Aling bahagi ng pananaliksik ang tumatalakay sa pamamaraan ng pag-aaral?
a) Introduksyon
b) Metodolohiya
c) Konklusyon
d) Rebyu ng kaugnay na literatura
b) Metodolohiya
Ano ang pangunahing ginagamit sa kwantitatibong pananaliksik?
a) Tekstuwal na pagsusuri
b) Pagtataya ng dami o bilang ng datos
c) Pakikipanayam
d) Obserbasyon
b) Pagtataya ng dami o bilang ng datos
Ano ang pangunahing layunin ng metodolohiya sa isang pananaliksik?
a) Pagpapaliwanag ng resulta
b) Pagsusuri ng datos
c) Paglalahad ng proseso ng pagkalap ng datos
d) Pagtalakay sa kahalagahan ng pag-aaral
c) Paglalahad ng proseso ng pagkalap ng datos
Anong uri ng pananaliksik ang nakatuon sa paghahambing ng dalawang bagay o sitwasyon?
a) Historikal
b) Aksyon
c) Komparatibo
d) Deskriptibo
c) Komparatibo
Ano ang layunin ng action research?
a) Pag-aaral ng nakaraan
b) Pagpapabuti ng kasalukuyang kalagayan o proseso
c) Pagsusuri ng istatistikal na datos
d) Pagsasagawa ng case study
b) Pagpapabuti ng kasalukuyang kalagayan o proseso
Ano ang pangunahing layunin ng deskriptibong pananaliksik?
a) Pagpapaliwanag ng isang teorya
b) Pagbibigay ng malinaw na larawan ng isang paksa
c) Pagsasagawa ng eksperimento
d) Paghahambing ng dalawang bagay
b) Pagbibigay ng malinaw na larawan ng isang paksa
Ano ang pangunahing ginagamit sa kwalitatibong pananaliksik?
a) Numerical data
b) Interbyu at obserbasyon
c) Sarbey
d) Statistical tools
b) Interbyu at obserbasyon
Aling uri ng pananaliksik ang nagsusuri ng kaugalian at pamumuhay ng isang grupo ng tao?
a) Historikal
b) Aksyon
c) Etnograpiko
d) Komparatibo
c) Etnograpiko
TAMA O MALI. Ang normative study ay nakatuon sa paglalarawan ng isang paksa batay sa itinakdang pamantayan.
TAMA
TAMA O MALI. Sa pananaliksik, ang mga kalahok ay maaaring hindi malinaw na ipaliwanag sa metodolohiya.
MALI
TAMA O MALI. Sa isang eksploratoryong pananaliksik, pangunahing layunin ang magbigay ng deskriptibong datos.
MALI
TAMA O MALI. Sa historikal na pananaliksik, mahalaga ang pag-aaral ng mga nakaraang dokumento at talaan.
TAMA
IDENTIPIKASYON. Ang pananaliksik na nakatuon sa pagsisiyasat ng nakaraan ay tinatawag na ________.
HISTORIKAL NA PANANALIKSIK
IDENTIPIKASYON. Ang bahagi ng pananaliksik na naglalarawan kung paano isinagawa ang pagsusuri ng datos ay tinatawag na ________.
PAGSUSURI NG DATOS
IDENTIPIKASYON. Ang pamamaraang ginagamit upang malaman ang mga personal na pananaw ng isang kalahok ay ________.
INTERBYU
IDENTIPIKASYON. Ang bahagi ng pananaliksik na tumatalakay sa lugar ng pag-aaral, teknik sa pagpili ng kalahok, at instrumentong ginamit ay tinatawag na ________.
METODOLOHIYA