Ano ang dalawang uri ng akdang tuluyan?
NARATIBO AT EKSPOSITORI
Magkaiba ang nilalaman ng naratibo at ekspositori. Anong uri ng babasahin ang mayroon sa naratibo?
KWENTO O ISTORYA
Magkaiba ang nilalaman ng naratibo at ekspositori. Anong uri ng babasahin ang mayroon sa ekspositori?
IMPORMASYON AT DATOS
Pinakamainam gamiting grapikong pantulong kapag may pagbabago o paghahambing ng mga porsyento o numero ng mga kategorya.
GRAP
Uri ng akdang naratibo na ang mga tauhang gumaganap ay pawang mga hayop na nagbibigay aral sa mambabasa.
PABULA
Ano ang isa pang tawag sa mga akdang tuluyan?
PROSA
Anong uri ng naratibo ang pinagbibidahan ng karakter na si Juan Posong?
KWENTONG-POSONG
Uri ng akdang ekspositori na nagpapangkat o grupo ng impormasyon.
PAG-UURI
Ipaliwanag kung ano ang mga grapikong pantulong.
biswal na kagamitang nagpapadali at nagpapabilis ng pagkaunawa sa imposmasyong binabasa
Uri ng naratibo na ang layon ay itanghal sa harap ng manonood.
DULA
Kung ang estruktura ng tula ay gumagamit ng mga taludtod at saknong, ano naman ang ginagamit sa mga akdang tuluyan?
PANGUNGUSAP AT TALATA
Elemento ng naratibo na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang kwento.
BANGHAY
Ang mga sumusunod ay mga uri ng akdang ekspositori MALIBAN SA...?
A. Argumento B. Pag-uuri
C. Depinisyon D. Problema at Solusyon
ARGUMENTO
Ibigay ang pagkakaiba sa paggamit ng timeline at flowchart.
TIMELINE - PARA SA PANAHON O PETSA
FLOWCHART - PARA SA PROSESO O HAKBANG
Mga akdang pinagbibidahan ng mga diyos at diyosa tungkol sa pinagmulan ng daigdig.
MITO
Masining na paraan ng paggamit ng wika upang maging mas malinaw at makulay ang pagpapahayag.
TAYUTAY
Ito ay isang modelong nagpapakita ng daloy ng banghay at nagsasaad ng mga parte nito.
FREYTAG'S PYRAMID
Nasa anong uri ng ekspositori ang paksang ito: Klima vs. Panahon?
Ipaliwanag kung paano ginagamit ang FISHBONE CHART
naglalahad ng mga suliranin na kadalasang isinusulat sa ulo ng isda, at mga lunas o solusyong ikinakabit naman sa tinik ng dayagram.
Ibahagi ang istorya ng Alamat ng Chocolate Hills.
Ang mga burol sa Bohol ay nabuo mula sa mga tipak ng bato na ibinato ng dalawang higanteng nag-away at nagbatuhan dahil sa matinding galit.
Ibigay ang apat na uri ng panauhan.
IKALAWANG PANAUHAN
LIMITADONG IKATLONG PANAUHAN
OMNISYENTENG IKATLONG PANAUHAN
Ibigay ang apat na uri ng tunggalian.
TAO LABAN SA TAO
TAO LABAN SA SARILI
TAO LABAN SA LIPUNAN
TAO LABAN SA KALIKASAN
Nasa anong uri ng ekspositori ang paksang ito: ANG WATER CYCLE?"
Pagsusunod-sunod
Anong grapikong pantulong ang mainam gamitin para sa paksang ito: Paano bumoto sa Pilipinas?
FLOWCHART
PARSA
PARODYA
KOMEDYA
MELODRAMA
TRAHEDYA