Ito ay isang maikling uri ng tula na nagtataglay ng kasiningan at siksik sa nilalaman na sumibol pa mula sa mga Hapon.
Tanka at Haiku
Ito ay bunga ng isang kathang-isip at mapapangkat sa uri ng panitikan na kung saan ang mga hayop o ang mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
Pabula
Ito ay mga salita/pariralang ginagamit upang mas mabigyan ng misteryo/ lalim ang isang tula.
matatalinhagang salita
Ilan ang kabuuang pantig sa isang saknong ng isang tanka?
31
Ano ang pangunahing layunin ng isang maikling kuwento?
A. Maglahad ng isang mahaba at detalyadong kasaysayan.
B. Magbigay ng mabilis at malinaw na kuwento na may aral o tema.
C. Magturo ng mga teknikal na kaalaman sa mga tagapakinig/mambabasa.
D. Maglaman ng maraming tauhan, tagpuan at mga komplikadong balangkas.
B. Magbigay ng mabilis at malinaw na kuwento na may aral o tema.Magbigay ng mabilis at malinaw na kuwento na may aral o tema.
Sa bansang ito orihinal na nagmula ang kuwentong Niyebeng Itim.
Tsina
Sino ang sumulat sa Niyebeng Itim?
Liu Heng
Sino ang nagsalin sa Filipino ng Niyebeng Itim?
Galileo Zafra
Ito ay uri ng tula na mahigpit na sumusunod sa sukat at tugma.
Tradisyunal na tula
Sino sa mga tauhan sa pabulang Ang Hatol ng Kuneho ang maituturing na isang mapanlinlang at walang isang salita?
Tigre
Itinuturing na pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika.
Ponema
Ito ay ang pagtaas at pagbaba ng pagbigkas sa pagsasalita na nakaaapekto sa kahulugan ng pahayag.
Tono
“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito. Kung tutulungan mo ako, hindi kita makakalimutan habambuhay!” Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?
A. Nagagalit
B. Nagsusumamo
C. Nagtatampo
D. Nasisiyahan
B. Nagsusumamo
Ito ay uri ng ponemang suprasegmental na nakatuon sa saglit na paghinto sa pagsasalita sa loob ng pangungusap na nakaaapekto sa kahulugan ng isang pahayag.
Ito ay uri ng sulatin na binubuo ng mga taludturan at saknong.
Tula
Ano ang madalas na paksain ng isang tanka at haiku?
pag-ibig at kalikasan
Habang walang-wala pa ay matuto kang mamaluktot. Ano ang kahulugan ng pariralang nakasulat nang mariin?
magtiis
Ano ang kahulugan ng pagsikat ng araw sa mga tanka ng hapon?
bagong pag-asa
Ano ang paksa/tema ng kuwentong Niyebeng Itim?
A. tungkol sa isang makasalanan
B. tungkol sa isang lalaking tsino na isang negosyante
C. tungkol sa pagsisimulang muli ng isang dating bilanggo
D. tungkol sap ag-iisip ng iba’t ibang paraan kung paano kikita ng pera.
C. tungkol sa pagsisimulang muli ng isang dating bilanggo
Bakit mahalagang pag-aralan ang ponemang suprasegmental? Piliin ang pinakawastong sagot.
A. Upang gawing mahirap basahin ang tula.
B. Upang magmukhang mas mahaba ang tula.
C. Upang maiwasan ang paggamit ng karaniwang salita.
D. Upang maipahayag ang damdamin at mensahe nang mas malalim at malikhaing paraan.
D. Upang maipahayag ang damdamin at mensahe nang mas malalim at malikhaing paraan.