Tukuyin ang tayutay:
Kasinglamig ng yelo ang kanyang mga kamay.
Pagtutulad (Simile)
Umuulan nang malakas. Baha na sa lansangan.
Ano ang sanhi at bunga sa pahayag na ito?
Sanhi – Umuulan nang malakas.
Bunga – Baha na sa lansangan.
Ano ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula?
Sukat
Tukuyin ang tayutay:
Siya ay leon sa tapang.
Metapora
Hindi siya kumain ng agahan. Nahilo siya sa klase.
Ano ang sanhi at bunga sa pahayag na ito?
Sanhi – Hindi siya kumain ng agahan.
Bunga – Nahilo siya sa klase
Ano ang tawag sa pagkakapareho ng tunog sa dulo ng mga taludtod?
Tugma
Anong tayutay ang nagpapakita ng pagkilos ng bagay na walang buhay?
Personipikasyon
Nalate siya sa pagpasok. Naiwan siya ng bus.
Ano ang sanhi at bunga sa pahayag na ito?
Sanhi – Nalate siya sa pagpasok.
Bunga – Naiwan siya ng bus.
Tukuyin ang sukat:
Magigiting na bayani
Lumaban sa mang-aapi
Pinakita'y Katapangan
8 pantig sa bawat taludtod
Tukuyin ang tayutay:
Tumatawa ang mga bituin sa langit.
Personipikasyon
Nakapasa siya sa pagsusulit. Nag-aral siya ng mabuti gabi-gabi.
Ano ang sanhi at bunga sa pahayag na ito?
Sanhi – Nag-aral siya ng mabuti.
Bunga – Nakapasa siya.
Tukuyin ang mga tugmang salita sa tula:
Matagal ding nakagapos
Aking lupang tinubuan
Dekadang naghihikahos
Bihag ng tampalasan
nakagapos-naghihikahos
tinubuan-tampalasan
Ibigay ang pagkakaiba ng pagtutulad at metapora gamit ang sariling halimbawa.
Pagtutulad ay gumagamit ng “parang”, “kasing-”, “gaya ng” (Hal: Parang bituin ang ngiti mo).
Metapora ay tuwirang paghahambing (Hal: Ikaw ang araw sa buhay ko).
Lumikha ng sariling sitwasyon na may malinaw na sanhi at bunga, kahit walang ginagamit na signal words.
Halimbawa:
Nabasag ang plorera. Tumakbo ang bata sa sala.
Tukuyin ilang pantig mayroon ang bawat taludtod:
Sa Perlas ng Silangan
Ako ay isinilang
Sa aking Inang Bayan
Aking Kinaingatan
7 pantig sa bawat taludtod