Anong nobela ang gumising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at nagsiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol?
Noli Me Tangere
Kanino inihandog ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
sa mga Pilipino
Saan inilimbag ang Noli Me Tangere?
Madrid,Spain
Anong taon natapos ni Rizal ang Noli Me Tangere?
1887
Siya ang sumisimbolo sa ideal na babae ni Rizal. Kinikilalang anak ni Kapitan Tiyago kay Pia Alba na nagpakasakit dahil sa karahasang naranasan ng kasintahan.
Maria Clara
Larawan ng mapagmahal na ina na gagawin ang lahat sa anak kahit magdulot ito ng kasawian sa kaniya.
Sisa.
Pinatunayan sa kaniyang karakter na hindi lahat ng Guwardiya Sibil ay masamâ. Siya ang nagpabatid ng kasawian ni Don Rafael kay Crisostomo.
Ten. Guevarra.
Taglay ng karakter na ito ang katangian ng Pilipinong hindi marunong lumingon sa pinagmulan. Siya ang asawa ng Alperes na dating labandera.
Dona Consolacion
Kumakatawan sa Pilipinong utak-kolonyal. Naglalagay ng makapal na kolorete para magmukhang Español at kinaiinisan ang kapuwa Indio.
Doña Victorina
“Nakatutulig ang pagpapalahaw ng iyak ni Crispin na sinusundan ng lagapak ng sampal. Ang bawat pagsampal ng sakristan mayor kay Crispin ay nagdudulot ng masakit na pagdaing.”
Aling makatotohanang pangyayari sa seleksyon ang maiuugnay hanggang sa kasalukuyan?
A. Malakas umiyak ang mga bata sa ngayon kapag pinapalo.
B. Maging tagapagsilbi ng simbahan ay nakagagawa ng pagmamalupit sa kapwa.
C. Mga bata ang kadalasang nasasampal sa panahon ngayon.
D. Pagsampal ang madalas na paraan ng pagdedesiplina sa mga bata ngayon.
B. Maging tagapagsilbi ng simbahan ay nakagagawa ng pagmamalupit sa kapwa.
“Kahit nagpauna sa paglalakad ay hiyang-hiya si Sisa sa mga taong nakasalubong nila. Bawat tingin ng mga tao sa kanya ay tila sugat na umiiwa sa kanyang puso.”
Batay sa mga salitang may diin, alin ang paraan na ginamit sa pagbibigay pahiwatig sa kahulugan?
A. Talinhaga o idyoma C. Tindi ng kahulugan ng klino
B. Konotasyon at denotasyon D. Paggamit ng contextual na clue
A. Talinhaga o idyoma
Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga- inang umaasang magkaroon ng anak na doctor dahil sa paaralang ipatatayo ni Ibarra, ano kaya ang maaari mong gawin sa ganitong pangyayari?
A. Mas pipiliin ko ang kaligtasan ng pamilya ko kaysa sumawsaw sa isang bagay na maglalagay sa panganib ng aking pamilya.
B. Magpapasalamat kay Ibarra dahil sa pagpapatayo ng paaralan at kahit hindi matutupad ang pangarap ko sa aking anak na maging doctor kahit paano ay naranasan naming mangarap.
C. Himukin si Ibarra na ipagpapatuloy ang magandang nasimulan.
D. Manahimik na lang kung matutuloy ba o hindi.
B. Magpapasalamat kay Ibarra dahil sa pagpapatayo ng paaralan at kahit hindi matutupad ang pangarap ko sa aking anak na maging doctor kahit paano ay naranasan naming mangarap
. Kaninong bahay ang nagkaroon ng piging sa hapunan at dinaluhan ni Crisostomo Ibarra kasama ang mga kilalang tao sa pamahalaan, lipunan at simbahan?
KAPITAN TIAGO
“Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis na hindi batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan, ang mga babae.” Ang may salungguhit ay di lantad ang kahulugan. Anong uri ng pormal na salita ang may salungguhit?
PAMPANITIKAN
“Kailangan kong sundin ang utos ng kurang malaki o malagay sa panganib ang aking buhay,” ang sagot ng sepulturero.
Suriin ang pahayag na nasa loob ng kahon. Anong uri ng tunggalian ito?
TAO LABAN SA TAO
Si Padre Damaso at Don Rafael Ibarra ay malapit na magkaibigan.
TAMA O MALI
MALI
Apat na taon ang inilagi ni Crisostomo sa Europa.
TAMA O MALI
MALI
Ipinakilala ni Crisostomo Ibarra ang kanyang sarili sa mga panauhin
TAMA O MALI
TAMA
nag-agawan ng puwesto sa kabisera sina Padre Damaso at Padre Sibyla. Sa anong kabanata?
Kabanata 3, Ang Hapunan
Pilipinang ambisyosa na inuuri ang kanyang sarili na isang Kastila.
DONYA VICTORINA
Siya ay ang mestisong anak ng negosyanteng Pilipino na si Don Rafael Ibarra.
Crisostomo Ibarra
May lihim na pag tingin kay Maria Clara.
PADRE SALVI
Paring Dominikano na lihim sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Padre Sibyla
Tanyag sa San Diego bilang maganda at mayuming dalaga.
MARIA CLARA
ANG PARI NA NAALIS NA KURA PAROKO SA SAN DIEGO
PADRE DAMASO