TULA
DULA
MAIKLING KWENTO
LATHALAIN
HALO-HALO Q'S
100

Ito ang tawag sa isang grupo ng mga taludtod sa loob ng isang tula.

Saknong

100

Sa anong bahagi ng dula itinatampok ang madudula o kapana-panabik na mga pangyayari sa kuwento?

Gitna

100

Ang focus ng kuwentong ito ay ang maingat na paglalarawan sa kilos, gawi, at moralidad ng bida.

Pangkatauhan

100

Ito ang tema ng panitikan sa panahon ng Hapon na tumutukoy sa maigting na pagka-Pilipino.

Pagkamakabayan

100

Ang panahon ng pananakop ng hapon ay kilala bilang ano?

Ginintuang Panahon ng Panitikang Pilipino

200

ito ang elementong tumutukoy sa boses o karakter na nagsasalita.

Persona

200

Saang tagpuan umikot ang dulang "Sino Ba Kayo?"

Sa sala o bahay ni Donya Marcela

200

Itinatampok dito ang tradisyon, kultura, at pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na lugar o probinsya.

Pangkatutubong-kulay

200

Nagpasya si Sarah na isulat ang tungkol sa "Mental Health of Students" dahil ito ang kasalukuyang nararanasan ng mga mag-aaral. Anong katangian ng lathalain ang isinaalang-alang ni Sarah sa pagsulat?

Napapanahon

200

Ano ang  tatlong tanyag na anyo ng panitikan ang namayagpag sa panahon ng Hapon?

Maikling Kwento, Tula, at Dula

300

Ano ang tawag sa  haiku noong ika-19 na siglo?

hokku

300

Ano ang pangunahing suliranin sa dulang Sino Ba Kayo?

Pagpapanggap / Paglilihim / Pagsisikreto

300

Binibigyang-diin dito ang lugar, panahon, at atmospera kung saan nagaganap ang kuwento. Ang paligid ang nagdidikta sa mood ng akda.  

Pangkapaligiran

300

Imbes na sabihing "Mainit ang panahon," isinulat ni Maria sa kanyang lathalain na: "Tila isang nagbabagang apoy ang kalsada na nagpapaiyak sa mga tuyot na dahon." Gumamit siya ng mga tayutay at mabulaklak na salita upang mapaganda ang akda. Anong katangian ang kanyang isinaalang-alang sa pagsulat?

Malikhain

300

Sinong hapon ang kilalang tumulong sa pagpapaunlad ng gawaing kaugnay sa panitikan at kultura dito sa Pilipinas?

Kinichi Isikawa / Kin-Ichi Ishikawa

400

Siya ang kinilalang pinakamahusay sa pagsulat ng haiku.

Matsuo Basho

400

Siya ang may-akda ng dulang "Sino Ba Kayo?"

Julian Cruz Balmaceda

400

Ang layunin ng kuwentong ito ay mapaisip ang mambabasa. Nakatuon ito sa sikolohiya o takbo ng isip ng isang tao sa gitna ng isang sitwasyon.

Pangkaisipan

400

Siya ang naglimbag ng pahayagang Liwayway noong 1922.

Ramon Roces

400

Kailan opisyal na nasakop ng mga Hapon ang Pilipinas?

1942

500

Sino ang nagpalit ng hokku sa haiku?

Masaoka Shiki

500

Sino ang tatlong kilalang tagapagsalin ng dula sa Tagalog mula sa Ingles?

Alberto Cacnio, Francisco Rodrigo, Narciso Pimentel

500

Siya ang may-akda ng maikling kwentong "Suyuan sa Tubigan".

Macario Pineda

500
Tatlong pahayagang umiral sa panahon ng Hapon.

The Daily Tribune, Manila Bulletin, at Daily Herald

500

Siya'y maituturing bilang produktibong manunulat sa bansa sa lahat ng panahon.

Magdalena Gonzaga Jalandoni

M
e
n
u