Anong mahalagang bagay ang nilikha ni Bathala habang nalulungkot siya sa kanyang pag-iisa?
Napag-isipan niyang likhain ang mundo.
Bakit hindi pa rin naging masaya si Bathala kahit pa nalikha na niya ang mundo?
Dahil ito ay nababalot ng kadiliman.
Bakit biglang napabalikwas si Bathala?
Dahil nagningning ang kanyang mga mata sa isang ideyang pumasok sa kanyang isipan.
Ano ang dalawang bagay na nilikha ni Bathala na magbibigay ng liwanag sa mundo?
Ang matipunong Araw at mahinhin at magandang si Buwan.
Dahil masusunog ang kanilang anak sa matinding init na taglay nito.
Bakit gustong lumapit ni Araw sa kanilang anak?
Upang mahawakan o mayakap ang kanilang anak.
Bakit nasunog ang katawan nila Araw at Buwan?
Dahili lumapit ito sa natutulog na anak at akmang hahalikan ito nang nagliyab ang katawan ng anak.
Ano ang naramdaman ni Buwan sa kanyang asawa na si Araw?
Matinding galit at lungkot.
Ano ang nangyari sa kanilang anak?
Naging abo. Ang iba'y kumalat at nanatili sa kalawakan. Ang iba'y napunta sa mundo.
Bakit nanlaki ang mga mata ni Araw at hindi siya makapaniwala sa nakita?
Dahil ang mga bahagi ng abo ng kanyang anak na napunta sa kalawakan ngayon ay nagniningning.
Paano nakabawi si Araw sa nagawa niyang pagkakamali sa anak at sa asawa? Ano ang pinatunayan ni Araw sa ginawa niyang ito?
1. Ginawa niya ang kanyang makakaya para mabigyan ng liwanag ang mga abo ng anak na kumalat sa kalawakan.
2. Ipinapangako niyang habambuhay niyang ipahihiram ang kanyang liwanag kay Buwan.
3. Ang mga abong bumagsak sa mundo ay sinikap niya ring mabuhay at ito'y naging mga puno at halamang makukulay na bulaklak.
Ano-anong patunay ang nagpapakitang natapos na rin ang pagluluksa at pagdadalamhati ni Buwan.
1. Masaya na siyang nakakapiling niya ang anak kahit sa ganoong paraan na mga ginawa ni Araw.
2. Dahil sa ipinakitang pagmamahal ni Araw ay naibalik ang nasirang tiwala ni Buwan sa kanyang asawa.
3. Naibalik na nang tuluyan ni Araw ang dating sigla at kagandahan ni Buwan.
Bakit may mga gabing hindi nakikita si Buwan?
Ito kasi ang mga panahong masaya siyang nakatitig sa mga bituing nangniningning sa kalawakan at sa mga puno at makukulay na bulaklak sa kalupaan.
Bakit may gabing bilog na bilog at nagniningning ang liwanag ni Buwan?
Ano ang sunod na nilikha ni Bathala?
Nilikha niya ang ibon at ang mga nabubuhay sa katubigan, sunod ang mga tao, ang mga hayop, at iba pang nabubuhay sa kalupaan.
Ano ang naramdaman at ginawa ni Batlaha pagkatapos niyang likahin ang lahat?
Labis na kasiyahan at siya ay masayang nagpahinga.