Ano ang longest-running horror movie franchise ng Pilipinas?
Shake, Rattle, and Roll
Ano ang nakikita nilang maligno sa Balete Drive?
White Lady
Ano ang tawag sa aswang na nahahati at nangangain ng sanggol?
Tiktik/Manananggal
Ano ang sasabihin mo pag nakikiraan?
"Tabi tabi po"
Anong bagay ang sinira ni Kris Aquino sa pelikula niyang "Feng Shui"?
Bagua
Ano ang pinakakilalang haunted capital of the Philippines?
Baguio
Sino ang makikita mong naninigarilyo sa taas ng puno?
Kapre
Ano ang ginagawa pagkatapos makilamay?
Pagpag
Ano ang title ng 1991 horror-comedy film kung saan gumanap na tiyanak si Mahal?
Anak ni Janice
Saan ang Aswang Capital ng Pilipinas?
Capiz
Anong tawag sa taong naggagayuma?
Mangkukulam
Ano ang dapat mong gawin kapag nakita mo sa salamin ang sarili mo o ang ibang tao na pugot ang ulo?
Wag dumiretso pauwi
Ano ang pangalan ng manika na gumaya kay Chucky sa palabas na Kakabakaba?
Chaka Doll
Anong pangalan ng haunted hotel na dating nasunog sa Manila?
Manila Hotel
Anong sinasabi nilang nangyayari kapag umuulan habang may araw?
May kinakasal sa tikbalang
Anong gagawin mo kapag naliligaw ka sa gubat?
Babaliktarin ang damit mo
Sino ang bida ng 2023 Horror Film "Mallari" kung saan naging mamamatay-tao ang isang pari noong Spanish era?
Piolo Pascual
Sino ang katabi mo?
(Kung sino unang lumingon sa tabi nila, dun mapupunta yung points)
Ano ang dragon na parang ahas na pinaniniwalaang nag-cacause ng eclipses, earthquakes, rains, and wind?
Bakunawa
Anong gagawin kapag napanaginipan mo na nalaglag ang mga ipin mo?
Kagatin ang unan