Salita
Ano ang tawag sa salitang binubuo ng salitang-ugat lamang?
Payak
Ano ang pangngalan?
Pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari
Ano ang pang-uri?
Naglalarawan sa pangngalan o panghalip
Tatlong aspekto ng pandiwa?
Perpektibo, Imperpektibo, Kontemplatibo
Ano ang pang-abay?
Nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay
Alin sa mga sumusunod ang tambalang salita? bahay-kubo, masaya, kabundukan
Bahay-kubo
Dalawang pangunahing uri ng pangngalan?
Pantangi at Pambalana
Tatlong kaantasan ng pang-uri?
Lantay, Pahambing, Pasukdol
“Kumain ako kanina.” – Anong aspekto?
Perpektibo
“Nang mabilis” – anong uri ng pang-abay ito?
Pamaraan
Ano ang tawag sa salitang nilapian o may panlapi?
Maylapi
Guro – Pantangi o Pambalana?
Pambalana
Anong kaantasan ng pang-uri ang “Mas matalino siya.”
Pahambing
Kilos na hindi pa nasisimulan?
Kontemplatibo
"Bukas" - anong uri ng pang-abay ito?
Pamanahon
Anong kayarian ng salita ang “pinagsumikapan”?
Maylapi
Pag-ibig – Tahas o Basal?
Basal
Alin ang hindi pang-uri: malaki, mabilis, bahay, matapang?
Bahay
Halimbawa: Naglakad ako kahapon sa parke.
perpektibo
Tatlong uri ng pang-abay?
Pamanahon, Panlunan, Pamaraan
Anong kayarian ng salita ang "BATA"
Payak
Apat na uri ng Pangngalan
Pantangi, Pambala, Tahas (Kongreto), Basal ('di-kongkreto)
Alin ang hindi pang-uri: paaralan, malawak, mas mahigpit, pinakamabango
paaralan
Ano ang pandiwa?
Salitang kilos o galaw
Alin ang hindi pang-abay na panlunan: palengke, bahay, parke, laruan
laruan