Dalawang batong maitim, malayo ang nararating
mata
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin
sombrero
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo
aso
Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako
langka o durian
Kapag hiniwa, mata’y iiyak, kahit sa kusina ay walang kaaway.
sibuyas
Limang nagkakapatid, iisa ang dibdib
Kamay
Dala mo, dala ka, dala ka pa ng iyong dala
sapatos o tsinelas
Gumigising sa umaga, tila orasan sa umaga.
Manok/Tandang
May korona sa ulo, dilaw ang puso, sa tag-init ako ang paborito.
Pinya
Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na
kalabasa
Isang bayabas, pito ang butas
Mukha
Isa ang pinasukan, tatlo ang labasa
kamiseta o damit
Heto na si Bayaw, dala dala'y ilaw.
alitaptap
Nakayuko ang reyna, di nalalaglag ang korona
Bayabas
sili
Kay lapit na sa mata, 'di mo pa rin makita.
Tenga
Bahay ng salita, imbakan ng diwa
aklat
May pakpak ngunit hindi ibon, gabi kung lumipad, umaga’y tulog.
Paniki
Mahaba’t dilaw, malambot sa dila, paborito ng unggoy sa gubat na luntian pa.
Saging
Lunti, mapait, balat ko’y tusok-tusok, sa kusina’y malimit na bisita.
ampalaya
Isang balong malalim, puno ng patalim
bibig
Wala sa langit, wala sa lupa, kung lumakad ay patihaya.
bangka
May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod
palaka
Isang supot na uling, hayun at bibitin-bitin
duhat
Dilaw at mahaba, butil-butil ang laman, sa nilaga ako’y kasama sa saya.
mais