Ito ang Pambansang Wika ng Pilipinas.
Filipino
Ito ay paggamit ng wikang Filipino upang makapagpahayag, makapagpaliwanag, makapagbahagi ng mensahe, at makabuo ng ugnayan sa iba.
Komunikatibong Filipino
Tumutukoy ito sa bahagi o gampanin ng wika sa pagbuo, pagpapakahulugan, at pagpapalaganap ng sining at disenyo.
Espasyo ng Wika
Ito ay tradisyunal na pagtatato ng mga katutubo, lalo na sa Kalinga.
Pagbabatok o pagbabatuk
Ito ay grapikong midyum na gumagamit ng salita at larawan upang magkuwento. Dito sumikat si Darna, Captain Barbel, Lastikman at iba pa.
Komiks
Barayti ng wika na nalikikha ng dimensyong heograpiko. Wikang ginagamit ng isang rehiyon, pook o lugar
dayalek/dialect
Ito ay tumutukoy sa mga tradisyon, paniniwala, kaugalian, at pagpapahalaga ng isang pamayanan.
Kultura
Ito ang dalubhasang nagbigay-diin sa halaga ng panitikang nakaugat sa wikang bernakular.
Bienvenido Lumbera
Ito ay kalipunan ng mga akdang pasulat o pasalita na nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at kultura.
Literatura
Saan matatagpuan ang MacArthur Shrine?
Ano-ano ang mga opisyal na wika ng Pilipinas?
English at Filipino
Ito ang gamit ng Filipino upang ipakilala ang sining sa mas maraming tao.
Pagpapalaganap ng Sining
Ang ___________ ay malikhaing paraan ng pagpapahayag ng damdamin, ideya, karanasan, kultura, o pananaw ng tao. Layunin nitong magbigay-kahulugan, magpahayag ng mensahe, at magpukaw ng damdamin o pag-iisip ng manonood.
Sining
Ito ay akda ni Francisco Balagtas na gumamit ng matalinghagang Tagalog.
Florante at Laura
Ito ay simbolo ng Unibersidad ng Pilipinas na nagpapahiwatig ng pag-aalay ng sarili sa bayan.
UP Oblation
Ito ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura sa kanilang pakikipagtalastasan
Wika/Lenguahe
Ito ang larangan kung saan mahalaga ang ganda ng likha at linaw ng mensahe.
Sining at Disenyo
Ito ay pagpapahid ng pintura, watercolor, o langis sa canvas o papel.
Pagpipinta
Siya ang kilalang mambabatok mula sa Buscalan, Kalinga.
Apo Whang-Od
Ito ay sining na gumagamit ng radyo, telebisyon, podcast, livestream, at social media platforms.
Sining Pambrodkast
Paano nagkakaiba-iba ang mga diyalekto ng isang wika? Magbigay ng kahit isang pagkakaiba.
Sa punto at tono ng pagsasalita, mga salitang ginagamit.
Ito ang pangunahing ideya o layunin ng isang likhang-sining.
Mensahe
Ang ____________ ay malikhaing pagbuo o pagsasaayos ng bagay, larawan, espasyo, o produkto upang maging maayos, malinaw, kaaya-aya, at kapaki-pakinabang. Karaniwan itong may tiyak na gamit o layunin, tulad ng pagpapaliwanag, panghihikayat, pag-aayos, o pagbibigay-solusyon.
Disenyo
Ito ay sining na gumagamit ng diyalogo, kilos, tinig, ekspresyon, musika, ilaw, at katahimikan.
Sining Panteatro
Ano ang sinisimbulo ng Bahay-Kubo?