Ibigay ang tatlong dahilan kung bakit tayo sumusulat.
libangan, matugunan ang pangangailangan, pagtugon sa bokasyon o hanapbuhay
Ano ang pictorial essay?
isang uri ng akademikong sulatin kung saan higit na nakararami ang mga larawan kaysa sa salita o panulat
Ito ang listahan ng mga tatalakayin sa pulong.
Adyenda o agenda.
Ibigay ang kahulugan ng panukalang proyekto.
Ito ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa isang komunidad o samahan.
Ano ang dapat na maging pokus ng replektibong sanaysay?
Mga bulay-bulay, komentaryo sa buhay, o introspeksiyon.
Ibigay ang tatlong layunin ng pagsulat.
Impormatibong Pagsulat, Mapanghikayat na Pagsulat, Malikhaing Pagsulat
Nangangailangan ba ng pagkakasunod-sunod ang pictorial essay? Oo o hindi at pangatuwiranan.
Oo, sapagkat ito ay nagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng isang pangyayari sa pamamagitan ng mga larawan.
Magbigay ng isang kahalagahan ng adyenda.
Nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad. Nagsisilbing talaan o tseklist. Matalinong paggamit ng oras.
Ibigay ang tatlong (3) mahahalagang bahagi ng panukalang proyekto.
Anong panauhan ang ginagamit sa pagsulat ng replektibong sanaysay?
unang panauhan
Magbigay ng tatlong gamit o pangangailangan sa pagsulat.
Wika, Paksa,Layunin, Pamamaraan ng pagsulat, Kasanayang pampag-iisip, Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat, Kasanayan sa paghabi ng buong salita
Ano ang layunin ng pictorial essay?
Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Ibigay ang kahulugan ng katitikan ng pulong ayon kina Mangahis, Villanueva (2015)
Ito ay nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay ang katitikan ng pulong.
Ibigay ang kahulugan ng "E" sa acronym na SIMPLE para sa layunin.
Evaluable
Ano ang dalawang uri o anyo ng sanaysay?
pormal at impormal
Ibigay ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat.
obhetibo, pormal, maliwanag at organisado, may paninindigan, may pananagutan
Saan dapat nakabatay ang pipiliing paksa?
interes
Dito inilalagay o binabanggit ang mga paksang wala sa adyenda.
Pabalita o patalastas
Dito itinatala ang mga gagastusin sa panukalang proyekto.
Badyet o katawan ng panukalang proyekto
Sino ang nagpahayag na "Ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari."
Kori Morgan
Ilang oras sa isang linggo ang iginugugol ng mga karaniwang tao sa isang linggo?
13 oras
Anong mga aspekto ng mga larawan ang dapat isaalang-alang?
5.Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw.
Ano ang susi ng isang matagumpay na samahan?
Komunikasyon
Ano ang unang dapat gawin sa pagbuo ng panukalang proyekto?
Magmasid sa pamayanan o kompanya
Ibigay ang pagkakaiba ng pormal at impormal na sanaysay.
Pormal - mabigat ang paksa at nangangailangan ng mga obhetibong datos sa pagpapatibay ng repleksiyon.
Impormal - magaan ang paksa at maaaring gamiting pagpapatibay ang mga personal na karanasan o karanasan ng ibang tao sa pagpapatibay ng repleksiyon.