Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang pinaka-angkop na naglalarawan ng sambahayan?
A. sektor na responsable sa pagsasama-sama ng mga salik sa produksyon upang mabuo ang produkto at serbisyo.
B. sektor na binubuo ng lahat ng tao na nagnanais na matugunan ang kanilang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan.
C. sektor na nangangasiwa ng ikot ng ekonomiya at naninigurado ng pagiging matatag nito sa pamamagitan ng pagsingil ng buwis.
D. sektor na nag-uugnay ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya sa pamamagitan ng pagluluwas ng mga produkto at serbisyo.
B. sektor na binubuo ng lahat ng tao na nagnanais na matugunan ang kanilang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan.
Bakit mahalaga ang pag-iimpok bilang gawain ng sambahayan sa pagpapalago ng ekonomiya?
A. magagamit ng pamahalaan sa pagbibigay ng pampublikong paglilingkod at gawain.
B. magagamit bilang paghahanda ng isang tao sa hinaharap tulad ng pagbili ng bahay, sasakyan, at pag-aaral.
C. magbibigay sa bahay-kalakal ng pamumuhunan na magpapataas ng produksyon na lilikha ng maraming trabaho.
D. nakatutulong upang higit na mapalaki ang kita ng sambahayan sa pamamagitan ng pagtanggap ng interes o tubo.
C. magbibigay sa bahay-kalakal ng pamumuhunan na magpapataas ng produksyon na lilikha ng maraming trabaho.
Sa paikot na daloy ng ekonomiya,papaano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
B. Sa sambahayan nagmumula ang salik ng produksyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal.
C. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal.
D. Ginagagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
B. Sa sambahayan nagmumula ang salik ng produksyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal.
Kung pagbabatayan ang GDP by Industrial Origin, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nararapat na gawin ng pamahalaan?
A. Dapat magpatupad ang pamahalaan ng mga patakarang makatutulong sa sektor ng serbisyo upang gawin itong produktibo.
B. Dapat gumawa ang pamahalaan ng mga patakaran na magpapalakas sa sektor ng agrikultura upang ito ay maging produktibo.
C. Dapat panatilihin ng ating pamahalaan ang pagiging produktibo ng sektor ng industriya dahil ito ang may pinakamataas na produksiyon sa taong 2024.
D. Walang dapat gawin ang pamahalaan dahil nakapagaambag naman sa GNI ang bawat sektor.
B. Dapat gumawa ang pamahalaan ng mga patakaran na magpapalakas sa sektor ng agrikultura upang ito ay maging produktibo.
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
B. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
D. Bilhin ang nararapat bilhin at kunin ang inipong pera kung kulang may nais pang bilhin
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga
Maituturing bang payak na modelo ang nasa larawan?
A. Oo, dahil ang payak na modelo ay may dalawang sektor lamang na makikita.
B. Oo, dahil ang payak na modelo ay may dalawang pamilihan lamang na makikita.
C. Hindi, dahil ang payak na modelo ay nagpapakita lamang ng isang sektor, ang sambahayan.
D. Hindi, dahil ang payak na modelo ay nagpapakita lamang ng isang sektor, ang bahay-kalakal.
C. Hindi, dahil ang payak na modelo ay nagpapakita lamang ng isang sektor, ang sambahayan.
Sa paanong paraan maaaring gamitin ng pamahalaan ang patakarang piskal upang labanan ang implasyon?
A. Pagtaas ng buwis at paggasta
B. Pagbaba ng buwis at paggasta
C. Pagbaba ng buwis at pagtaas ng paggasta
D. Pagtaas ng buwis at pagbaba ng paggasta
D. Pagtaas ng buwis at pagbaba ng paggasta
Maraming nagsarang mga kompanya bunga ng pagkalugi at mababang benta, kaya ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang contractionary money policy.
A. Tama ang ginawa ng BSP sa pamamagitan ng polisiyang ito ay muling makapagbubukas ng negosyo ang mga mamumuhunan dahil mahihikayat silang humiram ng pera sa mga bangko.
B. Tama ang ginawa ng BSP sa pamamagitan ng polisiyang ito ay tataas ang presyo ng kanilang mga produkto at muling lalaki ang kanilang kita.
C. Mali ang ginawa ng BSP dahil sa polisiyang ito ay hindi mahihikayat ang mga negosyante na humiram ng pera upang gamiting puhunan.
D. Mali ang ginawa ng BSP dahil ang contractionary policy ay magpapasigla ng ekonomiya ng bansa na hindi kailangan sa ganitong sitwasyon.
C. Mali ang ginawa ng BSP dahil sa polisiyang ito ay hindi mahihikayat ang mga negosyante na humiram ng pera upang gamiting puhunan.
Paano makaaapekto sa bansa ang mas malaking import kaysa sa export?
A. Mapapalaki nito ang kita ng bansa
B. Magiging mabagal ang pag-unlad ng bansa.
C. Makatutulong ito sa mabilis na pagpapaunlad ng bansa.
D. Makapagbibigay ito ng mas maraming trabaho sa bansa.
B. Magiging mabagal ang pag-unlad ng bansa.
Paano maaaring gamitin ng pamahalaan ang patakarang piskal upang pasiglahin ang ekonomiya sa panahon ng resesyon?
A. Pagtaas ng buwis at paggasta
B. Pagbaba ng buwis at paggasta
C. Pagbaba ng paggasta at pagtaas ng buwis
D. Pagtaas ng paggasta at pagbaba ng buwis.
D. Pagtaas ng paggasta at pagbaba ng buwis.
Alin sa mga sumusunod ang maaaring ipatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung labis ang supply ng salapi sa ekonomiya?
A. Magbenta ng treasury bills
B. Mag imprenta ng maraming salapi
C. Taasan ang reserve required ratio sa mga bangko
D. Babaan ang discount rate.
A. Magbenta ng treasury bills
Nagpatupad ng bagong paraan ng paniningil ng buwis ang pamahalaan na nagpataas ng binabayarang buwis ng mga negosyante dahilan upang magdagdag sila ng presyo sa kanilang produkto. Ipinapakita nito ang:
A. Cost Push Inflation
B. Demand Pull Inflation
C. Stagflation
D. Structural Inflation
D. Structural Inflation
Ang Pilipinas ay isa sa may pinakamababang antas ng pag-iimpok sa Timog Silangang Asya. Ano ang pinakamainam mong gawin upang mahikayat ang kapwa mo mag-aaral na mag-impok?
A. Simulan sa sarili ang disiplina ng pag-iimpok at sikaping mapalaki pa ito
B. Hikayatin sila na mag-impok sa alkansya at piliting huwag buksan ito kahit anong mangyari
C. Ipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng pag-iimpok at ang benepisyo na maaaring makuha mula rito
D. Ipakita sa kapwa mag-aaral na malaki na ang perang naimpok sa bangko at ang interes na nakuha mula rito.
C. Ipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng pag-iimpok at ang benepisyo na maaaring makuha mula rito