Bilang mag-aaral, ano ang pangunahing elemento ng kabutihang panlahat na dapat isaalang-alang sa takdang-aralin?
A. Paggalang sa dignidad ng tao
B. Panlipunang kapayapaan
C. Makataong lipunan
D. Karunungan para sa lipunan
C. Makataong lipunan
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na naglalarawan ng Prinsipyo ng Subsidiarity?
A. Ang mas malaking organisasyon o pamahalaan ay hindi dapat makialaman sa mga gawaing kayang isagawa nang mas epektibo ng mas maliliit na grupo.
B. Ang mas malaking grupo ay laging may tungkuling tumulong sa mas maliit na grupo sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung mayroon itong mas malaking pondo at mapagkukunan.
C. Ang bawat grupo sa komunidad ay dapat na kumilos nang nakahiwalay at mag-isa, na walang anumang ugnayan sa ibang grupo upang mapanatili ang kanilang kalayaan.
D. Ang lahat ng desisyon na may kinalaman sa pangkalahatan ay dapat magmula sa sentral na awtoridad o sa pinakamataas na antas ng pamamahala dahil sila ang may pinakamalawak na pananaw.
A. Ang mas malaking organisasyon o pamahalaan ay hindi dapat makialaman sa mga gawaing kayang isagawa nang mas epektibo ng mas maliliit na grupo.
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit kinakailangan ang lipunang pulitikal o pamahalaan?
A. Para makontrol ang pag-uugali ng bawat mamamayan at mapanatili ang kapangyarihan.
B. Para pagsilbihan ang lahat ng tao sa lipunan at isulong ang kabutihang panlahat.
C. Para mangolekta ng buwis mula sa mga negosyo at manggagawa na gagamitin sa pondo ng gobyerno.
D. Para panatilihin ang kaayusan at batas sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga regulasyon.
B. Para pagsilbihan ang lahat ng tao sa lipunan at isulong ang kabutihang panlahat.
Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang mabuting ekonomiya?
A. Pagkakaroon ng malawakang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap.
B. Pagkakaroon ng pantay na oportunidad at pag-unlad para sa lahat.
C. Pagkontrol ng iilang indibidwal sa yaman ng bansa.
D. Pagkakaroon ng mataas na inflation rate.
B. Pagkakaroon ng pantay na oportunidad at pag-unlad para sa lahat.
Ang "Gawad Kalinga" ay isang halimbawa ng lipunang sibil na nagbibigay-tulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga bahay. Ano ang pangunahing papel na ginagampanan ng "Gawad Kalinga" upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. Nagbibigay ng direktang tulong sa pamahalaan.
B. Nagtataguyod ng adbokasiya para sa mga pulitiko.
C. Nagpapamalas ng kusang-loob na pagtulong sa lipunan.
D. Nagpapalaganap ng relihiyosong paniniwala.
C. Nagpapamalas ng kusang-loob na pagtulong sa lipunan.
Sa inyong komunidad, ang mga residente ay nagkakaisa sa pagpaplano ng isang programa na magbibigay ng libreng pagkaing masustansya para sa mga bata sa lansangan. Ano ang pinakamahalagang elemento ng kabutihang panlahat na ipinapakita dito?
A. Pagpapabuti ng kalidad ng buhay
B. Pakikipag-ugnayan sa pamahalaan
C. Pagtupad sa moral na responsibilidad
D. Pagkakaroon ng panlipunang kapayapaan
C. Pagtupad sa moral na responsibilidad
Ang isang buong barangay ay sama-samang nagluto at namahagi ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyo. Anong prinsipyo ang ipinapakita ng kanilang pagtutulungan?
A. Subsidiarity
B. Pagkakaisa
C. Pagbabayanihan
D. Pagtutulungan
B. Pagkakaisa
Nagkasundo ang mga residente sa isang barangay na magpatupad ng "curfew" para sa mga menor de edad. Anong function ng pulitika ang ipinapakita ng desisyong ito?
A. Pag-unlad ng ekonomiya.
B. Pagpapalakas sa lokal na pamahalaan.
C. Pagtatatag ng batas at kaayusan
D. Pagpapanatili ng pagkakaisa.
C. Pagtatatag ng batas at kaayusan
Ang isang magandang ekonomiya ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na umunlad. Paano mo ito mas maipaliliwanag?
A. Ang ekonomiya ay maganda kung may mataas na GDP (Gross Domestic Product).
B. Ang ekonomiya ay maganda kung maraming dayuhang mamumuhunan.
C. Ang ekonomiya ay maganda kung walang sinuman ang sobra-sobra ang yaman habang ang iba ay naghihirap.
D. Ang ekonomiya ay maganda kung ang mga presyo ng bilihin ay laging mababa.
C. Ang ekonomiya ay maganda kung walang sinuman ang sobra-sobra ang yaman habang ang iba ay naghihirap.
Ano ang pangunahing layunin ng media?
A. Upang magbigay ng libangan sa mga tao.
B. Upang magpalaganap ng mga balita na sumusuporta sa gobyerno.
C. Upang magbigay ng mga impormasyon at katotohanan na kailangan ng mga mamamayan sa paggawa ng desisyon.
D. Upang kumita ng malaki sa pamamagitan ng advertising.
C. Upang magbigay ng mga impormasyon at katotohanan na kailangan ng mga mamamayan sa paggawa ng desisyon.
Bilang isang Sangguniang Kabataan (SK) Kagawad, mayroon kayong pondong gagamitin para sa isang proyekto. Paano mo isasabuhay ang kabutihang panlahat sa pagpili ng proyekto?
A. Pipiliin mo ang proyektong makikinabang ang pinakamaraming tao, tulad ng pagpapatayo ng pampublikong aklatan.
B. Pipiliin mo ang proyektong makikinabang lamang ang iyong mga kaibigan at kakilala na personal mong kinokonsiderang mahalaga sa iyong network.
C. Pipiliin mo ang proyektong magbibigay sa iyo ng pinakamalaking popularidad at magpapalaki sa iyong tsansang manalo sa susunod na halalan.
D. Gagamitin mo ang pondo para sa mga proyektong hindi naman prayoridad ng komunidad, ngunit nagbibigay-daan sa mga aktibidad na madaling isagawa at maganda sa social media.
A. Pipiliin mo ang proyektong makikinabang ang pinakamaraming tao, tulad ng pagpapatayo ng pampublikong aklatan.
Bilang isang mag-aaral na si Juan, paano mo gagamitin ang iyong kasipagan sa pag-aaral at pagbabahagi ng kaalaman sa iyong mga kaklase bilang halimbawa ng pagsasabuhay ng kabutihang panlahat sa loob ng paaralan?
A. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng aking talino at kakayahang magtagumpay sa akademya na nagbibigay-inspirasyon sa iba.
B. Sa pamamagitan ng pagiging mapagkumpitensya para makamit ang pinakamataas na posisyon at maging huwaran.
C. Sa pamamagitan ng pag-uuna sa sariling pag-unlad habang tumutulong din sa pag-unlad ng iba, na lumilikha ng positibong kapaligiran para sa lahat.
D. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na nakakakuha ng atensyon at papuri mula sa mga guro at kamag-aral.
C. Sa pamamagitan ng pag-uuna sa sariling pag-unlad habang tumutulong din sa pag-unlad ng iba, na lumilikha ng positibong kapaligiran para sa lahat.
Bakit itinuturing na mahalaga ang pagtugon ng pamahalaan sa mga isyu tungkol sa kapayapaan at seguridad?
A. Para maiwasan ang mga krimen at kaguluhan na maaaring magresulta sa pagbaba ng ekonomiya.
B. Dahil ito ay nagpapakita ng awtoridad ng gobyerno at ng kakayahan nitong kontrolin ang lipunan.
C. Dahil ito ay inaasahan sa isang demokratikong bansa kung saan ang mga mamamayan ay may kalayaang mamuhay nang walang takot.
D. Dahil pangunahing tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang buhay at karapatan ng mga mamamayan.
D. Dahil pangunahing tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang buhay at karapatan ng mga mamamayan.
Isang grupo ng mga kabataan ang nagdesisyon na gumawa ng isang maliit na negosyo na nagbebenta ng recycled na produkto mula sa mga basura. Bakit maituturing na bahagi ito ng mabuting ekonomiya?
A. Dahil nagbibigay ito ng trabaho sa mga kabataan na walang mapapasukan.
B. Dahil nakatutulong ito sa paglilinis ng kapaligiran sa komunidad.
C. Dahil nagkakaroon sila ng pera at nagiging mayaman.
D. Dahil nagpapakita ito ng pag-unlad at pagpapahalaga sa kapaligiran.
D. Dahil nagpapakita ito ng pag-unlad at pagpapahalaga sa kapaligiran.
Isang mag-aaral ang naglunsad ng isang kampanya sa social media upang hikayatin ang kanyang mga kapwa mag-aaral na mag-volunteer sa isang cleanup drive sa ilog. Ano ang ipinapakita ng gawaing ito sa konteksto ng lipunang sibil?
A. Ito ay isang uri ng pulitikal na protesta laban sa mga patakaran ng pamahalaan sa kalikasan.
B. Ito ay isang gawaing nagpapabuti sa reputasyon ng paaralan sa publiko.
C. Ito ay isang inisyatiba ng mga indibidwal o grupo para sa kabutihang panlahat.
D. Ito ay isang gawaing nagpapakita ng kawalan ng suporta mula sa pamahalaan sa mga proyektong pangkapaligiran.
C. Ito ay isang inisyatiba ng mga indibidwal o grupo para sa kabutihang panlahat.
Ang isang mag-aaral na si Juan ay nagsisikap na makakuha ng mataas na marka sa kanyang pag-aaral at nagbabahagi pa ng kanyang mga kaalaman sa kanyang mga kaklase. Paano mo susuriin ang kanyang gawi sa konteksto ng kabutihang panlahat sa paaralan?
A. Ipinapakita niya ang kanyang katalinuhan at kakayahang magtagumpay sa akademya.
B. Ipinapakita niya ang pagiging mapagkumpitensya sa paglalayong madaig ang iba.
C. Ipinapakita niya ang pagpapahalaga sa sarili at sa pag-unlad ng iba.
D. Ipinapakita niya ang paghahanap ng atensyon at papuri mula sa iba.
Nagtayo ang mga residente ng isang community pantry para sa isang batang may malubhang sakit. Anong prinsipyo ang ipinapakita?
A. Ang Subsidiarity, dahil ang mga residente ay kumilos nang walang tulong ng gobyerno.
B. Ang Pagkakaisa, dahil ang bawat isa ay tumulong para sa pangangailangan ng isa.
C. Ang Kabutihang Panlahat, dahil ang proyekto ay nakatulong sa isang miyembro ng komunidad.
D. Pagbabayanihan, na nagpapakita ng kultura ng Pilipinas.
B. Ang Pagkakaisa, dahil ang bawat isa ay tumulong para sa pangangailangan ng isa.
Si G. Reyes ay may kakayahang mag-organisa ng mga tao at impluwensiyahan ang kanilang mga desisyon, ngunit wala siyang legal na posisyon. Si G. Santos naman ay nahalal na chairman ng barangay. Ano ang pinakamahalagang pagkakaiba sa pagitan ng kanilang kapangyarihan?
A. Pareho silang may awtoridad.
B. Si G. Reyes ay may kapangyarihan; si G. Santos ay may awtoridad.
C. Si G. Santos ay may awtoridad; si G. Reyes ay may kapangyarihan.
D. Pareho silang may kapangyarihan.
C. Si G. Santos ay may awtoridad; si G. Reyes ay may kapangyarihan.
Ang isang barangay ay may matataas na gusali at mga restawran, ngunit maraming mamamayan ang nakatira sa squatter area at walang trabaho. Paano mo matataya ang lipunang ekonomiya ng barangay?
A. Ang lipunang ekonomiya ay mahusay dahil mayroon itong mga matataas na gusali na nagpapahiwatig ng kaunlaran.
B. Ang lipunang ekonomiya ay hindi makatarungan dahil sa malaking agwat ng mayayaman at mahihirap.
C. Ang lipunang ekonomiya ay matatag dahil ang mga residente ay nagtatrabaho sa iba't ibang sektor ng negosyo.
D. Ang lipunang ekonomiya ay nagpapakita ng maunlad na pamumuhay para sa lahat ng mga residente.
B. Ang lipunang ekonomiya ay hindi makatarungan dahil sa malaking agwat ng mayayaman at mahihirap na naninirahan doon.
Ang isang media company ay naglunsad ng investigative journalism na naglalantad ng korapsyon sa pamahalaan. Anong papel ang ginagampanan ng media sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
A. Nagbibigay ito ng libangan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga programang nakakaaliw.
B. Nagbibigay ito ng mga impormasyon at katotohanan na kailangan ng mga mamamayan.
C. Nagpapalaganap ito ng mga balitang sumusuporta lamang sa mga aksyon at desisyon ng gobyerno.
D. Nagpapalaganap ito ng mga propaganda upang hubugin ang opinyon ng publiko.
B. Nagbibigay ito ng mga impormasyon at katotohanan na kailangan ng mga mamamayan.
Para sa proyektong pagtatanim ng puno, paano mo gagamitin ito para patunayan na ang pagsisikap para sa kabutihang panlahat ay nagpapatatag sa lipunan?
A. Sa pamamagitan ng paggawa ng plano kung saan ang bawat miyembro ay may tiyak na gawain, at bigyang-diin ang tagumpay ng buong grupo sa halip na indibidwal na parangal.
B. Sa pamamagitan ng pagtatanim nang mag-isa sa simula, upang magsilbing inspirasyon sa iba na tularan ang iyong indibidwal na inisyatiba at kasipagan.
C. Sa pamamagitan ng pag-organisa ng isang fundraising campaign upang makalikom ng pondo para sa proyekto, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pinansyal na suporta mula sa mga stakeholder upang matiyak ang pagpapatuloy ng proyekto.
D. Sa pamamagitan ng pagpapalawak ng saklaw ng proyekto sa pag-aanyaya ng mga pulitiko, celebrity, at iba pang maimpluwensyang tao, na naglalayong makakuha ng publisidad at suporta na makakatulong sa pagpapalawak ng mensahe ng proyektong ito.
A. Sa pamamagitan ng paggawa ng plano kung saan ang bawat miyembro ay may tiyak na gawain, at bigyang-diin ang tagumpay ng buong grupo sa halip na indibidwal na parangal.
Ang "Bayanihan" ay isang tradisyon kung saan nagtutulungan ang mga tao na buhatin ang isang bahay. Paano ito sumasalamin sa Prinsipyo ng Pagkakaisa?
A. Ipinapakita nito na mayroong matibay na pamahalaan sa komunidad na nangunguna sa mga proyekto.
B. Ipinapakita nito na ang bawat isa ay may pananagutan para sa pag-unlad ng buong komunidad.
C. Ipinapakita nito na mas matibay ang indibidwal na pagkilos kaysa sa sama-samang gawain.
D. Ipinapakita nito na ang mga mahihirap ay umaasa sa tulong ng mga mayayaman sa komunidad.
B. Ipinapakita nito na ang bawat isa ay may pananagutan para sa pag-unlad ng buong komunidad.
Sa apat na tungkulin ng mamamayan sa ibaba, alin ang itinuturing na pundasyon na nagbibigay-daan sa pagiging epektibo ng iba pang tungkulin sa pagpapanatili ng isang malusog na lipunang pulitikal?
A. Ang pagpapatupad ng mga batas at obligasyong sibil.
B. Ang paglahok sa mga halalan at pagboto nang matalino.
C. Ang aktibong pakikisangkot sa usaping publiko at adbokasiya.
D. Ang pagtataguyod ng pananagutan at pagiging bukas ng pamahalaan.
D. Ang pagtataguyod ng pananagutan at pagiging bukas ng pamahalaan.
Ang isang kumpanya ay nagpatupad ng "profit-sharing" policy, kung saan ang isang bahagi ng kanilang kinikita ay ibinabahagi sa kanilang mga empleyado. Paano nasuri ang maidudulot nito sa magandang ekonomiya?
A. Ipinapakita nito na ang kumpanya ay hindi na kailangang mag-alala sa kanilang kita dahil tiyak na malaki ang kanilang kikitain.
B. Ipinapakita nito na ang pamahalaan ay naglalabas ng batas para sa mga empleyado upang obligahin ang mga kumpanya na gawin ito.
C. Ipinapakita nito na ang pag-unlad ng kumpanya ay nagiging pag-unlad din ng mga manggagawa, na humahantong sa pagbawas ng agwat ng mayayaman at mahihirap sa lipunan.
D. Ipinapakita nito na ang mga empleyado ay hindi na kailangang mag-trabaho nang husto dahil sa tiyak na dagdag na kita na kanilang matatanggap.
C. Ipinapakita nito na ang pag-unlad ng kumpanya ay nagiging pag-unlad din ng mga manggagawa, na humahantong sa pagbawas ng agwat ng mayayaman at mahihirap.
Ano ang pinakamagandang paglalarawan sa papel ng simbahan sa lipunan?
A. Nagbibigay ito ng gabay moral at ispiritwal na nagpapanatili ng kahalagahan ng dignidad ng tao at pagkakaisa sa halip na pagpokus lamang sa materyal na bagay.
B. Naglilingkod ito bilang pangunahing tagapagbantay ng mga gawaing politikal at tumitiyak na ang mga batas ay naaayon sa mga turo nito.
C. Nagbibigay ito ng mga serbisyong panlipunan tulad ng mga programa para sa mahihirap, na layuning punan ang mga kakulangan ng gobyerno.
D. Ito ay isang hiwalay na institusyon na walang kinalaman sa estado, na sumusunod lamang sa sarili nitong mga patakaran at hindi nakikialam sa mga usaping panlipunan.
A. Nagbibigay ito ng gabay moral at ispiritwal na nagpapanatili ng kahalagahan ng dignidad ng tao at pagkakaisa sa halip na pagpokus lamang sa materyal na bagay.