Naligo ang kapitan,
hindi nabasa ang tiyan
Bangka
Alipin ng hari,
hindi makalakad,
kung hindi itali.
Aling bagay sa mundo,
ang inilalakad ay ulo?
Snail
Baston ng kapitan,
Hindi mahawakan.
Ahas
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sumbrero
Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Gamu-gamo
Inisip ng marunong, Sinabi ng gunggong
Bugtong
Aratiles
Mahabang-mahaba, tinutungtungan ng madla.
Daan o Kalsada
Maitim na parang alkitran, Pumuputi kahit hindi labhan
Buhok
Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.
Kulog
Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas.
Gata
May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sandok
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Kamiseta
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Ballpen
Ang ilalim ay impyerno,
Ibabaw ay purgatoryo,
Gitna's makakain mo.
Bibingka
Kastila kung natutulog kapag gising ay tagalog.
Mantika
Inutusan ko ng umaga, Nang umuwi'y gabi na.
Araw
Tubo sa punso, walang buko.
Buhok
Dalawang balon, hindi malingon.
Tenga
Dalawang libing, laging may hangin.
Ilong
May katawa'y walang bituka, May puwit walang paa, Nakakagat tuwina.
Baso
Tubig na nagiging bato, Bato na nagiging tubig.
Asin
Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Bayong o Basket
Walang bibig, walang pakpak, Kahit hari'y kinakausap.
Aklat