Bokabularyo pt 1
Bokabularyo pt 2
Makangalan, Makauri, Makadiwa
Uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa pt 1
Uri ng pangungusap na walang tiyak na paksa pt 2
500

Ang bata ay may wangis ng kanyang ina, lalo na sa mga mata.

a. anyo
b. ugali
c. kilos
d. boses  

a. anyo

500

(x2 kapag may mahabang buhok)

Noong unang panahon sa Bisayas, ang isang oripon ay nagsisilbi sa kanyang amo bilang bahagi ng lipunan.
a. alipin
b. ilustrado
c. indio
d. suwail

a. alipin

500

Ipinaglaban ng mga bayani ang ating kalayaan laban sa mga mananakop.

Ipinaglaban → (MAKADIWA)

  • Panlaping ipinag- ay ginagamit sa pandiwa (ginawa para sa iba o sanhi). → MAKADIWA

500

May natitirang isang upuan sa harapan, maupo ka na roon.

Eksistensyal – gumamit ng salitang may na nagpapakita ng pag-iral o pag-eksistensya.

500

Aray! Ang sakit ng tinik na tumusok sa aking paa.

Padamdam – matinding damdamin na may padamdam na salita (Aray!).

600

(x2 kapag may relo)

Mula sa mataas na gusali, nakatunghay ang guro sa nagaganap na palaro sa ibaba.


a. nakatingin mula sa itaas
b. nakikilahok
c. nagtatago
d. naglalakad

a. nakatingin mula sa itaas

600

Nalambungan ng makapal na ulap ang buwan kaya’t hindi ito makita nang maliwanag.
a. naglaho
b. natakpan
c. nagniningning
d. nabasag

b. natakpan

600

Ang kanyang kabaitan ang nagbigay ng pag-asa sa mga taong nawawalan ng tiwala sa iba.

Kabaitan → (MAKAURI)

  • Panlaping ka- -an ay bumubuo ng pangngalan mula sa pang-uri (bait → kabaitan). → MU

600

Hoy, Pedro! Dito ka lumapit sandali.

Panawag – tuwirang pagtawag o pag-akay ng atensyon.

600

Magandang umaga, Gng. Reyes!

Pambating Panlipunan – pagbati o pakikipagkapwa (Magandang umaga).

700

Sa kaibuturan ng kanyang puso, nagnanais siya ng tunay na kapayapaan. 

a. kalaliman
b. kababawan
c. kalapitan
d. kahirapan

a. kalaliman

700

(x2 ang bawas kapag mali)

Ang pagdiriwang ng kalilang sa mga Maranao ay nagpapakita ng kanilang mayamang kultura at tradisyon. 

a. pagsasama
b. pagtatalo
c. saya
d. pagdiriwang

d. pagdiriwang

700

Ang kanyang ikaapat na pagtatangka ang nagbigay sa kanya ng tagumpay.

Ikaapat → MAKAURI

  • Panlaping ika- ay bumubuo ng pang-uri na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod (apat → ikaapat). → MU

700

Umulan nang malakas kaninang madaling araw kaya’t bumaha sa ilang kalsada.

Penomenal – tumutukoy sa pangyayaring likas o penomenon (pag-ulan).

700

Katatapos lang naming maglinis ng silid-aralan bago ka dumating.

Pandiwang Katatapos – gumamit ng panlaping kaka-/katatapos na nagsasaad ng bagong tapos na kilos.

800

Sinusugan ng senador ang mungkahing batas upang masiguro ang kapakanan ng mga manggagawa.

a. tinutulan
b. sinuportahan
c. sinira
d. tinalikuran  

b. sinuportahan

800

(x2 kapag babae)

Sa Mindanao, ang kanduri ay isang pagtitipon kung saan nagsasalu-salo ang mga tao bilang pasasalamat. 

a. kasalan
b. handaan
c. paglilibing
d. pagpupulong

b. handaan

800

Si Rosa ay nakapag-aral nang mabuti kaya’t siya ay nakapasa sa pagsusulit.

Nakapag-aral → MAKADIWA

  • Panlaping nakapag- ay nagpapakita ng naganap na kilos na may kakayahan (aral → nakapag-aral). → MD

800

Kailangang magsikap ang bawat isa upang makapasa sa pagsusulit.

Modal – may salitang nagpapahayag ng pangangailangan o kakayahan (kailangang).

800

Maaari po ba na huwag n’yong kalimutang pakisara ang pinto kapag lumabas.

Pakiusap – may salitang pakiusap/paki- na nagsasaad ng magalang na kahilingan.

1000

(x2 kapag lalaki)

Nang marinig ang masamang balita, bumalong ang matinding pighati mula sa kanyang dibdib.

a. umapaw
b. nawala
c. kumalma
d. naglihim  

a. umapaw

1000

Itinuturing ng ilan na ang pagsama sa Fī sabīl-illāh ay tanda ng kanilang pananampalataya at sakripisyo.


a. laban alang-alang sa Diyos
b. pagdiriwang ng kasal sa mata ng diyos
c. pag-aalay ng pagkain sa Diyos
d. pagpupugay sa Diyos

a. laban alang-alang sa Diyos

1000

Ang pagkainip ng mga estudyante ay bunga ng matagal na paghihintay sa guro.

Pagkainip → MAKANGALAN


  • Panlaping pagka- ay bumubuo ng pangngalan mula sa isang damdamin (inip → pagkainip). → MK


1000

Noo’y tahimik ang buong baryo bago dumating ang unos.

Temporal – may pang-abay na pamanahon (noo’y) na nagsasaad ng oras/panahon.

1000

Nariyan na ang ulan, kaya maghanda tayo ng payong.

Penomenal – muling halimbawa ng pangyayaring likas (nariyan na ang ulan).

M
e
n
u