Kumpletuhin ang kanta: Malamig ang simoy ng hangin, kay saya ng bawa't ________.
Damdamin
'Di umano'y pinakamahaba raw ang selebrasyon ng Pasko sa Pilipinas, na karaniwang nagsisimula sa buwan ng _____?
Setyembre / September
Ano ang tawag sa salo-salo ng pamilya sa bisperas ng Pasko?
Noche Buena
Sa aling probinsya matatagpuan ang tinaguriang Lantern Capital of the Philippines?
Pampanga
Ano ang pagsasaling-wika ng Merry Christmas sa wikang Kastila?
Feliz Navidad
Ano ang pamagat ng kantang may lyrics na: "Everyone dancing merrily in the new old fashioned way?"
Rockin' Around the Christmas Tree
Ilang simbang gabi raw ang kailangang kumpletuhin para matupad ang hiling mo sa Pasko?
9
Anong masarap na Pinoy delicacy ang inilalako kasama ng puto bumbong?
Bibingka
Ito ang tinaguriang Belen Capital of the Philippines.
Tarlac
Sa pelikulang Home Alone, saan patungo ang pamilyang McCallister nang maiwan sa kanilang bahay si Kevin?
Paris
Ayon sa kanta, ano ang binigay sa akin ng true love ko sa ikapitong araw ng Pasko?
Seven-swans-a-swimming
Ito raw ang dapat ginagawa kapag nakapwesto sa ilalim ng mistletoe.
Kiss
Ito ang pagkaing Pinoy na katumbas ng crème caramel ng Pransya.
Leche flan
Ang bayan na ito sa Bulacan ang tinaguriang "Fireworks Capital of the Philippines."
Bocaue
Kadalasang gumagamit ang mga bata ng alambre at _____ para makagawa ng improvised tambourine sa pangangaroling.
Tansan
Ang kantang ito ang Guiness Book of World Records holder para sa best-selling Christmas song of all time.
White Christmas by Bill Crosby
Isa itong tradisyunal na pagsasadula sa bisperas ng Pasko, hinggil sa paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose, at pagsisilang kay Hesus sa isang sabsaban.
Panunuluyan
Ayon sa mga alamat, ang mga holiday treats na ito ay hugis tungkod ng mga pastol, bilang alaala sa mga pastol na dumalaw sa batang Hesukristo.
Candy canes
Ang bansang ito ang pinakamalaking exporter ng Christmas trees.
Canada
Bukod kay Rudolph, pangalanan ang 'di bababa sa apat na reindeer ni Santa Claus.
Dasher, Dancer, Prancer, Vixen, Comet, Cupid, Donder/Donner, Blitzen
Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang kilalang awitin na ito ay orihinal na nilikha para sa Thanksgiving, at hindi para sa Pasko.
Jingle Bells
Ang pagdadaglat na "Xmas" ay nagmula sa Griyegong titik na ____, ang unang titik sa pangalan ni Kristo sa alpabetong Griyego.
Chi
Patok na patok sa Japan ang QSR na ito tuwing Pasko, kung saan minsa'y aabutin ng dalawang oras ang pagpipila ng mga customer para lamang makakain rito.
Kentucky Fried Chicken (KFC)
Saang bansa ipinanganak si St. Nicholas?
Modern-day Turkey
Ang unang kumpanyang ginamit si Santa Claus para sa isang advertisement.
Coca-Cola