Dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mamimili sa alternatibong presyo sa isang takdang panahon.
Demand
Ito ang potential market ng isang bansa.
Populasyon
Ibigay ang kahulugan ng supply.
Dami ng produkto at serbisyo na handa at nais ipagbili sa iba't ibang lebel ng presyo sa isang takdang panahon.
Anong salik ng supply ang tinutukoy sa sumusunod?
May inangkat na modernong makinarya para sa pagsasaka.
Teknolohiya
Mathematical equation na nagpapakita ng relasyon ng Qd at P.
Demand Function
Ito ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginawang produkto at serbisyo.
Kita
Isang talahanayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon.
Supply Schedule
Anong salik ng supply ang tinutukoy dito?
Maraming mga magsasaka at tindera ang tumatanggap ng tulong pampinansyal mula sa pamahalaan.
Subsidy
Kurba na nagpapakita ng di-tuwirang relasyon ng presyo at Qd.
Demand Curve
Ito ang tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita ng tao.
Normal goods
Ano ang nakasaad sa batas ng supply?
habang tumataas ang presyo ng produkto, dumarami ang handang ipagbili ng mga prodyuser.
Anong salik ng supply ang tinutukoy dito?
Inaprubahan ang dagdag sahod ng mga manggagawa
Kagastusan
Anong uri ng elasticity ng demand meron ang sumusunod na sitwasyon:
Sa bawat 1% na pagbabago ng presyo, ang demand ay bababa ng 1%
Unitary
Ano ang tinatawag na complementary goods? at magbigay ng halimabawa nito.
mga produkto na kinokonsumo ng sabay.
-Shampoo at conditioner
-kotse at gasolina
-appliances at kuryente
Ano ang anyo ng supply curve?
Upward sloping
Anong salik ng supply ang inilalarawan dito?
Uso ang produktong pakwan kapag panahon ng tag-init
panahon/klima
Ito ay ang pagsukat ng porsiyento ng pagtugon ng mamimili sa bawat porsiyento ng pagbabago ng presyo.
Price elasticity of demand
Ibigay ang kahulugan ng substitute goods.
mga produkto na pamalit sa ginagamit na produkto
Ano ang dalawang axes sa supply curve at ano ang nasa axes na ito?
Y Axis - presyo
X Axis - Quantity Supplied
Anong salik ng supply ang inilalarawan dito?
Biglang sumiklab ang kaguluhan sa isang bansa sa Middle East.
Ekspektasyon