Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay turing sa mga pangngalan o panghalip.
Ano ang pang-uri?
Siya ang sumulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo at siya ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Sino si Dr. Jose Rizal?
Isang dekuryenteng palamuti tuwing Pasko na may iba’t ibang kulay ng liwanag. Ikinakabit ito sa bintana.
Ano ang parol?
Ito ay isa sa mga kaaya-aya at mahahalagang bulkan sa Pilipinas dahil sa kanyang perpektong hugis kono.
Saan ang Bulkang Mayon?
Isang katangitanging kaugalian ng mga Pilipino na sagisag ng paggalang.
Ano ang pagmamano?
Salitang nagsasaad ng kilos o galaw ng tao, hayop o bagay. Binubuo ito ng salitangugat at panlapi.
Ano ang pandiwa?
Siya ay tinawag na La Generala o Joan of Arc ng Ilocandia na nagpatuloy sa kilusang inumpisahan ng asawa niya.
Sino si Gabriella Silang?
Ito ang pinakatanyag na isport sa Pilipinas na nilalaro sa parehong propesyonal at di –propesyonal na antas.
Ano ang basketbol?
Ito ang pinakamatandang lungsod ng Pilipinas at unang pinagsimulan ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Saan ang Cebu?
Malaking pagdiriwang na kaugaliang pangrelihiyon na ginaganap sa bawat bayan ng Pilipinas taontaon.
Ano ang pista?
Ito ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pagkain o pangyayari.
Ano ang pangngalan?
Siya ang Supremo ng Kataas-taasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan at inawag na Ama ng Rebolusyon ng Pilipinas.
Sino si Andrés Bonifacio?
Ang watawat ng Pilipinas ay binubuo ng tatlong kulay na simbolo ng kalayaan, kapayapaan at kagitingan.
Ano ang puti, asul at pula?
Ang dalampasigang ito ay puti ang buhangin. Maraming pumupuntang turista dito.
Saan ang Boracay?
Mga salitang sagisag ng paggalang sa mga nakakatanda, katumbas ng “Sir” o “Madam.”
Ano ang “po” o “ho”?