Mga Pundasyon sa Pag-aaral ng Ekonomiks
Likas na Yaman at Yamang Kapital
Yamang Tao
Mga Pangangailangan at Kagustuhan
Mga Konsepto ukol sa Pagkonsumo
100
Nagmula sa Griyegong salitang 'oikonomia', na hango sa pinagsamang oikos (tahanan) at nomos (pamamahala).
Ano ang etimolohiya ng salitang Ekonomiks?
100
300,000 sq.km ang kabuuang saklaw kung pagsasama-samahin ang lahat ng lupain dito.
Ano ang kabuuang sukat ng lupain sa Pilipinas?
100
Ang sangay ng pag-aaral sa balangkas at katangian ng populasyon sa isang tiyak na lugar.
Ano ang demograpiya?
100
Ang pangangailangang nagpapatunay na kailangan ng taong magkaroon ng mga kaibigang tatanggap sa kanyang sarili.
Ano ang pangangailangang panlipunan?
100
Ang uri ng pagkonsumo kung saan kaagad na natatamo ng indibidwal ang kasiyahan matapos isagawa ang pagkonsumo sa naturang produkto.
Ano ang Tuwirang Pagkonsumo?
200
Siya ang ekonomistang unang nagbigay ng prediksyon na kung magpapatuloy ang pagtaas ng populasyon sa isang lugar, maaari itong magdulot ng kagutuman sa bansa.
Sino si Thomas Robert Malthus?
200
Ang mga kapital tulad ng coffee machines na matatagpuan sa loob ng coffee shop ni Bb. Reyes na hindi madaling gawing cash ay halimbawa ng ganitong uri ng yamang kapital.
Ano ang Nakaimbak (Frozen) na Kapital?
200
Hatiin ang kabuuang populasyon sa kabuuang sukat ng lugar upang malaman ang katangian ng populasyong magpapahiwatig kung nagaganap ba ang congestion o hindi.
Ano ang pormula para malaman ang Population Density ng isang tiyak na lugar?
200
Kung matindi ang pagpapahalaga ni Len sa kalinisan ng kanyang katawan, at kita ito sa kanyang ginagamit na mga beauty products, masasabing ito ay bunga ng kanyang pangangailangang __________.
Ano ang pangangailangang estetiko?
200
Ito ang uri ng pag-aanunsyo na hindi gumagamit ng kahit ano pang pakulo at ipinakikilala na lang ang tatak ng produkto.
Ano ang Brand Name?
300
Sa kanyang modelo binigyang-diin ang kahalagahan ng gampanin ng mga innovators na magpapabilis sa takbo ng pagsulong isang ekonomiya.
Sino si Joseph Schumpeter?
300
Bagamat maganda sa intensyon, itinuturing ito na suliraning ekolohikal dahil ito ay sadyang pagsusunog sa mga kagubatan upang mapagtamnan ng panibagong agrikultural na produkto tulad ng palay.
Ano ang pagkakaingin o sistemang kaingin?
300
Sa isang pagsasaliksik ng NSO lumabas na ang populasyon ng Pilipinas ay kasalukuyang maituturing na 'bata' sapagkat mas marami ang itinuturing na kabilang sa Umaasang Populasyon. Upang mailahad kung ilang katao ang kailangang buhayin ng isang naghahanapbuhay na miyembro ng pamilya, maaaring gamitin ang ___________________ bilang sukatan.
Ano ang Dependency Ratio?
300
Kung gugustuhin ni Kat na magkaroon ng panibagong modelo ng kotse matapos mapanuod ang pinakabagong pag-aanunsyo para sa Mirage, masasabing ito ay isang uri ng __________ pangangailangan.
Ano ang Nilikhang Pangangailangan?
300
Sa batas na ito nakapaloob ang iba't ibang karapatan at tungkulin ng mga mamimili, tulad na lamang ng pagbibigay ng kapalit o bayad-pinsala sa mga depektibong produkto.
Ano ang Batas Republika 7304 o Consumer Act of the Philippines?
400
Ang katawagang ibinigay ni dating Pang. Carlos P. Garcia upang ilarawan ang kanyang malawakang proyektong magbibigay-pansin sa pagpapalago sa lokal na mga industriya kumpara sa mga dayuhan.
Ano ang programang "Pilipino Muna" o "Filipino First Policy"?
400
Nadawit rin kamakailan ang proyektong paggalugad ng petrolyo sa Palawan kung saan tinatayang mahigit 900 milyong piso rin ang nakulimbat ni Janet Lim Napoles mula sa inilaang badyet para dito mula sa PDAF ng mga piling kongresista.
Ano ang Malampaya Oil Project?
400
Pagkatapos makapagtapos ng kolehiyo, minarapat na maghanap kaagad ng trabaho ni Chat upang makatulong sa pamilya kaya't hinanda niya kaagad ang kanyang resume. Sa kabutihang palad, wala pang 3 linggo ay tinawagan na siya ng Lourdes para makapag-demo teaching. Masasabing sa loob ng 3 linggo, siya ay kabilang sa mga taong ____________ unemployed.
Ano ang Frictionally unemployed?
400
Bagamat sanay na kumain ng almusal bago pumasok sa paaralang Lourdes si Carlo, unti-unti itong nagbago nang siya ay magsimulang pumasok ng kolehiyo dahil sa pabago-bagong iskedyul ng kanyang mga klase. Ito ang nagpapakita sa ___________ na dimensyon ng personalidad ng tao.
Ano ang Nurture na dimensyon ng personalidad ng tao?
400
Sa batas na ito nakapaloob ang pahayag na ang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng produkto ngunit kapag ito ay nagkasunud-sunod, bunga ng pagkasawa sa paulit-ulit na paggamit ng iisang produkto lamang.
Ano ang Batas ng Lumiliit na Pakinabang (Law of Diminishing Utility)?
500
Maituturing ang Ekonomiks bilang agham dahil ito ay nakabatay sa magkakasunod na hakbangin alinsunod sa Siyentipikong paraan.
Anu-ano ang: 1. Pagtukoy sa problema 2. Paglikha ng hypothesis 3. Pangangalap ng datos 4. Pagbuo ng konklusyon 5. Paglapat at pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon
500
Kung mahigit 50% ng ating mga lupain ay kagubatan, ang natitirang kalahati naman ay napupunta sa mga lupaing maaaring ipamana at ipamahagi bilang panirahan, komersyal o agrikultural, na mas kilala sa tawag na _____________.
Ano ang Alienable at Disposable Lands?
500
Kompyutin ang antas ng populasyon ng bansang East Timor sa kasalukuyang taon kung noong 2012 ay mayroon itong kabuuang bilang na 52,871,459, na siyang napalitan ng 61,684,925 ngayong taon.
Ano ang 16.67%?
500
Sinasabing ang iba't ibang Salik na Nagpapabago sa ating mga pangangailangan at kagustuhan ay magkakasabay na nagaganap. Halimbawa, ang mga pamantayan ng kultura ay sumasanib sa personalidad ng tao at dito nabubuo ang sistema ng pagpapahalaga ng pamayanan o komunidad ng tao. Sumatutal, ang kabuuang paniniwala ng tao ay bunsod ng kanyang pakikisalamuha sa tao na tinatawag ring ____________.
Ano ang Sosyalisasyon (Socialization)?
500
Dahil tinignan maigi ni Pol ang materyales ng damit na naka-sale sa Adidas, nagawa niyang maiwasang mabili ang mga may tastas nang polo shirt.
Ano ang halimbawa ng pagiging mapanuri ng mamimili?
M
e
n
u