Ang mga sumusunod ay madalas na ginagamit na uri ng saknong sa mga tulang Pilipino MALIBAN sa ________.
A. couplets
B. quatrains
C. septets
D. tercets
C. septets
Ano ang sukat ng tulang TANAGA?
7-7-7-7
Ano ang sukat ng tulang Korido?
WAWALUHIN
Ito ang uri ng kariktan sa tula na may malalim o hindi lantad na kahulugan
TALINAHAGA
Ang mga sumusunod ay Tulang Patnigan MALIBAN sa ________.
A. Duplo
B. Haiku
C. Balagtasan
D. Batutian
B. Haiku
Ano ang sukat ng tulang Korido?
WAWALUHING PANTIG
(8)
Elemento ng tula na nagbibigay-ganda sa pagbigkas ng tula. Ito rin ang nagbibigay sa tula ng angking himig o indayog.
TUGMA
Ano ang salitang ugat ng KARIKTAN?
RIKIT
(ganda; nagpapahiwatig ng kagandahan)
Ito ay isang uri ng tulang romansa na may sukat na labindalawang pantig bawat taludtod.
A. awit
B. korido
C. tanaga
D. haiku
A. awit
Ilang saknong mayroon ang tulang ISANG PUNONGKAHOY ni Jose Corazon de Jesus?
walo
(8)
Ito ay paggamit ng mga magagandang salita na nakakapukaw sa damdamin at kawilihan ng mambabasa. Anong elemento ng tula ito?
KARIKTAN
Ito ang tugma kapag magkakapareho lamang ng tunog ang huling salita sa bawat taludtod, ngunit magkakaiba ang titik.
DI GANAP
Alin sa mga sumusunod ang sukat ng tulang TANAGA?A. 7-5-7
B. 5-7-5
C. 7-7-7-7
D. 7-5-7-5
C. 7-7-7-7
Kumpletuhin ang panatang makabayan:
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan
tahanan ng aking lahi;
_________ ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
KINUKUPKOP
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
SUKAT
Ito ay ang paggamit ng mga tayutay sa isang tula.
TALINHAGA
Ano ang sukat ng tulang Awit?
A. wawaluhin
B. lalabing-apatin
C. lalabindalawahin
D. pipituhin
E. lalabingwaluhin
C. lalabindalawahin
Kumpletuhin ang panatang makabayan:
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at _______________
nang buong katapatan.
NANANALANGIN
Ito ang uri ng elemento ng tula na gumagamit ng mga ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
SIMBOLISMO
Bakit itinuturing na SINING ang tula?
Dahil ang tula ay naghahatid ng malalim na mensahe at damdamin.