Ito ang mobile phone area code ng Pilipinas
63
Ito ang pangyayari kung saan dumadagdag ng isang taon ang edad ng isang tao.
Kaarawan
Siya ang may-akda ng mga sikat na libro tulad ng ABNKKBSNPLAko?!, Stainless Longganisa, at Ang Paboritong Libro ni Hudas.
Bob Ong
Isa pang tawag sa Metro Manila
NCR
Ito ang MRT station na bababaan mo kung gusto mo manood ng concert o ng basketball game sa Araneta Coliseum
Cubao
Ito ang hotline number ng Bantay-Bata
163
Isa pang tawag sa berde
Luntian
Ikaw ay magiging ganito kapag napatakan ka ng tae ng Ibong Adarna
Bato
Kilala ang kumpanyang ito dahil sa kanilang mas murang alternatibo sa mga sikat na tatak ng toothpaste, floor wax, bath soap, atbp. Madalas mong maririnig ang kanilang commercial jingles sa radyo at telebisyon.
ACS
Ito ang tawag sa gawain ng hindi pagbabayad sa pagsakay ng dyip
123
Ang bilang ng sinag ng araw na makikita sa watawat ng Pilipinas
8
Isang klase ng debate kung saan ginagamitan ng pagtutugma ang mga salita at berso.
Balagtasan
Bapor Tabo
Isang asosasyong pang-atletiko na itinaguyod ng ilan sa mga pinakasikat na pamantasan sa Pilipinas.
UAAP
Ito ang pariralang madalas mong makikita na naka-paskil sa mga pampublikong sasakyan
Barya lang sa umaga
Ito ang bilang ng taon ng pinakamalupit na hataw ng pagkakakulong sa Pilipinas.
40
Isa pang tawag sa matematika
Sipnayan
Ang kaharian kung saan ginanap ang Ibong Adarna
Berbanya
Ang katumbas ng DepEd para sa mga unibersidad at kolehiyo
CHED
Ito ang expressway na may sariling team sa PBA
NLEX
Ito ang bilang ng beses na binanggit ni Sarah Geronimo ang salitang "ikot" sa kanyang kanta na Ikot-ikot.
104
Isang parte ng ibon na madalas iniihaw o kaya naman ay inilalagay sa sinampalukang manok. Madalas itong ipinapares sa atay.
Balunbalunan
Ang tawag sa dalawang uri ng inuming inihahain ni Padre Salvi sa kanyang mga bisita
Tsokolate eh at Tsokolate ah
Kapag bumisita ang organisasyon na ito sa iyong paaralan, tiyak na biglang lilinis ang paligid, biglang magtuturo ng maayos ang mga guro, at biglang babait ang lahat ng mga tao.
PAASCU
Ito ang dalawang istasyon na nag ko-konekta sa LRT-1 at LRT-2 line.
Doroteo Jose at Recto