Saan nakatira ang batang palakang puno at ang kanyang ina?
Sa isang bayan ng Korea.
Bakit nahihirapan ang inang palaka na pasunurin ang kanyang anak?
Dahil sa katigasan ng ulo.
Bakit nasabing kilalang-kilala na ng inang palaka ang kanyang anak?
Dahil alam niyang sa bawat iutos niya sa anak ay kabaliktaran nito ang ginagawa.
"Anak, mainit ang panahon maaari kang makipaglaro sa iba pang mga palaka sa batis"
Ano ang kabaliktaran na ginawa ng anak?
Pumunta ang anak na palaka sa bundok at doon naglarong mag-isa.
"Huwag kang lalayo ngayon, narinig ko sa usapan sa kanto na may parating na ahas."
Ano ang kabaliktaran na ginawa ng anak?
Lumabas ang anak na palaka at nagyakag ng mga kaibigan.
Ano ang nangyayari sa ina kapag hindi nakikinig ang kanyang anak at wala siyang magawa?
Nalulungkot at lumuluha na lang nang tahimik dahil sa asal ng anak.
Bakit nagkasakit ang inang palaka?
Dahil sa katandaan at dahil na rin sa hirap ng kalooban na nararanasan niya sa kanyang anak.
Ano ang hinabilin ng inang palaka habang nahihirapan itong huminga?
Huwag putulin ang puno sa harapan ng kanilang bahay
Dahil ito ay magiging proteksiyon sa kanila.
Ano ang nais ng inang palaka kapag siya ay pumanaw na?
Ilibing ang kanyang labi sa burol.
Bakit kabaligtaran ang sinabing kahilingan ng inang palaka sa kanyang anak?
Dahil alam niyang ang ugali ng anak na sinusuway ang kanyang bawat utos at ginagawa ang kabaligtaran.
Paano ipinakita sa pabula ang pagsisisi ng anak na palaka sa pagkamatay ng kanyang ina?
Dahil sa sama ng loob ng kanyang ina sa kanya kaya nagkasakit ito at kung bakit tuluyan itong namatay.
Kailan sinunod ng anak na palaka ang utos ng kanyang ina?
Nang sinunod niya ang hiling ng kanyang inang palaka na ilibing siya sa gilid ng batis.
Bakit naanod ang bangkay ng kanyang ina?
Dahil bumuhos ang napakalakas na ulan, walang humpay sa pag-ulan sa loob ng ilang araw kaya't umapaw ang tubig sa batis.
Ano ang isa sa naging paniniwala sa Korea na ang labis na kalungkutan at pag-iyak ng palaka sa pagkakaanod sa kanyang ina?
Nag-iingay ang mga palaka tuwing umuulan.