Saan tayo madalas pumunta kapag summer para maligo?
Banyo
Ano ang ginagamit na flotation device sa dagat upang di ka malunod?
Styrofoam
Paano mo ko titikman kung di mo ko huhubaran
Saging
Sino ang taong to na bumuhay muli ng demokrasya ng bansa. Kilala ito sa initials na N at A.
Nora Aunor
Sino ang nakapatay kay Magellan? Ang initials niya ay LL. Ang pangalan niya ay inuulit at may mga kasamahan siya.
Lito Lapid with friends
Ang dulo'y mapula, puti ang ibinubuga.
Yosi
Saan makikita si Jose Rizal pagkatapos siya barilin?
Lumang piso
Ano ang pangalan ng national tree ng pilipinas that start with the letter N? Di siya namumunga.
Niyog na baog
Ibuka at higupin, sungkitin bagi kainin
Tahong
Kilalang ibon na may pakpak at kulay brown.
Chicken cube with wings
Silipin ang gitna, salatin ang hiwa, ibuka ng bahagya, dilaan ang gitna, paglabas ng puti ay namnamin ng mabuti. Ano ito?
Bakit mo ako binibitin kung kailan kainitan at basang-basa ako?
Sinampay
Mahaba't matigas nang isubo'y kumatas
Ice candy
Pinasok ng malambot, matigas ng hinugot
Yelo
Dilaan mo muna at lawayan para tumigas at mas madaling pumasok
Sinulid