Gamit gamit araw araw walang paki kung ako'y napapagod.
Kamay
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Langka
Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis
Sili
Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Pako
Matanda na ang nuno di pa naliligo
Pusa
Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
Mga Paa
Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Bayabas
Sinampal ko muna bago inalok.
Sampalok
Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Gunting
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Palaka
Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Mga mata
Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Kasoy
Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sitaw
Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Posporo
Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Paruparo
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Tainga
Isang tabo, laman ay pako.
Suha
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Ampalaya
Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Zipper
Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
Aso
Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Mata
Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Atis
Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Kalabasa
Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sumbrero
Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo?
Suso