Pangngalan at Pandiwa
Uri ng Pangngalan
(Ayon sa Konsepto)
Kasarian ng Pangngalan
Gamit ng Pangngalan
Mga Panghalip
100

Si Roberto ay masipag na anak nina Mang Kanor at Aleng Linda. 

Ano-ano ang mga pangngalang ginamit sa pangungusap?

Roberto, anak, Mang Kanor at Aleng Linda

100

Ano ang uri ng pangngalan ito? 

karagatan

kongkreto o tahas

100

Ano ang kasarian ng pangngalang ito?

manang

pambabae

100

Ang bata ay naglinis ng kaniyang silid. 

Paano ginamit ang salitang bata sa pangungusap?

a. Simuno

b. Kaganapang Pansimuno

c. Layon ng pang-ukol

d. Layon ng Pandiwa

a. Simuno

100

Tukuyin ang mga panghalip panao na ginamit sa pangungusap.

Pupunta kami sa palengke, sasama ka ba?

kami at ka

200

Si kris ay nakatira sa laguna at doon rin ito nag-aaral.

Maayos ba ang pagkakasulat ng pangungusap? Bakit oo? Bakit hindi?

Hindi po, dahil ang pangngalang kris at laguna ay mga pangngalang pantangi ito ay dapat nakasulat sa malaking titik.

200

Basahin ang pangungusap. Alin ang palansak na pangngalan?

Tinulungan ng isang organisasyon ang mga taong naninirahan sa gubat.

organisasyon

200

Alin sa mga pangngalan ang di-tiyak ang kasarian?

a. weyter

b. piloto

c. ale

d. libro

b. piloto

200

Si Angelo ay isang mag-aaral na matalino at masigasig.

Paano ginamit ang salitang mag-aaral sa pangungusap?

a. Simuno

b. Kaganapang Pansimuno

c. Layon ng pang-ukol

d. Layon ng Pandiwa


b. Kaganapang Pansimuno

200

Ganito gawin ang saranggola. Makinig kayong mabuti.

Anong uri ng panghalip ang nakasalungguhit na salita sa pangungusap?

Panghalip pamatlig

300

Ang mga bata ay naglalaro tuwing hapon sa tapat ng kanilang bahay.

Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap?

naglalaro

300

Basahin ang pangungusap at piliin ang Di kongkreto o Basal na pangngalan.

Ang pag-ibig ko sa bayan ay laging nariyan anumang oras at panahon.

pag-ibig

300

Alin ang naiiba ang kasarian?

a. madre

b. katrabaho

c. nars

d. kaibigan

a. madre

300

Ang mga donasyon na ito ay para sa mga Bicolanong naapektuhan ng bagyong Rolly.

Anong pangngalan sa pangungusap ang ginamit bilang layon ng pang-ukol?

Bicolano o Bicolanong naapektuhan ng bagyong Rolly.

300

Isa lamang ang kumuha ng mga kuwaderno sa silid. ________ ang gustong kunin ang mga ito?

Ano ang nararapat na panghalip pananong ang ilalagay sa patlang upang mabuo ang pangungusap?

Sino

400

Si kuya at ang kaniyang kaibigan ay ( magaaral, magkukuwentuhan) sa bahay dahil malapit na ang kanilang pagsusulit.

Ano ang tamang pandiwa ang piliin sa pangungusap?

mag-aaral

400

Basahin ang pangungusap, hanapin ang pangngalan at tukuyin ang uri nito.

Sana'y marami pa ang sumali sa aming samahan.

samahan - Palansak

400

Basahin ang pangungusap. Ano ang salitang walang kasarian?

Mahilig umawit sa labas ng bahay si Ana tuwing Araw ng Pasko.

bahay

400

Ang gobyerno ay tumulong sa pagaayos ng mga nasirang bahay.

Paano ginamit ang salitang nakasalungguhit?

Ginamit bilang layon ng pandiwa.

400

Lahat ay magtutulungan upang muling makabangon ang mga nasalanta ng bagyo.

Anong salita sa pangungusap ang panghalip na panaklaw?

Lahat

500

Madaming kabahayan at gusali ang nasira ng manalasa ang bagyong Rolly sa aming bayan. Lahat ay nalungkot sa kalagayang ito. Ang iba ay umiyak dahil sa pagkawala ng kanilang tirahan, ang mga kapitbahay naman ay nagtulungan. Ang gobyerno ay nagpadala rin ng tulong. 

Ano-ano ang mga pangngalan at pandiwang ginamit sa talata?

Pangngalan: kabahayan, gusali, bagyong Rolly, bayan, kapitbahay, at gobyerno 

Pandiwa: nasira, manalasa, nalungkot, umiyak, nagtulungan at nagpadala

500

Basahin at unawain ang pangungusap at piliin ang pares ng salita na tumutukoy sa tamang uri ng pangngalan. 

Ang aking mga kamag-aral ay bumuo ng isang grupo upang itaguyod ang kalinisan, labis na ikinagalak ito ng aming guro. 

kamag-aral = palansak, 

grupo = palansak, 

guro = di kongkreto, 

ikinagalak = kongkreto

grupo = palansak

500

Punan ng tamang salita ang pangungusap. 

bibe - modista - tandang - kompyuter

Ang aming guro ay nagbibigay saamin ng gawain sa pamamagitan ng __________. 

kompyuter

500

1. Ang mga mag-aaral ay nagsisipag sa pagaaral sa kani-kanilang bahay.

2. Si Lisa at Rosa ay mga mag-aaral na masipag na tinatapos ang kanilang mga aktibidad. 

3. Ang sakripisyo ng mga magulang at guro ay para sa mga mag-aaral

Anong bilang ng pangungusap na ginamit ang pangngalang mag-aaral bilang kaganapang pansimuno?

Ikalwang pangungusap

500

Sila ay nageensayo sa darating na paligsahan sa pagtakbo sa darating na buwan. 

Tukuyin ang panauhan at kailanan ng panghalip panaong ginamit sa pangungusap.

Panghalip panao: Sila

Panauhan: ikatlo

Kailanan: maramihan

M
e
n
u