Ano ang kahulugan ng "pitong bituin" sa Apocalipsis 1:20?
Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia.
Aling talata ang nagsasabing mapalad ang bumabasa ng mga salita ng hula?
Apocalipsis 1:3
Anong mahalagang pangyayari ang naganap noong 1798 ayon sa hula sa Daniel?
Pagkakabihag ng papa (Pope Pius VI).
Ano ang pangunahing tema ng Biblia at propesiya?
Ang Plano ng Kaligtasan.
Sino ang propetang nagsalin ng panaginip ni Nabucodonosor?
Daniel
Ano ang kinakatawan ng “babae” sa Apocalipsis 12:1?
Ang tapat na bayan ng Dios o ang Kanyang iglesia.
Anong aklat ang nagsasaad na “ang kaalaman ay lalago”?
Daniel 12:4
Anong aklat sa Bagong Tipan ang tinawag na “hindi natatakan”?
Apocalipsis
Ano ang tamang paraan ng pag-unawa sa mga simbolo?
Gamitin ang ibang bahagi ng Biblia upang ipaliwanag ito.
Sino ang nakatanggap ng hula habang nasa isla ng Patmos?
Apostol Juan
Ano ang ibig sabihin ng "tabak sa bibig ni Jesus" (Apoc. 1:16)?
Ang Salita ng Dios.
Saang talata sinabi ni Jesus, “unawain ng bumabasa”?
Mateo 24:15
Ilang araw (o taon) ang itinakda sa paglilinis ng santuwaryo sa Daniel 8:14?
2,300 araw (2,300 taon).
Bakit hindi sapat ang literal na pagbasa ng hula?
Dahil ito ay puno ng simbolo na kailangang pag-aralan.
Sino ang hari na nanaginip ng rebulto?
Haring Nabucodonosor
Ano ang kahulugan ng “apat na hangin” sa Apocalipsis 7:1?
Mga digmaan, kaguluhan, at pagkawasak.
Saan mababasa ang “ang patotoo ni Jesus ay espiritu ng hula”?
Apocalipsis 19:10
Kailan nagsimula ang 2,300-araw na hula?
457 B.C. (utos ni Artaxerxes).
Ano ang ibig sabihin ng “line upon line” (Isaias 28:10)?
Paghahambing ng teksto sa teksto.
Sino ang propeta na tumukoy sa "30 piraso ng pilak"?
Zacarias
Ano ang simbolismo ng “tatlong espiritung gaya ng palaka” (Apoc. 16:13)?
Mapanlinlang na espiritu ng dragon, halimaw, at bulaang propeta.
Aling talata ang nagsasabing hindi gumagawa ang Diyos nang hindi ipinapaalam sa Kanyang propeta?
Amos 3:7
Ano ang makasaysayang katuparan ng pagbagsak ng mga bituin noong Nobyembre 13, 1833?
Meteor shower na tumupad sa hula sa Mateo 24:29 bilang tanda ng malapit na pagbabalik ni Cristo
Ano ang apat na prinsipyo ng pag-unawa sa hula?
Dasal, buong Kasulatan, simbolismo, at kaligtasan bilang sentro.
Sino ang “dalawang saksi” sa Apocalipsis 11?
Ang Lumang Tipan at Bagong Tipan (Salita ng Dios)