Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ni Haring Shahriyar sa huli ng kuwento?
A. Dahil napagod na siya sa pagpaparusa sa mga babae
B. Dahil sa talino at paraan ni Scheherazade na gumamit ng kuwento upang baguhin ang kanyang damdamin
C. Dahil pinilit siya ng kanyang mga tagapayo na magbago
D. Dahil sa takot niya na mawalan ng suporta ang kanyang kaharian
B — Dahil sa talino at paraan ni Scheherazade na gumamit ng kuwento upang baguhin ang kanyang damdamin
Paliwanag: Sa pamamagitan ng 1001 gabi ng pagkukuwento, unti-unting nagbago ang puso ng hari at nawala ang kanyang galit at paghihiganti.
Isang gabi, may lalaking nahuling nagnanakaw sa kanilang barangay. Nang makita ito ni Mang Tonyo na isa sa mga tanod, agad siyang nagalit at halos hindi mapigilan ang sarili sa sobrang galit. Halos manginig na siya habang pinagsasabihan ang lalaki dahil sa ginawa nitong paglabag sa batas.
kumukulo ang dugo
Power Down:Reverse Score
Ang kanilang puntos ay magiging negative ng kasalukuyang score.
(Hal. 300 → –300)
Dahil sa matinding gutom at pagod, ang matandang manlalakbay ay nagkubli muna sa lilim ng punong balete upang makapagpahinga.
nagkubli – Makadiwa
Ang nagkubli ay mula sa salitang-ugat na kubli na nilapian ng nag-. Ito ay kilos o aksiyon, kaya ito ay pandiwa.
Ano ang pinakamalalim na dahilan kung bakit agad na nagalit si Surpanaka nang makita niya si Sita sa piling ni Rama?
A. Dahil natuklasan niyang ipinatapon lamang si Rama mula sa kaharian
B. Dahil nais niyang ipaghiganti ang kapatid niyang si Ravana
C. Dahil nabigo ang kanyang hangaring mapangasawa si Rama at nakaramdam siya ng matinding inggit
D. Dahil nais niyang patunayan na mas makapangyarihan siya kaysa kay Rama
C – Nagselos si Surpanaka dahil hindi siya pinili ni Rama.
Ano ang ipinahihiwatig ng pagtanggi ni Sita sa mga alok ni Ravana kahit ipinangako nito ang kayamanan at kapangyarihan?
A. Ipinapakita nito ang kanyang pagnanais na maging reyna ng Lanka
B. Ipinapakita nito ang kanyang katapatan at pagmamahal kay Rama
C. Ipinapakita nito ang kanyang takot sa mga higante
D. Ipinapakita nito na nais niyang bumalik sa Ayodha
B – Ipinakita ni Sita ang kanyang katapatan kay Rama.
Ano ang pinakamalalim na implikasyon ng pagtataksil na nasaksihan nina Shah-Zeman at Shahriyar mula sa kanilang mga asawa?
A. Nagdulot ito ng pansamantalang galit ngunit hindi nakaapekto sa kanilang pamumuno
B. Naging dahilan ito upang mawalan sila ng tiwala sa lahat ng babae
C. Naging dahilan ito upang magduda sila sa kanilang mga tagapayo
D. Nagdulot ito ng digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian
B — Naging dahilan ito upang mawalan sila ng tiwala sa lahat ng babae
Paliwanag: Ang pagtataksil ng kanilang mga asawa ang nagbunsod ng matinding galit at kawalan ng tiwala ni Shahriyar sa mga babae.
Power Down: Score Wipeout
Lahat ng puntos ng team ay mabubura at magiging 0.
May bagong estudyanteng lumipat sa kanilang paaralan. Sa unang araw pa lamang, napansin na ng kanyang mga kaklase na madali siyang lapitan at kausapin. Kahit hindi pa sila matagal na magkakilala, parang komportable agad ang mga tao sa kanya at gustong makipagkaibigan.
magaan ang dugo
Sa gitna ng kaguluhan ng bayan, ang kanyang pakikibaka ay naging sagisag ng paglaban para sa kalayaan at dangal ng sambayanan.
pakikibaka – Makangalan
Ang salitang pakikibaka ay nagmula sa salitang-ugat na kibaka na nilapian ng paki- at -an (pakikipaglaban/paglaban). Ginamit ito bilang pangngalan dahil tumutukoy ito sa isang konsepto o gawain (ang pakikipaglaban mismo).
Ang bintang ni Sita kay Lakshamanan na nais nitong mamatay si Rama upang maging hari ay nagpapakita ng:
A. Lihim na galit ni Sita sa magkapatid
B. Kawalan ng tiwala ni Sita sa kakayahan ni Rama
C. Plano ni Sita na umalis sa gubat
D. Matinding takot at emosyon na nakaapekto sa kanyang paghatol
D – Dahil sa takot kay Rama, nagsalita si Sita nang padalos-dalos.
Power-up: Category Control
Sila ang pumipili ng susunod na category kahit ibang team ang turn kapag tama.
Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit humingi ng tulong si Rama sa hari ng mga unggoy?
A. Dahil nais niyang makipag-alyansa sa ibang kaharian
B. Dahil nais niyang ipaghiganti ang pagkamatay ng agila
C. Dahil wala na siyang hukbo matapos siyang ipatapon
D. Dahil kailangan niya ng hukbong sapat ang lakas upang salakayin ang Lanka
D – Kinailangan ni Rama ng hukbo upang masalakay ang Lanka.
Ano ang estratehiyang ginamit ni Scheherazade upang mapanatili ang kanyang buhay gabi-gabi?
A. Pagpapakita ng katapatan at pagsunod sa hari
B. Paghingi ng awa sa pamamagitan ng panalangin
C. Pagkukuwento na laging iniiwan sa kapanapanabik na bahagi bago mag-umaga
D. Paghingi ng tulong sa vizier at sa mga tagapayo ng hari
C — Pagkukuwento na laging iniiwan sa kapanapanabik na bahagi bago mag-umaga
Paliwanag: Sinasadya ni Scheherazade na putulin ang kuwento sa pinaka-kapanapanabik na bahagi upang gustuhin ng hari na ipagpatuloy ito sa susunod na gabi.
Power up: Freeze Opponent ❄️
Kapag tama, ang kalabang team ay hindi puwedeng sumagot sa susunod na tanong.
Sa tuwing may dumadaang batang nanlilimos sa harap ng kanilang tindahan, hindi matiis ni Aling Rosa na palampasin lamang ito. Kahit kapos din sila sa pera, nagbibigay pa rin siya ng tinapay o kaunting barya. Madalas siyang pagsabihan ng kanyang asawa na magtira rin para sa kanilang pamilya, ngunit sinasabi niyang hindi niya kayang makita ang ibang taong nagugutom.
pusong mamon
Ang kanyang mapagkandiling tinig ay tila nagbibigay-lunas sa pusong sugatan ng kanyang kaibigan.
mapagkandiling – Makauri
Ang mapagkandili ay mula sa kandili na nilapian ng mapag-. Ito ay naglalarawan sa uri o katangian ng tinig, kaya ito ay pang-uri.
Ano ang estratehikong layunin ni Ravana sa pagpapanggap bilang isang matandang paring Brahmin?
A. Upang lituhin sina Rama at Lakshamanan sa gubat
B. Upang makuha ang simpatiya at tiwala ni Sita bago siya dukutin
C. Upang ipakita na siya ay may kapangyarihang magbago ng anyo
D. Upang mapatunayan ang kanyang kapangyarihan sa mga diyos
B – Ginamit ni Ravana ang anyo ng Brahmin upang makuha ang tiwala ni Sita.
Ano ang ipinahihiwatig ng matagal na labanan nina Rama at Ravana?
A. Na hindi handang lumaban si Ravana
B. Na mahina si Rama sa pakikipaglaban
C. Na magkapantay ang kanilang lakas at kapangyarihan
D. Na hindi mahalaga ang laban sa kuwento
C – Ipinakita na parehong makapangyarihan ang dalawang mandirigma.
Bakit mahalaga ang papel ni Dinazade sa plano ni Scheherazade?
A. Siya ang nagbibigay ng mga paksa ng kuwento kay Scheherazade
B. Siya ang nagsisilbing dahilan upang magsimula ang pagkukuwento bawat gabi
C. Siya ang tagapamagitan sa hari at kay Scheherazade
D. Siya ang nagtatago sa mga lihim ng kaharian habang nagaganap ang mga kuwento
B — Siya ang nagsisilbing dahilan upang magsimula ang pagkukuwento bawat gabi
Paliwanag: Si Dinazade ang humihiling kay Scheherazade na magkuwento bago matulog, kaya nagiging natural ang pagsisimula ng kuwento sa harap ng hari.
Sa tuwing may mahirap na problemang ibinibigay ang guro sa klase, si Marco ang madalas na unang nakaaunawa sa tanong. Kahit hindi pa lubos na naipapaliwanag ng guro ang solusyon, nakagagawa na siya ng paraan upang masagot ito. Madalas tuloy siyang hingan ng tulong ng mga kaklase kapag sila ay nahihirapan sa kanilang aralin.
matalas ang ulo
Power Down: Sudden Gamble 🎲
Kailangan nilang i-risk ang kalahati ng kanilang puntos sa susunod na tanong.
Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ang naging dahilan upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang pamayanan.
pagkakaisa – Makangalan
Ang salitang pagkakaisa ay mula sa isa na nilapian ng pagka-. Ginagamit ito bilang pangngalan dahil tumutukoy ito sa estado o konsepto ng pagiging nagkakaisa.
Power Down: Random Deduction 🎲
Magro-roll ng number sa Roulette at iyon ang mababawas sa score kapag mali
Ano ang pinakamahalagang kahalagahan ng agilang nagtangkang iligtas si Sita sa kuwento?
A. Siya ang nagbigay ng unang babala kay Rama tungkol kay Ravana
B. Siya ang nagdala kay Rama sa kaharian ng Lanka
C. Siya ang naging saksi sa pagdukot at nagbigay ng mahalagang impormasyon bago mamatay
D. Siya ang nagligtas kay Sita mula kay Ravana
C – Ang agila ang nagsabi kay Rama kung sino ang dumukot kay Sita.
Shield 🛡️
Kapag tama, Proprotektahan sila sa isang power-down. Kahit matamaan sila ng power-down, hindi ito gagana.
Ano ang pinakamahalagang papel ni Maritsa sa plano ni Ravana?
A. Siya ang nagbantay kay Sita habang wala si Rama
B. Siya ang nag-anyaya kay Rama sa Lanka
C. Siya ang nagbigay ng kapangyarihan kay Ravana
D. Siya ang nag-anyong usa upang mailayo si Rama kay Sita
D – Nag-anyong usa si Maritsa upang mailayo si Rama.
Free tile x2 :P
C — Ang talino, tiyaga, at malikhaing pag-iisip ay maaaring magbago ng isang malupit na kapalaran
Paliwanag: Ipinakita ng kuwento na ang katalinuhan at tiyaga ni Scheherazade ang nagligtas sa kanya at nagbago sa hari.
Power-up: Second Chance
Kapag mali ang sagot, puwede pa silang sumagot ulit.
Sa isang pagtitipon sa paaralan, napansin ng guro na halos lahat ng estudyante ay nag-uusap at nagkukuwentuhan habang naghihintay ng programa. Ngunit si Liza ang tila hindi nauubusan ng sasabihin—mula sa mga balita sa paaralan hanggang sa mga kuwento tungkol sa kanilang kapitbahay. Kahit hindi na siya tinatanong, patuloy pa rin siyang nagsasalita kaya napapansin ng marami na halos wala nang pagkakataon ang iba na magsalita.
makati ang dila
Free Tile :P
Power Down:Double Penalty
Kapag mali ang sagot, doble ang mababawas na puntos.
Bakit itinapon ni Sita ang mga bulaklak mula sa kanyang buhok habang dinadala siya ni Ravana?
A. Upang magbigay ng senyas sa mga diyos
B. Upang ipakita ang kanyang galit kay Ravana
C. Upang magkaroon ng bakas na maaaring sundan nina Rama
D. Upang takutin ang mga higante sa paligid
C – Nag-iwan si Sita ng bakas upang masundan siya.
Kung susuriin ang kabuuang mensahe ng kabanata, alin sa sumusunod ang pinakamalapit na temang ipinahihiwatig?
A. Ang kapangyarihan ng mga higante laban sa mga tao
B. Ang kahalagahan ng kayamanan sa pagbuo ng kaharian
C. Ang kahalagahan ng paghihiganti sa mga kaaway
D. Ang kahalagahan ng katapatan, tapang, at pagmamahal sa gitna ng pagsubok
D – Ang pangunahing tema ay katapatan, tapang, at pagmamahal.