Mga Mito, Alamat, at Kuwentong-bayan
Lantay, Katamtaman, at Masidhi
Mga Karunungang-Bayan
Sa Ikauunlad ng Bayan
Diwata I EXTREME
100

Power Down: Question Lock 🔒
Kapag Mali, Hindi sila puwedeng sumagot sa susunod na dalawang tanong. 

Bakit kaya lumikha si Bathala ng tao matapos niyang maramdaman ang pangungulila?

A. Upang may maglingkod sa kanya

B. Upang may makasama at magbigay-kahulugan sa kanyang nilikha

C. Upang may makalaban siya kung sakaling may bagong diyos

D. Upang mapatunayan na siya ang pinakamakapangyarihan

b – Lumilikha si Bathala ng tao hindi lang para sa kapangyarihan kundi upang may makasama at magbigay-kahulugan sa kanyang nilikha

100

Power Down: Score Wipeout ☠️ 
Lahat ng puntos ng team ay mabubura at magiging 0. 

Sa tatlong kandidato sa paligsahan sa pagtatalumpati, si Mira ang pinakamalinaw magpahayag ng kanyang ideya.

Masidhi
Dahilan: Ginamit ang pinaka- na panlapi na nagpapakita ng sukdulang antas ng katangian.

100

Power Down: Back to Zero
Kapag nagkamali, babalik sa 0 ang score.  

“May mapa ka ba? Kasi naliligaw ako sa mga mata mo.”

Pick-up Line

100

Power-Up:Freeze Opponent ❄️
Kapag Tama, ang kalabang team ay hindi puwedeng sumagot sa susunod na tanong.

Batay sa pananaw ng may-akda, alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang bansa?

A. Ang dami ng likas na yaman na matatagpuan sa isang bansa
B. Ang pagiging bukas ng isang bansa sa mga impluwensiya ng ibang kultura
C. Ang kalidad ng mamamayan at kanilang pagpapahalaga sa disiplina at edukasyon
D. Ang kakayahan ng pamahalaan na manghiram ng teknolohiya mula sa ibang bansa

C — Ang kalidad ng mamamayan at kanilang pagpapahalaga sa disiplina at edukasyon
Paliwanag: Ipinakita ng may-akda na bagaman mahalaga ang likas na yaman, mas mahalaga ang uri ng mamamayan ng isang bansa sa pag-unlad nito.

100

Random Destruction 🎲
Magro-roll ng number sa roulette at iyon ang mababawas sa score kapag mali.

Kailan inilunsad na sa kalawakan ang Diwata 1?

ika-27 ng Abril, 2016

500

Random Destruction 🎲
Magro-roll ng number sa roulette at iyon ang mababawas sa score.

Ano ang ipinahihiwatig ng laban nina Bathala at Ulilang Kaluluwa tungkol sa kapangyarihan?

A. Ang kapangyarihan ay dapat ipaglaban kahit walang dahilan

B. Ang kapangyarihan ay kadalasang nagdudulot ng tunggalian kapag may pag-aagawan ng lugar

C. Ang lahat ng diyos ay likas na mapayapa

D. Ang kapangyarihan ay hindi kailanman nagdudulot ng problema

b – Ipinapakita ng laban na ang pag-aagawan sa kapangyarihan o teritoryo ay maaaring magdulot ng tunggalian.

500

-5000 points kapag mali

Double Points

Kahit maraming dumating na bisita, nanatiling maayos ang pagkakaayos ng mga gamit sa sala.

Lantay
Dahilan: Payak lamang ang paglalarawan (maayos) at walang paghahambing o pagpapasidhi.

500

Power-down: Question Lock 🔒
Kapag mali, Hindi sila puwedeng sumagot sa susunod na dalawang tanong. 

“Kung may tatlong ibon sa sanga at binaril mo ang isa, ilan ang matitira sa sanga?”

Palaisipan

500

Ano ang ipinahihiwatig ng may-akda sa pagbibigay-halimbawa sa pag-angkat ng kahoy ng Hapon mula sa Pilipinas?

A. Na higit na mayaman sa kalikasan ang Pilipinas kaysa sa Hapon
B. Na ang likas na yaman lamang ay hindi sapat upang matiyak ang pag-unlad ng isang bansa
C. Na umaasa ang Hapon sa ibang bansa para sa kanilang kabuhayan
D. Na dapat ihinto ng Pilipinas ang pagluwas ng likas na yaman sa ibang bansa

B — Na ang likas na yaman lamang ay hindi sapat upang matiyak ang pag-unlad ng isang bansa
Paliwanag: Kahit kulang sa likas na yaman ang Hapon, naging maunlad pa rin ito, na nagpapahiwatig na may iba pang mas mahalagang salik sa pag-unlad.

500

Random Destruction 🎲
Magro-roll ng number sa roulette at iyon ang mababawas sa score kapag mali.

Ilang kilometro ang layo ng Diwata 1 mula sa ibabaw ng daigdig?

400 kilometro

800

Power Down: Double Penalty
Kapag mali ang sagot, doble ang mababawas na puntos.

LAWA NG PAOAY

Kung susuriin ang kuwento, ano ang pinakamahalagang aral tungkol sa kayamanan?

A. Mas mabuti ang maging mahirap kaysa mayaman

B. Ang kayamanan ay hindi problema kung hindi nito binabago ang pagkatao

C. Ang kayamanan ay dapat ipakita sa lahat

D. Ang kayamanan ang sukatan ng tagumpay ng tao

b – Hindi ang kayamanan ang problema kundi ang pagbabago ng ugali ng tao dahil dito

800

Higit na mabigat ang responsibilidad ng panganay kaysa sa iba pang magkakapatid.

Katamtaman
Dahilan: May paghahambing na ipinakita sa pamamagitan ng higit na, kaya hindi ito lantay.

800

Negative Strike
Kapag mali, –100 points agad.

“Basta drayber, sweet lover.”

Tugmang De-Gulong

800

Double Points

Ang mga halimbawang ibinigay ng may-akda tungkol sa pagtawid kung saan-saan, pagtatapon ng basura, at hindi pagsunod sa batas-trapiko ay pangunahing ginagamit upang:

A. ilarawan ang kahinaan ng mga batas sa bansa
B. ipakita ang kakulangan ng imprastraktura sa mga lungsod
C. ipahiwatig na ang maliliit na paglabag ay maaaring humantong sa mas malalaking suliranin sa lipunan
D. ipakita na masyadong mahigpit ang pagpapatupad ng mga patakaran

C — Ipinapakita na ang maliliit na paglabag ay maaaring humantong sa mas malalaking suliranin sa lipunan
Paliwanag: Binanggit ng may-akda na ang simpleng kawalan ng disiplina ay maaaring mauwi sa mas mabibigat na problema tulad ng katiwalian at kawalang-paggalang sa batas.

800

Random Destruction 🎲
Magro-roll ng number sa roulette at iyon ang mababawas sa score kapag mali.

Ano ang tumulong para matagumpay na dumaong ang Diwata-1 sa ISS? (Full Name)

Japanese Experiment Module

1000

Power Up: Double Points kapag tama

NILUBID NA ABO

Bakit sa halip na parusahan si Catalino ay ginawa siyang tagapayo ng Sultan?

A. Dahil natakot ang Sultan sa kanya at sa kaya niyang gawin

B. Dahil napagtanto ng Sultan na mahalaga ang katalinuhan ni Catalino sa pamamahala

C. Dahil wala nang ibang tao sa palasyo na magaling kundi si Catalino lang

D. Dahil gusto ng mga tao si Catalino

b – Napagtanto ng Sultan na ang ganitong katalinuhan ay mahalaga sa pamamahala ng kaharian.

1000

Neutral:Opponent Bonus
Kapag mali ang sasagot +1500 points ang kalabang team. Kapag tama, normal score ang i-aadd.

Ang bagong tulay sa baryo ay napakatibay kahit dumaan ang malakas na bagyo.

Masidhi
Dahilan: Ang napaka- ay nagpapakita ng matinding antas ng katangian.

1000

Lose a Turn
Kapag mali, Hindi puwedeng sumagot sa susunod na tanong.

“Kung may tiyaga, may nilaga.”

Kasabihan / Salawikain

1000

Power Up: Shield 🛡️
Kapag tama, Pinoprotektahan sila sa isang power-down. Kahit matamaan sila ng power-down, hindi ito gagana.

Sa sanaysay, bakit pinupuna ng may-akda ang pagkopya agad ng mga bagong kalakaran mula sa ibang bansa sa sistema ng edukasyon?

A. Sapagkat hindi lahat ng patakarang dayuhan ay angkop sa kultura at kalagayan ng Pilipinas
B. Sapagkat nais ng may-akda na manatiling tradisyonal lamang ang sistema ng edukasyon
C. Sapagkat nagdudulot ito ng pagtaas ng gastusin sa edukasyon
D. Sapagkat maaaring mawalan ng interes ang mga mag-aaral sa pag-aaral

A — Sapagkat hindi lahat ng patakarang dayuhan ay angkop sa kultura at kalagayan ng Pilipinas
Paliwanag: Binibigyang-diin ng may-akda na dapat isaalang-alang ang kultura, pangangailangan, at kakayahan ng bansa bago gayahin ang sistema ng ibang bansa.

1000

Power Up: Double Points
Kapag nakuha nila ito, ang susunod nilang tamang sagot ay doble ang puntos. 

Ang tatlong taong programa ng microsatellite na Diwata-1 ay nagkakahalaga ng __________

P840.82 milyon.

1500

Power-up: Category Control
Kayo ang pumipili ng susunod na category kahit ibang team ang turn.

NILUBID NA ABO

Ano ang mas malalim na mensahe ng kuwento tungkol sa edukasyon at karunungan?

A. Hindi mahalaga ang pag-aaral dahil sa buhay, diskarte ang kailangan

B. Ang tunay na karunungan ay maaaring makuha sa karanasan, pagmamasid, at pag-iisip

C. Ang edukasyon ay para lamang sa mayayaman

D. Ang talino ay hindi nagagamit sa pamumuno lamang, kundi pati na rin sa pagkuha ng kayamanan

b – Ipinapakita ng kuwento na ang karunungan ay maaaring matutunan sa karanasan at pag-iisip kahit walang pormal na edukasyon.

1500

Power Down:Double Penalty
Kapag mali ang sagot, doble ang mababawas na puntos. 

Sa kanilang pangkat, si Leo ang pinakamatiyaga sa pagsagot ng mahahabang gawain.

Masidhi
Dahilan: Ang pinaka- ay nagpapakita ng sukdulang antas kumpara sa iba.

1500

Half Score
Kapag mali, ang kanilang score ay mahahati sa dalawa.

“Bata, bata, bulilit,
Ang laki ng iyong bibig;
Kung kumain ay tahimik,
Pero pag nagsalita’y ang ingay mong marinig.”

Tulang Panudyo

1500

Second Chance
Kapag mali ang sagot, puwede ka pang sumagot ulit.

Batay sa kabuuang diwa ng sanaysay, alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit sa konsepto ng “wastong edukasyon” na tinutukoy ng may-akda?

A. Edukasyong nakatuon sa teknolohiya at pandaigdigang kompetisyon
B. Edukasyong malaya at pandaigdig ngunit nakaugat sa pagmamahal sa sariling bayan at kultura
C. Edukasyong nakatuon lamang sa akademikong kaalaman sa loob ng paaralan
D. Edukasyong nakabatay sa mga sistemang pang-edukasyon ng mga mauunlad na bansa

B — Edukasyong malaya at pandaigdig ngunit nakaugat sa pagmamahal sa sariling bayan at kultura
Paliwanag: Ito mismo ang binanggit ng may-akda bilang uri ng edukasyon na makatutulong sa paghubog ng mamamayang makapagpapaunlad sa bayan.

1500

Random Destruction 🎲
Magro-roll ng number sa roulette at iyon ang mababawas sa score.

Ano ang posisyon ni Amelia Guevara sa DOST (Department of Science and Technology)

Undersecretary for Research and Development

M
e
n
u