Bakit maswerte ang kalendaryo?
Dahil marami siyang DATE! :D
Anong English ng pustiso?
Dentures
May tatlong babae naligo sa ulan pero hindi nabasa ang kanilang buhok. Bakit di nabasa ang buhok?
Kasi kalbo sila.
Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
PAYONG
Sino ang pangalawang babaeng Presidente ng pilipinas
Gloria Macapagal Arroyo
Ano ang pwede mong gawin sa GABI na hindi mo pweding gawin sa UMAGA?
eh di MAGPUYAT! :D
Anong tagalog ng electric fan?
Bentilador
Anong nasa gitna ng barko na nasa gitna din ng barya?
Letter “R”
Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
BUMBILYA
Ano ang 3 pinaka-malaking isla ng Pilipinas?
Luzon, Visayas at Mindanao
Ano ang tawag sa kotse ni Jollibee?
eh di BEE-M-W!
Anong English ng singkamas?
Turnip
Ilang pares ng hayop and inilagay ni Moises sa kanyang arko?
Wala (si Noah kasi yung may arko hindi si Moises)
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
BALLPEN
Ano ang pambansang prutas ng Pilipinas?
Mangga
Anong isda ang nakalutang sa tubig?
Eh di patay na isda! :D
Ano sa english ang "sinok"?
Hiccup
Ang nanay mo ay may apat na anak: si April, May at June. Ano ang pangalan ng pang apat?
Pangalan mo :D
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
DAMIT O KAMISETA
Ano ang pambansang hayop ng Pilipinas?
Kalabaw
Anong puno ang hindi pwedeng akyatin?
eh di yung NAKATUMBA. :D
Anong tagalog ng toothpaste?
Pasimada
May 12 na pulis sa ibabaw ng tulay, nalaglag ang pito ilan ang natirang pulis?
12 pa rin nalaglag lang naman yung (pito).
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.
SUMBRERO
Ano ang pinaka-mataas na bulkan sa Pilipinas?
Mt. Apo