MGA ESTRAKTURA NG WIKA SA LIPUNANAN
ANG KULTURANG PILIPINO
1

Ano ang taglay ng wikang idyolek  at

Ano ang konseptong taboo?

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang may-akda, taglay ng  wikang  ito  ang  pansariling  katangian  sapagkat persona  ang  paggamit  nito. Ang idyolek ay ang natatangi at espisipikong paraan  ng  pagsasalita  ng isang  tao.


Ang taboo ay isang konsepto na ginamit upang sumangguni sa lahat ng bagay na, ayon sa mga kombensyang panlipunan, paniniwala sa relihiyon o pamahiin lamang, ay itinuturing na ipinagbabawal . Dahil dito, ang salitang Polynesian ay nagmula sa "bawal", na nangangahulugang 'ipinagbabawal'.

1

Kahulugan ng Kultura? at Ano ang mga T'Boli?

Aktibidad ng sangkatauhan, kaparaan ng mga tao sa buhay, ibig sabihin ang paraan kung paano gawin ang mga bagay. 


Isang tribo na nakilala sa mga makulay na pananamit kilala rin na "Tao Belil" ang ibig sabihin ay Taong nakatira sa Bundok. Ang pamumuhay ng mga T'boli ay pangangaso at pangingisda, Naninirahan po sila sa maburol na parte ng South Cotabato at malapit din sa lawa ng Cebu.


2

Bakit nabuo ang salitang yufemismo? at Ano ang speech community? 

Dahil sa pag dating ng mga salitang taboo o ideyang taboo na siyang nag hikayat sa pag buo ng yufemismo.


Ito ay isang lipunan na binubuo ng marami at iba’t ibang pangkat ng mga tao na may kaniya- kanyang mga gawi at pag-uugali. May kaugnayan dito ang binanggit nina Zalzmann,Stanlaw at Adachi (2012) na walang kultura sa isang lipunan na pareho sa lahat ng mga miyembro nito.


2

Anong lugar ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng maranao? at Anong ang pangunahing hanap buhay ng mga tausog?  

Ang marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng maranao.

 

Ang mga Tausug na nakatira malapit sa dagat ay mga mangingisda, at magsasaka naman ang mga nasa loobang bahagi. Naninisid ng perlas na kanilang ipinangpapalit ng tanso at bakal sa mga taga Borneo at ng pagkain sa mga magsasaka. Ang kalakalang ito ang nagdala ng Islam sa Sulu. 

3

Ano ang Lengua Franca, Pidgin at Creole ? at

Ano ang pag-kakaiba ng bilingwalisko at multilinggwalismo?

Lengua Franca o kilala bilang Bridge language at trade language sa salitang English. Ito ay nag sisilbing tulay upang magkaroon ng ugnayan ang mga individual na hindi magkakatulad ang unang salita o mother touge. Pidgin - Ang Pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na "nobody's native language" o katutubong wikang do pag-aari ninuman. Creole- Ang Creole ay isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika ng partikular na lugar.


Ang bilingwalismo ay ang pantay na kakayanhang umintindi at mag salita ng dalawang mag-kaibang wika. Ang sino mang bilingwal ay maaring makipag-usap sa sino mang nagmula sa bansang pinanggalingan ng kanyang alam na lengwahe.


Ang Multingguwaslismo ay tumutukoy sa kakayahang ng isang tao o individual na makaunawa at makapagsalita ng iba't-ibang wika.

3

 Ano nga ba ang pangunahing hanap buhay ng mga badjao? at Saan matatagpuan ang mga subanen?

Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa din sila ng mga Vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Karamihan sa mga Badjao ay mga Muslim.


Ang mga Subanen ay matatagpuan sa kabundukan ng Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Kayumanggi ang kanilang kulay at may makapal at maitim na buhok. Naniniwala sila na sa iisang ninuno lang sila nagmula. 

 

4

Ano ano ang limang tungkulin ng wika sa lipunan? at Ano ang kahalagahan na ginagampanan ng wikang Filipino?

 GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN  

  Nagbigay si Geoffrey Leech (Essays UK, November 2013) ng limang tungkulin ng wika sa lipunan ;  

 1. Nagbibigay-kaalaman  

 2. Nagpapakilala/ Ekspresib  

 3. Nagtuturo / Direktib 

  4. Estetika/ Aesthetic  

 5. Nag-eengganyo /Phatic 


ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA LIPUNANG FILIPINO 

Ang kahalagahan ng ginagampanan ng wikang filipino ay ginagamit natin ito sa pang araw araw pakikipag interaksyon at pakikipag komunikeyt sa ating kapwa.

1. Binibigkis ng wikang Filipino ang mga Pilipino .  

2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino.   

3. Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino.  

4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino.   

5. Sinisimbolo ng wikang Filipino ang pagka-Pilipino 

4

Sa anong larangan kilala ang ankan  ng mga BAGOBO?

Sa mangyan naman, Ano ang kanilang natatanging panitikan na kanilang napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan at sa mga lukas o lalagyan ng nganga?


Sa angkan ng mga YAKAN maaari ba sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa?

Ang mga Bagobo ay kilala sa kanilang kasanayan sa larangan ng  pagbuo ng kagamitang gawa sa metal (metal-crafts), lalo na sa sinaunang proseso sa pagtunaw ng tanso upang  gawing armas, na sinasabing pinakamahusay na crafted ornate tradition sa larangan ng metal-crafting. 

Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong mata at katamtaman ang tangkad. May iba’t ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.

Hindi. Pero pwede daw sa magpinsang buo.

M
e
n
u