Aling bahagi ng isda ang ginagamit nito upang lumangoy sa tubig?
(Palikpik)
Paano gumagalaw ang palaka gamit ang kanyang katawan?
(Tumatalon gamit ang mahahabang paa)
Anong hayop ang gumagamit ng mahaba nitong dila sa pagkuha ng pagkain?
(Palaka)
Aling bahagi ng halaman ang sumisipsip ng tubig at sustansiya mula sa lupa?
(Ugat)
Ano ang tungkulin ng bunga sa halaman?
(Proteksyon sa binhi at tulong sa pagpaparami)
Ano ang ginagamit ng ibon sa pagpulot o pagkagat ng pagkain?
(Tuka)
Anong hayop ang gumagapang dahil wala itong paa?
(Ahas)
Paano kumakain ang paru-paro kahit wala itong ngipin?
(Gamit ang proboscis sa pagsipsip ng nektar)
Ano ang tungkulin ng tangkay sa halaman?
(Daluyan ng tubig at pagkain)
Bakit kailangan ng halaman ng araw?
(Para sa photosynthesis o paggawa ng pagkain)
Paano ginagamit ng pusa ang kanyang mga bigote o whiskers?
(Pangdama sa paligid)
Paano tumutulong ang palikpik ng isda sa paggalaw?
(Tumutulong sa paglangoy at pagbabalanse)
Anong hayop ang gumagamit ng nguso sa pagkuha ng pagkain at tubig?
(Elepante)
Bakit mahalaga ang mga dahon?
(Gumagawa ng pagkain sa pamamagitan ng photosynthesis)
Paano nakatutulong ang ugat sa pagtayo ng halaman?
(Pinanghahawakan nito sa lupa upang hindi matumba)
Anong hayop ang may mahabang leeg upang maabot ang matataas na dahon?
(Giraffe)
Anong hayop ang gumagamit ng mga pakpak upang makalipad sa himpapawid?
(Ibon)
Bakit may matutulis na kuko ang pusa at agila?
(Para makahuli ng pagkain)
Saang bahagi ng halaman nagmumula ang bagong halaman?
(Buto ng Prutas)
Paano nakatutulong ang mga tinik ng cactus sa disyerto?
(Proteksyon at pagpigil sa pagkawala ng tubig)
Bakit may matutulis na ngipin ang mga hayop na kumakain ng karne?
(Upang mapunit ang karne)
Paano ginagamit ng ahas ang katawan nito sa paggalaw?
(Gumagapang sa pamamagitan ng pag-alon ng katawan)
Paano tumutulong ang balat ng palaka sa kanyang pagkain at paghinga?
(Sa pamamagitan ng balat, nakakahinga at nakakalusot ang oxygen habang kumukuha ng pagkain sa paligid)
Anong bahagi ng halaman ang nagiging bunga pagkatapos mamulaklak?
(Bulaklak)
Ano ang maaaring mangyari sa halaman kung maputol ang tangkay nito?
(Malalanta dahil hindi makadaloy ang tubig at pagkain)