DULA
PANGUNAHING PANGYAYARI AT POV
POKUS NG PANDIWA AT IRONYA
MGA ANYO NG VIDEO
BALITA
100

Ano ang dulang pambata? 

A. Kuwento na itinatanghal para sa bata
B. Awit na kinakanta para sa bata
C. Larawan na iginuguhit ng mga bata
D. Liham na isinusulat para sa bata

A. Kuwento na itinatanghal

100

Aling panghalip ang tuwirang tumutukoy sa kausap?

A. ako

B. akin

C. namin

D. ikaw


D. ikaw

100

Alin ang pangungusap na nakatuon sa layong binasa?

A. Nagbasa si Liza ng liham.

B. Binasa ni Liza ang liham.

C. Nagbabasa si Liza tuwing gabi.

D. Magbabasa si Liza bukas.


B. Binasa ni Liza ang liham.

100

Anong video form ang angkop sa pagpapakita ng maikling bahagi ng isang panayam?

A. Film

B. Slide show

C. Clip

D. TV advertisement


C. Clip

100

Napanood mo sa balita na laging sumisingit si Aya sa usapan ng kaniyang mga kaklase. Ano ang dapat niyang gawin upang mapanatili ang magandang samahan?

A. Maghintay siyang matapos magsalita ang iba.

B. Magsalita siya habang may nagsasalita.

C. Lumayo siya kapag may nagtatanong.

D. Ulitin niya nang malakas ang sinabi ng iba.

A. Maghintay siyang matapos magsalita ang iba.

200

Sa dula, itinago ni Mila ang sirang plorera. Aling detalye ang nagpapasimula ng suliranin?

A. Naglinis ng mesa si Mila.

C. Nagbasa ng aklat si Mila.

B. Itinago ni Mila ang sirang plorera.

D. Nag-ayos ng upuan si Mila.

B. Itinago ni Mila ang sirang plorera.


200

“Naglunsad ng libreng pagbabasa ang paaralan noong Lunes.” Ano ang pangunahing naganap?

A. Pagpapagawa ng silid-aklatan

B. Pagbubukas ng bagong palaruan

C. Pagdaraos ng paligsahang sayaw

D. Paglulunsad ng libreng pagbabasa


D. Paglulunsad ng libreng pagbabasa

200

Sa pangungusap na “Inayos ni Noel ang mesa,” ano ang layon ng kilos?

A. si Noel

B. inayos

C. ang mesa

D. ni Noel


C. ang mesa

200

Para sa mga magulang, alin ang magalang na paanyaya sa isang school video?

A. Dumalo ka rito agad.

B. Pumunta kayo kung trip ninyo.

C. Inaanyayahan po namin kayong dumalo.

D. Kailangan mong dumalo bukas.


C. Inaanyayahan po namin kayong dumalo

200

Ano ang pangunahing layon ng tuwirang balita?

A. Magkuwento ng kathang-isip na pakikipagsapalaran

B. Manghikayat na bumili ng produkto

C. Magpahayag lamang ng saloobin

D. Maglahad ng mahahalagang impormasyon

D. Maglahad ng mahahalagang impormasyon

300

Aling bahagi ng dula o kwento karaniwang nalulutas ang pangunahing suliranin?

A. Simula

B. Wakas

C. Gitna

D. Panimulang tagpuan


B. Wakas

300

Alin ang pahayag sa unang panauhan?

A. Ikaw ang maghahanda ng anunsiyo.

B. Ako ang maghahanda ng anunsiyo.

C. Kayo ang maghahanda ng anunsiyo.

D. Ninyo ang anunsiyong ito.


B. Ako ang maghahanda ng anunsiyo.

300

Umuulan nang malakas at basang-basa si Ben. Sinabi niya, “Ang ganda ng panahon!” Ano ito?

A. Tuwirang papuri sa maaliwalas na araw

B. Paghahambing ng dalawang panahon

C. Ironiya: kabaligtaran ang ipinahihiwatig.

D. Pagtatanong tungkol sa ulan


C. Ironiya: kabaligtaran ang ipinahihiwatig.

300

Anong anyo ang angkop sa isang mahaba at buo nang kuwentong gumagalaw sa screen?

A. Slide show

B. Film

C. Clip

D. Maikling patalastas


B. Film

300

Alin ang karaniwang unang makikita sa isang balita?


A. Pangwakas na opinyon ng mambabasa

B. Mga tagubilin sa pagsasadula

C. Talaan ng mga tauhan

D. Ulo o pamagat ng balita



D. Ulo o pamagat ng balita

400

May dula tungkol sa magkapatid na nag-away at nagkabati. Alin ang pinakamalinaw na buod?

A. Nagsuot ng dilaw at asul ang magkapatid.

B. Napakahaba ng kanilang usapan tungkol sa meryenda.

C. May malaking mesa at dalawang silya sa bahay nila.

D. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit nag-usap at nagkabati.


D. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ngunit nag-usap at nagkabati.

400

Tinulungan ni Rosa ang kapatid sa pagsasaayos ng mga libro. Aling reaksiyon ang naaayon sa kilos niya?

A. Hindi maganda na sinira niya ang mga libro.

C. Mali siyang nagtago ng mga libro.

B. Nakakainis na pinabayaan niya ang kapatid.

D. Kahanga-hanga ang pagtulong niya sa kapatid.


D. Kahanga-hanga ang pagtulong niya sa kapatid.

400

Umuulan nang malakas at basang-basa si Ben. Sinabi niya, “Ang ganda ng panahon!” Ano ang ipinahihiwatig ng sinabi ni Ben?

A. Masaya si Ben sa ulan.

B. Naiinis si Ben sa masamang panahon.

C. Gusto ni Ben na maglaro sa ulan.

D. Natutuwa si Ben dahil maaraw.

B. Naiinis si Ben sa masamang panahon.

400

Nais ipakita ni Carlo ang isang mahalagang bahagi ng balita tungkol sa paglilinis ng kanilang barangay. Gumawa siya ng bidyong tumatagal lamang ng 30 segundo. Anong anyo ng bidyo ang ginamit niya?

A. Dokumentaryo

B. Pelikula

C. Maikling bidyo Clip

D. Bidyong presentasyon

C. Maikling bidyo Clip

400

May kaklaseng nag-aayuno sa Ramadan at napanood mo sa balita kung ano ang pagpapaliwanag sa Ramadan. Alin ang angkop na sasabihin?

A. Bakit hindi mo na lang itigil ang pag-aayuno?

B. Kailangan mong kumain ngayon tulad namin.

C. Iwasan mo kaming kausapin habang nag-aayuno.

D. Nauunawaan ko at igagalang ko ang iyong pag-aayuno.

D. Nauunawaan ko at igagalang ko ang iyong pag-aayuno.

500

Kapag kinakausap ang kasama sa dula, alin ang angkop na di-berbal na hudyat?

A. Pagtalikod habang sumasagot

B. Pagtingin sa ibang direksiyon

C. Pagtuon ng tingin sa kausap

D. Pagpikit habang nakikinig


C. Pagtuon ng tingin sa kausap

500

Nabasa mong may bagong silid-basahan ang barangay. Aling opinyon ang may pinakamalinaw na batayan sa impormasyong ito?

A. Mas mainam na sa bahay lamang magbasa ang mga bata.

B. Mas gusto ng mga bata ang bagong silid kaysa mga aklat.

C. Makatutulong ito sa mga batang naghahanap ng lugar na mapagbabasahan.

D. Tuwing pista lamang dapat gamitin ang bagong silid-basahan.

C. Makatutulong ito sa mga batang naghahanap ng lugar na mapagbabasahan.

500

Ano ang pokus sa layon ng pandiwa?

A. Ang simuno ang gumagawa ng kilos.

B. Ang simuno ang tumatanggap ng kilos.

C. Ang simuno ang lugar na pinangyarihan ng kilos.

D. Ang simuno ang dahilan ng kilos.

B. Ang simuno ang tumatanggap ng kilos.

500

Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang anyo ng midya kung layunin ng isang direktor na maipakita ang pag-unlad ng mga tauhan, pagbabago ng tagpuan, at tunggalian mula sa simula hanggang sa wakas ng isang kuwento?

A. Slide show na nagpapakita ng mahahalagang larawan sa bawat bahagi ng kuwento

B. Film na gumagamit ng magkakaugnay na tagpo, diyalogo, at kilos upang mabuo ang banghay

C. Clip na nagtatampok lamang ng pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento

D. Maikling patalastas na naglalahad ng mensahe sa loob ng limitadong oras

B. Film na gumagamit ng magkakaugnay na tagpo, diyalogo, at kilos upang mabuo ang banghay

500

Aling audio ang gumagamit ng tinig upang isalaysay ang nilalaman ng balita?

A. Instrumental music

B. Recorded narration

C. Sound effect ng kampana

D. Maikling stinger


 

B. Recorded narration

M
e
n
u