Isang prinsesa, nakaupo sa tasa
Kasoy
Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing
Kampana
Pag-aari mo, dala-dala mo, datapuwa't madalas gamitin ng iba kaysa iyo.
Pangalan
Mataas kung naka upo. Mababa kung nakatayo
Aso
Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona
Bayabas
Tubig kung sa isda, Lungga kung sa daga, Kung sa tao'y ano kaya.
Bahay
Dalawang batong itim, malayo ang mararating
Mata
Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi
Bayong
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan
Anino
Ginto sa kalangitan, Di matitigtitigan
Araw
Heto na si lulong, Bubulong bulong.
Bubuyog
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa
Pluma/Pen/Ballpen
Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo
Pako
Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita
Tenga
Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala
Sapatos