Animals
Kain Tayo!
MAGANDA AKO, PO.
Bagay tayo
Sari-sari
1

Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo.

ASO

1

Ate mo, ate ko
Ate ng lahat ng tao

ATIS

1

Halamang di nalalanta
kahit natabas na.

BUHOK
1
May ulo walang tiyan, may leeg walang baywang

POSPORO

1

Pagkagat ng madiin, naiwan ang ngipin

STAPLER

2

Sa araw nahihimbing
At sa gabi ay gising

PANIKI

2

Hindi tao, hindi hayop
May buhok na kulay ginto

MAIS

2

Dalawang magkaibigan,
Nasa likod ang mga tiyan.

BINTI

2
May apat na binti ngunit hindi makalakad

LAMESA

2

Isa ang pasukan, tatlo ang labasan

DAMIT

3

Maliit pa si kumpare,
Nakakaakyat na sa tore.

LANGGAM

3

Baboy ko sa parang
Namumula sa tapang

SILI

3

Isang bayabas
Pito ang butas

ULO/MUKHA

3

Kung kailan ko pa pinatay
Ay saka nagtagal ang buhay.

KANDILA

3

Tinaga ko sa puno, sa dulo nagdugo

GUMAMELA

4

Tag-ulan o tag-araw,
Hanggang tuhod ang salawal.

MANOK

4

Pagsipot sa maliwanag,
Kulubot na ang balat.

AMPALAYA

4

Dalawang magkaibigan
Unahan ng unahan.

PAA

4

May kamay, walang daliri

RELO

4

Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap

UNAN

5

Bahay ni Ka Huli
Haligi’y bali-bali
Ang bubong ay kawali

ALIMANGO

5

Langit sa itaas,
Langit sa ibaba,
Tubig sa gitna.

NIYOG

5

Dahon ng pinda-pinda,
Singlalapad, singgaganda.

TAINGA

5

Kabaong walang takip, sasakyang nasa tubig

BANGKA

5

Kayliit pa ni Neneng, marunong nang kumendeng

BIBE

M
e
n
u