. Ano ang itinuturing na pinakamakapangyarihang kaharian sa Cambodia bago ang pananakop ng mga Pranses?
A. Angkor
B. Vietnam
C. Siam
D. Pransya
A. Angkor
Ano ang tawag sa dinastiyang namumuno sa Myanmar bago ang pananakop ng mga Ingles?
a. Toungoo Dynasty
b. Konbaung Dynasty
c. Bagan Dynasty
d. Nyaungyan Dynasty
b. Konbaung Dynasty
Ano ang tawag sa dinastiyang namumuno sa Vietnam bago ang pananakop ng mga Pranses?
a. Le Dynasty
b. Tran Dynasty
c. Nguyen Dynasty
d. Ly Dynasty
c. Nguyen Dynasty
Ano ang itinayo noong ika-12 siglo na simbolo ng kadakilaan ng Kaharian ng Angkor?
A. Riles ng tren
B. Angkor Wat
C. Paaralan ng Pransya
D. Simbahan ng Kristiyano
B. Angkor Wat
Ano ang naging epekto ng pananakop ng mga Pranses sa ekonomiya ng Vietnam?
a. Naging masagana ang pamumuhay ng lahat ng Vietnamese
b. Naging independent at self-sufficient ang ekonomiya ng Vietnam
c. Naging nakadepende ang ekonomiya ng Vietnam sa Pransya
d. Walang naganap na pagbabago sa ekonomiya ng Vietnam
c. Naging nakadepende ang ekonomiya ng Vietnam sa Pransya
Anong relihiyon ang nanatiling pangunahing paniniwala ng mga Cambodian sa kabila ng impluwensya ng Kristiyanismo?
A. Hinduismo
B. Islam
C. Budismo
D. Katolisismo
C. Budismo
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing produkto ng Myanmar na iniluluwas sa Inglatera?
a. Ginto at pilak
b. Palay at teak
c. Tabako at asukal
d. Garing at pampalasa
b. Palay at teak
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng impluwensya ng Pransya sa arkitektura ng Vietnam?
a. Mga gusali sa Hanoi at Ho Chi Minh City
b. Temple of Literature
c. My Son Sanctuary
d. Po Nagar Cham Towers
a. Mga gusali sa Hanoi at Ho Chi Minh City
Ano ang naging pangunahing relihiyon sa Myanmar sa kabila ng impluwensya ng Kristiyanismo?
a. Islam
b. Hinduismo
c. Budismo
d. Kristiyanismo
c. Budismo
Alin sa sumusunod ang positibong epekto ng pananakop ng Pransya sa Cambodia?
A. Pagkawala ng kalayaan ng mga Cambodian
B. Pagsasamantala sa yamang likas ng Cambodia
C. Pagpapatayo ng imprastraktura tulad ng riles at kalsada
D. Pagpapatupad ng sapilitang pagbabayad ng buwis
C. Pagpapatayo ng imprastraktura tulad ng riles at kalsada
Ano ang pangunahing layunin ng Pransya sa pagpapatupad ng sistemang edukasyon sa Cambodia?
A. Palaganapin ang Kristiyanismo sa Cambodia
B. Ipakilala ang kanilang sistema ng agrikultura
C. "Sibiliserahin" ang mga Cambodian at ituro ang wikang Pranses
D. Palakasin ang depensa laban sa Siam at Vietnam
C. "Sibiliserahin" ang mga Cambodian at ituro ang wikang Pranses
Ilang digmaang Anglo-Burmese ang naganap bago tuluyang nasakop ng mga Ingles ang Myanmar?
a. Isa
b. Dalawa
c. Tatlo
d. Apat
c. Tatlo
Paano naapektuhan ng pananakop ng mga Pranses ang politika ng Vietnam?
a. Nawalan ng kalayaan ang Vietnam at naging kolonya ng Pransya
b. Nagkaroon ng demokrasya sa Vietnam
c. Naging mas malakas ang Nguyen Dynasty
d. Naging republika ang Vietnam
a. Nawalan ng kalayaan ang Vietnam at naging kolonya ng Pransya
Anong relihiyon ang sinuportahan ng mga Pranses sa Vietnam?
a. Budismo
b. Hinduismo
c. Islam
d. Kristiyanismo
d. Kristiyanismo
Bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan ng pananakop ng mga Ingles sa Myanmar?
a. Upang maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng Myanmar
b. Upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa hinaharap
c. Upang mapahalagahan ang kultura at kasaysayan ng Myanmar
d. Lahat ng nabanggit
d. Lahat ng nabanggit
Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng Kaharian ng Angkor?
A. Pananakop ng Pransya
B. Pagtaas ng impluwensya ng Kristiyanismo
C. Kalamidad, digmaan, at pagbabago sa klima
D. Kawalan ng sistema ng edukasyon
C. Kalamidad, digmaan, at pagbabago sa klima
Alin sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na epekto ng pananakop ng mga Ingles sa kultura ng Myanmar?
a. Paglaganap ng wikang Ingles
b. Pag-usbong ng nasyonalismo
c. Pagbabago sa pananamit at arkitektura
d. Pagkawala ng lahat ng tradisyon at paniniwala ng mga Burmese
d. Pagkawala ng lahat ng tradisyon at paniniwala ng mga Burmese
Anong lungsod sa Vietnam ang unang sinakop ng mga Pranses noong 1858?
a. Hanoi
b. Hue
c. Saigon
d. Da Nang
d. Da Nang
Ano ang tawag sa Cambodia matapos itong maging bahagi ng kolonya ng Pransya noong 1887?
A. French Indochina
B. French Protectorate
C. Kingdom of Angkor
D. Southeast Asian Colony
A. French Indochina
Bukod sa Vietnam, anong mga bansa ang kabilang sa French Indochina?
a. Thailand at Myanmar
b. Laos at Cambodia
c. Malaysia at Singapore
d. Indonesia at Pilipinas
b. Laos at Cambodia
Ano ang dahilan ng paghingi ni Haring Norodom ng proteksyon mula sa Pransya noong 1863?
A. Upang mapatatag ang ekonomiya ng Cambodia
B. Upang maipakilala ang modernong teknolohiya sa bansa
C. Upang maprotektahan laban sa Siam at Vietnam
D. Upang mapalaganap ang edukasyon sa mga Cambodian
C. Upang maprotektahan laban sa Siam at Vietnam
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan ng pananakop ng mga Ingles sa Myanmar?
a. Pagpapalawak ng teritoryo at kapangyarihan ng Britanya
b. Pagkontrol sa kalakalan sa rehiyon
c. Pagpapalaganap ng relihiyong Islam
d. Pagkuha ng mga likas na yaman ng Myanmar
c. Pagpapalaganap ng relihiyong Islam
Ano ang pangunahing layunin ng mga Pranses sa pagpapatupad ng sistemang edukasyon sa Vietnam?
a. Paunlarin ang kritikal na pag-iisip ng mga Vietnamese
b. Ipalaganap ang kulturang Vietnamese sa buong mundo
c. Turuan ang mga Vietnamese ng wikang Pranses at kultura
d. Hikayatin ang mga Vietnamese na mag-aral sa Europa
c. Turuan ang mga Vietnamese ng wikang Pranses at kultura
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga patakarang ipinatupad ng mga Pranses sa Vietnam?
a. Pagpapatupad ng sistemang edukasyon batay sa modelo ng Pransya
b. Pagbabawal sa paggamit ng wikang Vietnamese
c. Pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo
d. Pagpapaunlad ng ekonomiya na nakatuon sa pagluluwas ng mga produkto
b. Pagbabawal sa paggamit ng wikang Vietnamese
Anong patakaran ang ginamit ng mga Ingles upang mapanatili ang kanilang kontrol sa Myanmar?
a. Assimilation
b. Paternalism
c. Divide and Rule
d. Benevolent Assimilation
c. Divide and Rule