Maikling Kuwento
Nobela
Sanaysay
Dula
Tula
2

Bakit naging mas malupit ang ama sa kaniyang mga anak sa gitnang parte ng kuwentong "Ang Ama"?

  1. Dahil siya ay likas na masama
  2. Dahil ayaw niyang magkaanak
  3. Dahil iniwan siya ng kaniyang asawa
  4. Dahil siya ay nalulong sa bisyo at nawalan pa ng trabaho

D. Dahil siya ay nalulong sa bisyo at nawalan pa ng trabaho

2

Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng isang nobela?

  1. Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng sariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa o isyu.
  2. Akdang pampanitikan na naglalarawan ng mas malalim na tunggalian ng mga tauhan at may mas mahabang salaysay.
  3. Ito ay uri ng panitikang may iba't ibang kabanata at mayroon lamang isang pangunahing tauhan at kakintalan.

B. Akdang pampanitikan na naglalarawan ng mas malalim na tunggalian ng mga tauhan at may mas mahabang salaysay.

2

Ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng sariling pananaw ng manunulat tungkol sa isang paksa o isyu.

  1. Dula
  2. Maikling kuwento
  3. Nobela
  4. Sanaysay

D. Sanaysay

2

Ano ang pamagat ng dula patungkol sa bagong kasal na sina Bert at Clary?

Ito Pala ang Inyo

2

Ang tula ay nagtataglay ng katangiang hindi matatagpuan sa ano mang uri ng panitikan. Ano ito?

  1. Aral
  2. Damdamin
  3. Paksa
  4. Sukat at tugma

 D. sukat at tugma

4

Kung ikaw ang nasa kalagayan ng ama, ano ang pinakawastong paraan para harapin ang pagkawala ng iyong anak?

  1. Tanggapin at subuking magbago
  2. Iwasan ang pamilya at humiwalay sa kanila
  3. Sisihin ang sarili at magpakalulong sa bisyo
  4. Iwaksi ang sakit at ipagpatuloy ang dati nang pamumuhay

A. Tanggapin at subuking magbago

4

Sino ang sumulat ng nobelang ang Timawa?

Agustin C. Fabian

4

Ano ang kabuuang nais iparating ng sanaysay na "Ang Aking Bansang Malaysia"?

  1. Nais nitong iparating ang tungkol sa kanilang kultura
  2. Nais nitong iparating ang tungkol sa kanilang tradisyon
  3. Nais nitong ipakita ang kanilang pagmamalaki sa kanilang bansa
  4. Nais nitong ipakita ang kanilang pagmamayabang sa kanilang bansa

C. Nais nitong ipakita ang kanilang pagmamalaki sa kanilang bansa

4

Ang lahat ay totoo tungkol sa Dula maliban sa isa:

  1. Uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
  2. Ito ay kuwentong ginawan ng iskrip at itinatanghal sa isang entablado.
  3. Ito ay uri ng panitikan na may suliranin at nababasa sa isang upuan lamang.
  4. Inaangkin nito ang lahat ng katangian ng umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin.

C. Ito ay uri ng panitikan na may suliranin at nababasa sa isang upuan lamang.

4

Ito ang tawag sa isang sining na ginagamit sa isang tula upang pag-isipin ang mga mambabasa sa nakatagong kahulugan nito.

  1. Denotasyom
  2. Talinhaga
  3. Tanka
  4. Ideya

B. Talinhaga

6

Isinasalaysay sa huling parte ng kuwento na nagdala ang ama ng pagkain sa puntod ng kaniyang anak na si Mui-mui. Piliin sa ibaba ang pinakaangkop at pinakamahinahong pangaral at mga salita ang maaari ninyong sabihin sa ama kung bibigyan kayo ng pagkakataong makausap siya.

  1. “Hindi mo na dapat gawin iyan dahil hindi na niya iyan makakain.”
  2. “Kung ako sa iyo ay magpapakabuti na lamang akong ama, edi sana ay buhay pa siya ngayon.”
  3. “Habang buhay ay may pag-asa kaya huwag mawawalan ng pag-asa na matatamo mo din ang iyong mga hiling.”
  4. “Bagama’t nasa huli ang pagsisisi, hindi pa rin huli ang lahat upang magpakabuti at gawin ang mga nararapat para sa iyong natitirang mga anak at asawa.”

D. “Bagama’t nasa huli ang pagsisisi, hindi pa rin huli ang lahat upang magpakabuti at gawin ang mga nararapat para sa iyong natitirang mga anak at asawa.”

6

Ano ang kahulugan ng timawa sa makabagong panahon?

Patay-gutom

6

Ano-ano ang mga parte ng isang sanaysay?

Panimula, Gitna at Wakas

6

Sa dulang Ito Pala ang Inyo, ano ang aral na maaari nating mapulot mula sa mga pangyayari?

A. Kailangang magtiis kung mahal mo ang isang tao.

B. Hindi maaaring sumama sa probinsiya kung ikaw ay taga-Maynila.

C. Ang buhay ay maikli lamang, kung kaya’t hindi tayo dapat maging magagalitin.

D. Maging tapat at kilalanin ang isang tao bago lumagay sa isang mahalagang desisyon.

D. Maging tapat at kilalanin ang isang tao bago lumagay sa isang mahalagang desisyon.

6

"Sa mga mata mong bituin, aking natagpuan ang tahanan" ano ang kahulugan ng talinhagang ito.

A. Ang pangarap ay hindi mabibilang, ang patak ng   ulan ay bumubuhos nang malakas.

B. Nasalamin niya sa kaniyang mga titig ang Kapayapaan

C. Sa bawat desisyon, may kapangyarihan tayong baguhin ang ating kapalaran.

D. Tulad ng di mabilang na patak ng ulan, ang pangarap ay walang limitasyon.

B. Nasalamin niya sa kaniyang mga titig ang Kapayapaan

8

Tukuyin kung anong uri ng isyung panlipunan ang matatagpuan sa pahayag sa ibaba: 

“…ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi umuuwi ang kanilang amang lasing at nagugulpi ng kanilang ina.”

A. Pagkalulong sa sugal                                             B. Pang-aabuso sa pamilya                                      C. Pagtatrabaho ng kabataan                                     D. Kawalan ng tiwala sa sarili

B. Pang-aabuso sa pamilya  

8

Ano ang kahulugan ng timawa noong unang panahon?

Taong namumuhay nang malaya 

8

Ito ang tawag sa paglalagay ng espasyo sa unahan ng unang linya bilang palatandaan ng pagsisimula ng isang bagong talata.

Indention

8

Paano mo magagamit nang wasto ang aral ng istorya sa iyong magiging desisyon sa hinaharap? Piliin ang lahat ng angkop na kasagutan.

A. Mas magiging tapat sa mga mahal sa buhay.

B. Mas magiging maingat sa pagpili ng magiging kapareha.

C. Hindi magmamadali sa mga mahahalagang desisyon sa buhay.

D. Mas magiging masaya na lamang sa kahit anong desisyon dahil ang buhay ay maikli lamang.

A. Mas magiging tapat sa mga mahal sa buhay.

B. Mas magiging maingat sa pagpili ng magiging kapareha.

C. Hindi magmamadali sa mga mahahalagang desisyon sa buhay.

8

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas                         At sa papawiri’y bayaang lumipad;                Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,                   At baka lagutin ng hanging malakas.

Ano ang kahulugan ng salitang nakasulat nang mariin?

A. Buhay

B. Regalo

C. Pananampalataya/ lakas nang loob

D. Ang tali ng bandila/watawat ng Pilipinas

C. Pananampalataya/ lakas nang loob

10

Kumpletuhin ang kahulugan ng isang Maikling kuwento:

Ang maikling kuwento ay isang uri ng akdang p________n na may i______g pangunahing tauhan, maigsi ang saklaw ng panahon, at m_______s na binubuo ang tunggalian at resolusyon?

Ang maikling kuwento ay isang uri ng akdang pampanitikan na may iisang pangunahing tauhan, maigsi ang saklaw ng panahon, at mabilis na binubuo ang tunggalian at resolusyon?

10

Sa anong bansa orihinal ang akdang Timawa?

Pilipinas

10

Sa parteng ito ng sanaysay ispesipikong isinasaad nang malinaw ang tungkol sa isang natatanging paksa.

Gitna/ nilalaman (body)

10

Ang elementong ito ay ang pinakakaluwa ng dula.

Iskrip

10

Ano ang tawag sa bagay na ating binibilang kapag ang pinag-uusapan ay ang sukat?

Pantig

M
e
n
u