Tauhan
Lugar
Balangkas
Simbolismo
Mensahe
100

Sino ang anak ni Cabesang Tales na gustong mag-aral tulad ni Basilio?

Julí

100

Saan ginanap ang unang kabanata?

Kubyerta na naglalakbay sa Ilog Pasig

100

Ano ang mga unang reaksyon ng mga tao sa kayamanan at impluwensya ni Simoun sa kasal?

May mga naaakit sa kanyang kapangyarihan, habang ang iba ay naghihinala sa kanyang motibo.

100

Anong ang simbolismo ng Bapor Tabo?

Ang mabagal at bulok na sistema ng pamamahala sa Pilipinas

100

Ano ang pangunahing mensahe na ipinakilala sa Kabanata 1-7?

- Pesimismo sa pagbabago

- Hindi pagtanggap sa kawalan ng katarungan

- Pagwawalang bahala sa kasaysayan

Hindi pagtanggap sa kawalan ng katarungan

200

Ano ang kinikilala ni Basilio kay Simoun bukod sa isang makapangyarihang alahero?

Estranghero na tumulong sa kanya na ilibing ang kanyang ina

200

Anong lugar ang nais puntahan ng mga pasahero ng bapor at saan nanggaling?

Maynila hanggang La Laguna

200

Tungkol saan ang pinag-uusapan ng mga nasa itaas ng kubyerta?

Pagpapalalim ng Ilog Pasig at iba’t ibang opinyon tungkol sa reporma sa bansa

200

Ano ang tinutukoy ng dibisyon ng mga pasahero ng bangka?

Lipunang Pilipino

Kung saan ang mga Europeo ay kumportableng nakatayo sa itaas ng kubyerta, habang ang mga Mestizo, Indio, at Tsino ay nananatili sa ibaba kasama ang mga bagahe.

200

Bakit mahina at mabagal ang paglalakbay ng Bapor Tabo?

Dahil luma na ito at hindi maayos ang design, sumisimbolo ito sa lipunang Pilipino na hindi umuunlad dahil sa pamamahala ng mga Kastila.

300

Ano ang nais ipatupad ni Basilio?

Ang pagtatatag ng akademya ng wikang Kastila para sa mga estudyante.

300

Anong lugar ang ninanais puntahan ni Paulita Gómez kasama ang kanyang tiya, si Doña Victorina?

Europa

300

Ano ang dalawang alamat na ikinuwento sa Kabanata 3?

Alamat ng Malapad na Bato

Alamat ni Dona Geronima

300

Ano ang ipinapahiwatig ng pagsusuot ni Simoun ng salamin at balbas?

Ipinapakita nito ang kanyang pagtatago ng tunay niyang pagkatao bilang si Ibarra upang maisakatuparan ang kanyang plano ng paghihiganti.

300

Paano ipinakita sa unang mga kabanata ang epekto ng pananakop ng mga Kastila?

- Pang-aapi sa mga mahihirap

- Hindi patas na edukasyon

- Kontrol ng mga prayle sa lipunan

400

Ano ang layunin ni Simoun sa pagbabalik niya sa Pilipinas?

Maghiganti sa mga Kastila at itulak ang isang rebolusyon upang pabagsakin ang kanilang pamamahala

400

Saan nananatili ang mga sumusunod sa lugar ng Kabanata 1 at 2 noong sila ay naglalakbay?:

1. Doña Victorina

2. Isagani

3. Don Custodio

4. Padre Irene

5. Simoun

6. Basilio

1. Doña Victorina— itaas ng kubyerta

2. Isagani— ibaba ng kubyerta

3. Don Custodio— itaas ng kubyerta

4. Padre Irene— itaas ng kubyerta

5. Simoun— itaas ng kubyerta

6. Basilio— ibaba ng kubyerta

400

Paano ipinakita sa nobela ang kahinaan ng batas sa kaso ni Cabesang Tales laban sa mga prayle?

Kahit na malinaw na siya ang may-ari ng lupa, pumanig pa rin ang korte sa mga prayle dahil sa takot ng mga opisyal na mawalan ng kanilang posisyon at kapangyarihan.

400

Ano ang sinasagisag ng pagka-adik ni Kapitan Tiago sa opyo sa ikalawang kabanata?

Pagbagsak ng moralidad at kakulangan ng direksyon ng mga elitistang Pilipino sa ilalim ng pananakop ng Espanya

Sa halip na lumaban para sa pagbabago, sila ay naging mahina at sunud-sunuran, katulad ng pagdepende ng Pilipinas sa kolonyal na pamamahala.

400

Ano ang kahalagahan ng kasal sa Kabanata 3?

Itinatampok ito ang panlipunang dibisyon at ang kababawan ng nakatataas na uri.

500

Ano ang opinyon ni Simoun tungkol sa pagbabago sa bansa?

Naniniwala siyang ang pagbabago ay dapat makamit sa pamamagitan ng dahas, hindi mapayapang paraan.

500

Ano ang reaksiyon ng mga pari at Simoun sa pagdaan sa lugar kung saan namatay si Ibarra?

Ang mga pari ay kaswal na nagkomento at nagbibiro tungkol dito, habang si Simoun ay naging tahimik.

500

Ano ang nangyari kay Cabesang Tales nang kumpiskahin ng mga pari ang kanyang baril? Ano ang ginagawa ni Julí, ang kanyang anak, para matulungan siya?

Si Tales ay dinukot ng mga tulisan at ipinagbenta ni Julí ang kanyang mga alahas ngunit hindi pa rin kayang bayaran ang pantubos. Ibinenta niya ang sarili sa paglilingkod ng isang mayamang balo.

500

Ano ang ipinapakita ng katauhan ni Simoun sa Kabanata 7 tungkol sa kanyang pagkatao at layunin?

Ang kanyang pagkukunwaring mayamang alahero ay sumasagisag sa kanyang lihim na hangarin ng paghihiganti at rebolusyon.

Sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang kakampi ng mga Espanyol, palihim niyang inaapoy ang galit ng bayan upang hikayatin ang isang pag-aalsa.

500

Ano ang mensahe ng mga biro ng mga pari tungkol sa pagkamatay ni Ibarra at sa pananahimik ni Simoun?

Ang mga pari ay walang pakialam sa makasaysayang kahalagahan ng kanyang kamatayan.

Ibinabalik nito ang masasakit na alaala ng nakaraan para kay Simoun at nagmuni-muni siya kung paano nagwakas ang mga pangarap ni Ibarra na mapayapang repormasyon.

M
e
n
u