat ano tawag mo dun?
Kreeeww
Ano ang tawag sa isda na naging bato?
Piranha
Ano tawag sa kuko na di namamatay?
Kuko Martin
Ano ung numero na nalugi?
Ninety (No benta)