INTELEKTWALISASYON NG WIKANG FILIPINO SA LARANGANG SIYENTIPKO-TEKNIKAL
RANDOM
FILIPINO BILANG WIKA NG PAGTUTURO AT PANANALIKSIK
RANDOM
PROSESO, LAYON, AT HALAGA NG PAGSASALING SIYENTIPIKO AT TEKNIKAL
20

Ito ay ang pagpaksa ng mga ideya sa pinakamataas na level sa akademya

Ano ang intelektwalisasyon?

20

Luis Gatmaitan

Siya ay kilalang-kilala sa larangan ng pagsulat ng kuwentong pambata at isang doktor ng medisina.

20

1.    kaalaman ng guro kung ano ang itinuturo,

2.    kaalaman niya kung paano sasabihin, at

3.    kung maiintindihan ng  mga estudyante ang kanyang sinasabi 

Ano ang tatlong mahahalagang bagay ang maiiugnay sa makabuluhang pagtuturo ng anumang kaalaman ayon kay Hornedo (2001)?

20

Sa controlling domain o napakahalagang larang ng paggamit ng wika.

Sa ano nakatuon ang intelektuwalisasyon ng wika?

20

Ang pagsasaling teknikal at siyentipiko at ang pagsasaling pampanitikan. Sa unang nabanggit na uri, kasama dito ang mga pagsasalin ng pormal na sanaysay, feature articles, agham panlipunan, tekstong pambatas, disiplinang akademiko at mga katulad na larangan. Sinasabi naman na karaniwang ang siyensiyang pangkalikasan, at teknolohiya ang isinasalin sa mga siyentipiko at teknikal na pagsasalin.Ang pagsasaling siyentipiko at teknikal ay maaaring makita sa mga inisyatibang pagsasalin sa iba’t ibang larangan.

Ano ang dalawang uri ng erya ng pagsasalin ayon sa mga iskolar?

30

  Sa pamamagitan ng tatlong prosesong ito: ang pagsasalin, pagtuturo gamit ang Filipino, at pagbuo ng mga aklat.

Paano napapadali ang proseso ng intelektuwalisasyon ng Filipino sa akademya na tumutukoy na din sa mga ispesipikong larangan?
30

This is a lucky Jeopardy Title!

Claim your points! You are so lucky!
30

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod  at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

Ano ang isinasaad ng Artikulo XIV ng konstitusyong 1987 Seksyon 6 ng Pilipinas?

30

Ang karanasan ni Rosemary Seva.

Ano ang isang patunay na maging sa inhinyeriya ay magagamit din ang Filipino?

30

1.  Saling-angkat (direct borrowing);

2.    Saling-paimbabaw (surface assimilation);

3.    Saling-panggramatika (grammatical translation);

4.    Saling-hiram (loan translation);

5.    Saling-likha (word invention);

6.    Saling-daglat (abbreviated word);

7.    Saling-tapat (parallel translation);

8.    Saling-taal (indigenous-concept oriented translation); at

9.    Saling-sanib (amalgamated translation).

Ano-ano ang mga pamamaraan sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ang nabanggit sa pag-aaral nina Enriquez at Protacio-Marcelino (1984) na may pamagat na “Neocolonial Politics and Language Struggles in the Philippines.” ?

40

Matematika Para sa Pangkalahatang Edukasyon nina Jaime Caro,et. Al, at nina Jesusa Tangco et.al, Batayang Alhebra nina Myrna Bernardo et.al, at Heometriya nina Ronaldo San Jose et.al.

Magbigay ng ilang halimbawa ng mga aklat sa larangang matematika na nailimbag sa Filipino.

40

Kung maisasalin lamang sa wikang mas mauunawaan ng mga mamamayan ang mga teknikal at siyentipikong dokumento upang magamit sa pag-aaral ng iba’t ibang kaalaman

Paano mas tataas ang antas ng kasanayan ng mga estudyante at higit na magiging maunlad ang disiplinang kanilang kinabibilangan?

40

Dahil sa kanyang galing sa pagtuturo ng Kemistri,  madalas siayng maimbitahang tagapagsalita sa mga pambansang forum ukol sa paggamit ng Filipino sa Pagtuturo ng Agham.

Paano tumatak si Dr. Fortunato Sevilla ng Unibersidad ng Santo Tomas sa maraming kwento ng paggamit ng Filipino sa Pagtuturo?

40

Ito ang kinukuha ng mga wala nang balak pang magkolehiyo o ng mga estudyanteng di kayang tustusan ang pag-aaral. Dumami rin ang mga ganitong eskuwelahan sapagkat inendorso ng TESDA ang technical skills advancement para anila sa madaling paghahanap ng trabaho at mas mataas na kita sa loob man o sa labas ng bansa.

Ano ang Tekniko-bokasyunal na strand sa sistemang K-12?

40

May tatlong ginagamit na modelo sa pagsasalin sa mga katawagang pang-agham at panteknolohiya. Ang mga ito ay paraang maugnayin, ang paghiram na hindi binabago ang tunog at anyo ng orihinal na Ingles, at ang panghihiram na pinadaraan sa tuntuning paabakada ang salitang Ingles.

Sa diskurso sa mga estratehiya ng pagsasalin sa agham at ibang makabagong larangan ni Almario noong 1997, ano ang kanyang nabanggit?
50

Sa prosesong lingguwistiko, kabilang ang pagdebelop ng isang estandardisadong anyo ng wika na magagamit naman sa pagdedebelop ng akademikong diskurso; pagdebelop ng korpora o lawas ng teksto sa iba’t ibang akademikong larang; at pagbuo ng register ng wika o ang tangi at tiyak na gamit ng wika sa isang larang (Gonzales, 2002).  Kabilang naman sa mga ekstra-lingguwistikong proseso ang pagbuo ng creative minority o significant others o mga intelektuwal na disipulo na magsisimulang gumamit ng mga teknikal na bokabularyo, terminolohiya, at ng estilo o retorika, at magpapalaganap nito sa pamamagitan ng pagsulat, paglalathala, at pagtuturo. Ang pagbuo ng isang patakarang pangwika ay tunay ring makabuluhan at malaking tulong sa intelektuwalisasyon ng wika (Zafra, 2003).

Bigyang kahulugan ang dalawang proseso ng intelektuwalisasyon ng wika sa larangan ng akademya. 

50

Makikitaan ng laganap at matagumpay na paggamit ng Filipino sa mga pagsasanay sa pagkabarista, hotel and restaurant services, welding, computer repair and servicing, cookery, housekeeping, at iba pa. At dahil dito, madaling nagkakaroon ng kasanayan sa napiling larangan ang mga estudyante.

Ano ang mga senyales na epektibo ang paggamit ng akmang wika upang mas lubos ang pagkatuto sa isang kasanayan?

50

Prof. Earl Sumile

Siya ay kilala sa kolehiyo ng Nursing sa UST bilang isa sa mga tagapagtaguyod ng Filipino na gamit nya din sa pagtuturo.

50

This is a lucky Jeopardy Title!

Claim your points! Congrats!

50

Ayon sa kaniya, ang tekstong siyentipiko ay nagpapakita ng pagiging makatuwiran; katiyakan; katotohanan sa partikular na realidad; heneralisasyon; kahulugang reperensiyal; denotasyon; leksikal na paglalapi; madalang ang mga idyomatikong pahayag; paggamit ng mga daglat, akronim, at register; may karaniwang ekspresyon; paggamit ng terminolohiyang siyentipiko, espesyalisadong item at pormula; at hindi gumagamit ng matatalinhagang salita (2006).

Ano ang binigyang diin ng batikang linggwista at tagasalin na si A.R.A Al-Hassnawi na dapat tandaan kapag nagsasalin ng katulad na teksto?

100

Ang Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas.

Saan at sino ang naglimbag ng mga aklat na tumatalakay sa biolohiya, pisika, at kemestri?

100

Kung ikaw ang tatanungin, mahalaga ba ang wikang Filipino sa pag-aaral? Paano at bakit?

Sariling sagot po dito.

100

1.    Upang hindi na mahirapan pa habang wala pang salin sa Filipino ang mga termino, angkinin na lamang ito nang buo.

2.    Kailangan sanang may magsulat ng mga aklat sa inhinyeriya na naka Filipino.

3.    Hikayatin ang mga guro na gumawa ng mga pananaliksik sa wikang Filipino.

Ano-ano ang mga mahahalagang mungkahi ni Seva (2018) upang mapalawak at mapaigting ang paggamit ng Filipino sa larangan?

100

Ang akademya ay nagsasagawa ng mga pananaliksik na may tuon sa iba’t ibang larangan kasama na ang siyensya, matematika, teknolohiya, at iba pa na pangunahing gamit na wika ang Filipino. Ang mga journal tulad ng Malay, Hasaan, at Daluyan ay ilan lamang sa mga interdisiplinaryong journal na naglalathala ng mga pananaliksik sa Filipino. Inaasahan din kung gayon na kahit ang mga diskurso at transaksyong propesyonal sa mga larang na ito ay naisasagawa na rin sa Filipino.

Ano ang patunay na tumataas na ang antas ng intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan?


100

1.    Pagtutumbas mula Tagalog/Pilipino o mula sa katutubong wika ng Pilipinas

2.    Panghihiram sa Español

3.    Panghihiram sa Ingles: pagbabago sa baybay o pananatili ng orihinal na baybay sa Ingles.

4.    Paglikha

Ano ang inililahad ni Almario sa mga panukalang hakbang sa pagsasalin na ayon sa praktika ng Unibersidad ng Pilipinas?

M
e
n
u