Isang reyna ng Persia na inalis sa posisyon dahil sa pagmamatigas sa hari.
Vasti
Sinasabi sa Apocalipsis na ang pinagsama-samang mga hukbo ng mga hari sa lupa ay tinitipon “sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na __________.
Har-Magedon
Kilala rin bilang ang Ginintuang Aral.
Mateo 7:12
Isang miyembro ng Sanedrin, isang Pariseo, at isang guro ng Kautusan, na sa kaniyang paanan ay tinuruan ang apostol na si Pablo.
Gamaliel
Nangangahulugang "Bunton na Saksi." Ginagamit din na pangalan ng isang paaralan sa bayan ni Jehova.
Gilead
Napakaganda ng mga paa ng mga naghahayag ng mabuting balita ng mabubuting bagay!
Roma 10:15
Dalawa sa mga kapatid ni Jesus na sumulat ng mga liham na naging bahagi ng mga aklat ng Bibliya.
Santiago at Judas
Ang lugar kung saan ibinayubay si Jesus. Tinatawag ding Pook ng Bungo.
Golgota
Diwa : Kung paanong hindi kailanman magtatagpo ang silangan at kanluran. Hindi na rin aalalahanin ni Jehova ang kasalanang pinatawad na niya.
Awit 103:12
Ang propetang tinukso na kalbo ng mga bata kung kaya niluray sila ng dalawang babaeng oso.
Eliseo
Ang mga tao sa lugar na ito ay handang makinig sa mensahe nila Pablo, at masikap nilang sinuri ang mga ito sa Kasulatan upang mapatunayan ang mga bagay na natutuhan nila.
Berea
Diwa : Malimutan man ng isang ina ang kaniyang anak, ang magiliw na pagkamahabagin ni Jehova ay hindi nagmamaliw.
Isaias 49:15
Rizpa
Ang lunsod na sentro ng demonismo. Ngunit hindi nanghinayang ng sunugin ang mga bagay na may kinalaman sa mahika na nagkakahalaga ng 50,000 pilak.
Efeso
"Maging mapagbigay, at magbibigay ang mga tao sa inyo. Napakarami nilang ibubuhos sa tupi ng inyong damit—________, ________, at _______. Dahil kung paano ninyo pinakikitunguhan ang iba, ganoon din nila kayo pakikitunguhan.”
siniksik, niliglig, at umaapaw